Chapter 7- Counseling

59 1 0
                                    

Gumising ako sa silid ko. Nandoon si Mama at Tita Kristelle, alalang-alala sa kalagayan ko.

"Anak, are you okay?" Tanong ni Mama. Punong-puno ng pag-alala ang boses niya.

"Ma...."

"Maria, let her rest." Wika ni Tita.

"Mama? Ano ba ang nangyari? Nasa school ako kanina. Bakit ba nandito na ako?" Pagtataka ko.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Dinala ka rito ni Mike. Nakita ka na lang daw ng mga guro na nahimatay sa Counselor's Office,"

Tumango ako.

@~@~@

May pinuntahan si Tita at si Mama kaya ako at si Manang Nelly lang ang naiwan sa bahay. Dahil wala akong magawa, nanood lang ako ng cartoons para hindi ma bored.

"Hija?"

Tumingin ako sa likuran ko. Nandoon si Manang Nelly, dala-dala ang isang tray na may teapot at dalawang teacup. May mga biscuit at cookies din.

"Naku, Manang, sana tinawag mo ako para ako na lang ang nagdala nito." Kinuha ko ang tray mula sa mga kamay ng matandang babae.

"Salamat, anak." Wika niya.

Ilinagay ko ang tray sa maliit na lamesa sa harap ng sofa. Umupo ako at nagsabing, "Manang, tumabi po kayo sa akin."

"Salamat, salamat." Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin. "Anak, parang bumabait ka na ah."

Napa blush ako. "Naku, hindi po!"

"Totoo yan, hija. May gusto nga lang akong itanong sa'yo."

"Sige po. Ano po iyon?"

"Hindi mo pa ba napatawad ang lalaking pakakasalan mo?"

"Hindi pa po."

"Hija... Ang nakaraan ay kailangan na nating pakawalan. Wag kang bumuo ng galit sa puso mo. Galit ang simula ng lahat ng kasalanan sa mundo, anak."

"Pero...."

"Kailangan mo nang magpatwad, anak. Ikakasal rin naman kayo, hindi ba?"

Hindi ako makapagsalita. May punto si Manang. Pero galit pa rin ako kay Mike. Pero tama rin naman si Manang. Ay, ewan.

Biglang tumayo si Manang Nelly. "Tumunog na ang doorbell. Parang nandiyan na ang Kuya Enzo mo."

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon