Chapter 43- Kapit Lang

21 0 0
                                    

Sakit.

Iyan lang ang tanging naramdaman ko the whole time.

Hindi ko ito mapaliwanag. Para bang may kinuha mula sa loob ng aking katawan at iniwan itong para bang shell ng crab- kinuhanan ng laman.

Naalala ko ang mga huling sandali bago ako bumagsak sa mundong ito. Ang pagbabanta ni Mike kay Julian. Ang pagpapagitna ko. Ang sakit sa aking tiyan nang sinuntok ito ni Mike.

Ano na ba ang nangyayari?

Nakakarinig ako ng mga boses. Boses na nagmamakaawang gumising na ako. Gusto kong gumising. Pero hindi bumubuka ang aking mata. Para bang may puwersang gusto itong pigilan sa pagbuka.

"Liza... Liza..."

Sa lahat ng mga boses, ito ang pinaka pamilyar.

"Gumising ka na...."

Gusto kong gumising. Gusto kong sabihin sa tumatawag sa akin.

Pero may isang kamay na hinihila ako pababa sa kadiliman.

@~@~@

Nakita ko si Mike na nakatayo sa may baybayin. Nakasuot siya ng isang suit, pero nakataas ang kanyang slacks sa kanyang tuhod. Wala na rin siyang necktie at nakabukas ang pinakaitaas na buton sa kanyang polo. Wala siyang sapatos. Nakapaa lang siya.

"Mike." Sigaw ko. "Mike!"

Tumingin siya sa akin. Malungkot na malungkot ang mga mata niya. "Elizabeth."

Kinabahan ako. Tumakbo ako patungo sa kanya, pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako makakalapit sa kanya. Nandoon lang siya sa distansya, nakatitig sa akin.

Lumakad siya patungo sa dagat. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa nasa bewang na niga ang tubig.

"Michael Kristoff!" Sigaw ko. "Michael!"

"Ave atque vale, Elizabeth Monica."

Hail and farewell.

"Huwag! Michael! Huwag! Bumalik ka! Mike!"

Pero hindi na siya nakinig. Nagpatuloy siya sa paglakad sa tubig hanggang sa nawala na siya.

Hindi ako makagalaw.

Sumigaw ako nang sumigaw. Tinatawag ko siya na bumalik. Pero wala, wala na siya.

Puno na ng luha ang aking mga mata. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta, hanggang sa may kamay inabot sa akin. Kinuha ko ito.

Umikot ang aking mundo at nandilim ito.

Binuksan ko ulit ang aking mga mata. Ang una kong nakita ay mga kaluluwa. Kaluluwang nakasuot ng puti.

Inabot ng isang kaluluwa ang kanyang kamay. Kinuha ko ito at tumingin sa mga mata ng nag abot ng kanyang kamay. Isang dalagang maganda. Kulay brown ang kanyang mga mata. Napakaitim ng kanyang buhok. Pamilyar ang kanyang mukha, ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita noon.

"S-Sino ka?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"Ako si Elisa. Sinabihan ako na kunin ka dito." Ngumiti ang kaluluwa.

Kahit na sinusubukan kong alalahanin kung sino siya ay hindi ko magawa. Nakita ko kung saan niya ako dinala. Sa harap ng isang malaking gate na gawa sa ginto. Pumasok agad si Elisa.

"Huwag mo akong iwan!" Pagmamakaawa ko.

Ngumiti ang kaluluwa. "Hindi ko iyan maaring gawin. Pagpapasyahan pa ang iyong kapalaran." Tumalikod siya at nagsara ang malaking bakod.

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon