Simula noon, magkaibigan na kami ni Mike. No more hard feelings.
Parang nag alleluia ang mga nanay namin. Nagkatotoo na nga ang pinapangarap nilang magiging magkaibigan na ang mga anak nilang mortal na magkaaway.
As for the pudras, masayang-masaya sila dahil "sign" daw ito na magiging maayos na ang takbo ng negosyo. Hahay.
We hang out together. On normal days (a.k.a. mga Saturday na wala ang parents namin), nandun lang kami sa mall, kumakain. Sinasama ko rin siya sa pagshopping ko para sa mga bagong laro sa PS3 ko na siya namang kinatutuwa ni señorito. Normal boy thing. Video games. Naiintindihan ko sila dahil ang mga kabarkada ko simula pagkabata ay puro lalaki. Kaya eto, medyo boyish ako.
Isang araw, habang nasa opisina ako, napansin kong di maka-focus si Carlo sa trabaho niya- ang mag-sort out sa mga papeles.
"Carlo? Ok ka lang?" Nag-aalala ako sa bestfriend ko.
Napabuntong hininga siya. "Masakit kasi yung ulo ko..."
"Hayaan mo." Ngumiti ako sa kanya. "Ako na muna ang bahala dito."
Sinort-out ko ang mga papeles habang nagpapahinga si Carlo. Dahil concerned na ako, nagtanong na ako sa kanya. "Carlo, anong oras ka ba natulog kagabi?"
"Um, twelve?"
I rolled my eyes. Kaya naman pala. "Carlo, matulog ka muna."
Tumango siya at ipinikit ang kanyang mga mata.
@~@~@
Nang natapos na ako, umupo ako sa may bintana at tinitigan ang view.
Mula sa office ko ay klarong-klaro ang botanical gardens ng school. Maraming bata doon. Probably mga freshmen na nagkakaroon ng Biology class.
Medyo mahirap rin ang pagiging isang student leader AT isang ordinaryong esudyante. Ikaw ang boses ng mga esudyanteng katulad mo. Kailangan mong gumawa ng mga report sa ano na ba ang nangyayari. Kailangan mong magkaroon ng plataporma para pagkatiwalaan ka. At kailangan mong balansehin ang buhay mo bilang bata. You need to hang out and live out your teenage life. Pero medyo mahirap rin kung gatambak na ang mga schoolwork at leadership work mo. Halos hindi mo na naeenjoy ang buhay mo kasi puro eyebags na lang ang makukuha mo.
Napansin kong gising na si Carlo. Napangiti ako. "Kumusta ang tulog?"
"Grabe ka tsada." Sagot naman niya. Marunong rin mag bisaya itong bestfriend ko. Taga Davao kasi yung Mommy niya.
"Ah, maayo. Sige, mo uli na ka? Hapit na gabii."
Nanlaki ang mga mata niya. "Unsa nay oras?!"
"Alas-singko na. Usa ka ka oras natulog doy." Tumawa ako ng malakas.
"Halaka, shiiit!" Kinuha niya ang kanyang bag at hinalikan ako sa pisngi. "Bye! Kitakits!" Agad siyang lumabas sa opisina ko.
Napangiti ako kay Carlo. Halatang shunga talaga tong bestfriend ko. Tumingin ako ulit sa may bintana. Wala na ang mga freshmen. Typical. At exactly 5:00 PM ay dismissed na ang lahat ng HS students. Ang mga Boarders ay pumupunta na sa mga dorm habang ang mga Day Students ay umuuwi na sa kani-kanilang mga bahay.
Which reminds me, kailangan ko nang umuwi.
Inayos ko ang mga gamit ko habang tulog pa si Carlo bago ko sinimulan ang mag sort out ng papeles kaya ang tanging ginawa ko na lang ay i check kung may naka saksak sa mga electrical socket at kung may wrapper ng pagkain ba kaming naiwan ni Carlo.
Nang tapos na ako sa aking last-minute checks, lumabas na ako ng opisina at linock ito. Habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong wala nang tao. Ni isang Prefect o assistant ay wala akong makita. Baka nakauwi na siguro.
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.