Chapter 26- Stranger

40 0 0
                                    

Pumasok ako sa kuwarto namin ni Mike. Hindi pa siya nakakarating mula sa office. Pumunta kasi siya sa opisina ng aming mga magulang. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya dun. Probably taking up Business Management crash course. Dahil nabobore na ako, nagbihis ako to make myself presentable. Alangan naman na pupunta ako sa plaza ng subdivision na hindi naka ayos?

Habang naglalakad ako sa mga kalye at dumadaan sa mga naglalakihang mansyon, parang nararamdaman ko na may sumusunod sa akin. Letting my instincts kick in, hinay-hinay kong ilinabas ang Swiss army knife na ibinigay sa akin ni Papa nung twelfth birthday ko. You never know kung kailan darating ang kapahamakan.

With one swift move, pinalabas ko ang isang knife blade at humarap sa aking likuran.

Walang tao.

Letting my guard down, napabuntong-hininga ako. I felt relaxed na wala palang taong sumusunod sa akin.

Wrong move.

The next thing I know, may malaking bagay na hinampas sa aking ulo.

@~@~@

Pagbukas ko sa aking mata, nasa isang parlor ako. And judging by the smell, hindi ito ang bahay namin (amoy vanilla essence kasi yung buong bahay namin).

Kumirap ako ng ilang beses bago umupo. Nasa isang divan na ako. Napatingin-tingin ako, only to find out na ang buong bahay ay may Victorian, Rococo, Art Noveau, at Renaissance interior. Being a vintage fanatic, I immediately loved the house.

Lumapit ako sa isang Renaissance painting ng batang babae na naka pink summer dress. Habang tinititigan ko ito, I realized something.

The girl looks exactly like me.

Binasa ko ang maliit na plaque na nasa baba ng painting at binasa ang nakasulat.

"EMBF in the year of our Lord, 1522.

Paris, France."

EMBF? Initials ko yan ah!

"Gising ka na pala."

Napatingin ako sa aking likuran. Isang lalaki ang nakatayo dun. Judging by his looks, parang sixteen or seventeen years old lang siya. Titig na titig siya sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko sa lalaki.

Ngmuiti lang siya at tumayo sa tabi ko. "Kilala mo ba siya? Ang babaeng nasa painting?"

"Hindi mo sinagot ang tanong ko!"

Hindi niya ako pinakialaman. "Siya ang babaeng minahal na aking great-great-great- well, hindi ko na alam how many times- na lolo."

Sinigawan ko siya. "Kung may nagtatanong sa'yo sagutin mo nang maayos! Hindi ka ba tinuruan ng nanay at tatay mo?! Sino ka ba?! Ano'ng ginagawa ko sa bahay mo?!"

"Alam mo, ang stubborn mo. Sige. Sasagutin kita. Ako si C. Nandito ka dahil gusto kitang kausapin."

Naguguluhan na ako. "Tungkol saan?"

Hinawakan niya ang aking kamay. I know I was supposed to pull away, pero ang kapit niya ay parang pamilyar para sa akin. Para bang hinawakan na niya noon ang kamay ko. Hindi na lang ako bumitaw.

Tumango siya sa painting. "Tungkol sa kanya. Kay Eliza Monique Bellevue- Fontaine."

"Ano ngayon? Patay na nga ang tao, pinagtitripan mo pa."

"Naniniwala ka ba sa incarnation?"

Nagsimula na akong magduda. Ano'ng klaseng tanong ba iyan? "No, I'm a Roman Catholic. I believe in the resurrection, not in incarnation."

"Really? How about if I show you something na makaka prove na meron talagang incarnation?" Wika niya. Parang hinahamon niya ako.

"Prove it." I said haughtily.

Binitawan niya ang aking kamay at itinuro ang isang painting sa isang dulo ng silid. "Tutukan mo iyan."

Tinitigan ka ang painting. Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Ohmygosh, he looks like you!"

"And there you have it." Ngumiti siya. "Now do you trust me?"

"How do I trust you?! I barely know you!"

"Barely?" Parang nasaktan siya. "After sa nagawa ko para sa'yo four years ago?"

Sumimangot na ako. Napabuntong-hininga na lamang siya at napapikit ng kanyang mga mata.

"Ako ang nagligtas sa'yo."

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon