Naka formal uniform ako. Long sleeve white blouse, plaid royal blue skirt, white knee socks, black leather shoes, royal blue blazer na may pocket sa left chest at naka embroider ang school seal. And oh, don't forget the plaid royal blue necktie na naka sulat ang school ancronyms in elaborate embroidery.
"Ready ka na?"
Tumingin ako sa aking likuran. Nakatayo si Mike. Tulad ko, formal uniform rin ang suot niya. Our uniforms are basically the same, pero nagsusuot siya ng royal blue slacks instead sa palda at long sleeve white polo ang pang-itaas niya. Ang weird kaya kung naka blouse at skirt ang isang lalaki!
"Yeah... Sort of." Humarap ako ulit sa salamin.
Niyakap ako ni Mike. "Everything will be fine, okay? Kahit na hindi kita makakasama sa stage, I am proud of you. And I always will."
Tumango ako.
Kinuha na namin ang aming mga bag at pumunta sa garahe. Habang pinapasok niya ang susi sa ignition, napansin kong parang balisa siya.
"Babe, are you alright?" Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay na nasa steering wheel.
"Yeah... Yeah." Napabuntong hininga siya at nagsimulang mag drive.
Tahimik lang kami habang binabagtas namin ang matataas at nakakabagot na mga kalsada. Nang makarating na kami sa school, napansin kong parang balisa siya.
"I love you." Wika ko sa kanya nang makalabas na kami.
Tumango lang siya at pumunta sa sophomore and seniors' building.
Medyo naguluhan ako. Wala naman akong nagawang masama. Pero bakit ba ang weird niya? May nangyari ba sa kanya? O sa mama at papa niya?
Either way, I am going to find out.
Pumunta muna ako sa office. Habang chinecheck ko kung maayos ba ang lahat, biglang may nag text sa akin.
Tiningnan ko ang screen at binasa ang message.
Fr: Carlo Bogarteeee 🏫🎂😝😋
Kambal, hindi ako papasok ngayon. Nilalagnat ako.
Chocopops xx
Tengene. Sa lahat pa naman ng araw ay ngayon pa?
@~@~@
"Fabre, Kenneth John A., First Honors with a QPI of 94.72."
Umakyat si Ken sa stage kasama ang kanyang ate at brother-in-law. Masayang-masaya siya habang pinipin ng kanyang ate ang award sa blazer niya at inaakbayan naman siya ng kanyang brother-in-law. Sure ako na proud na proud ang parents niya, kung nasaan man sila ngayon.
"Last, but not the least, on the contrary, THE BEST!" Wika ni Mrs. Chang. Napangiti ako. "Fuentes, Elizabeth Monica B., First Honors with a QPI of an astounding 97.99!"
Napasigaw ang lahat ng mga esudyante sa loob ng hall. Narinig ko ang mga sigaw ng, "Inspired!", "Genius!", "Unbelievable!" at kung anu-ano pang mga positive comments.
Umakyat ako ng stage at humarap kay Father Principal. Ngumiti siya sa akin. "Ms. Fuentes, you have proved worthy of this award."
Halos mapaiyak ako sa sinabi ng pari. "Thank you, Father."
Ibinigay niya sa akin ang medalya. Tumulo ang aking luha habang tinititigan ko ang maliit, ngunit napakahalagang bagay na nasa aking kamay. Sana ang mga magulang ko ang nandito para ilagay ito sa aking uniform, pero wala, wala sila. At hindi naman pwedeng umakyat si Mike sa stage dahil para lang ito sa mga magulang, honors, at admin.
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.