Chapter 1- Propesiya ni Kuya

97 1 0
                                    

"LIZAAAAAAAAA!"

"Andyan na po! Andyan na poooooo!!!"

Eto na naman tayo. Hay. Tumatakbo ako papalabas ng skwelahan habang hawak-hawak ang phone ko. Panic mode na 'ko kasi etong si Kuya, atat na atat na umuwi.

"Elizabeth Monicaaaaaaaaa!!!!" Sigaw ni Kuya sa tainga ko. Naka-headphones kasi ako at max. vol. pa kaya eto, masakit ang tenga ko.

Malapit na ako sa gate. Konti na lang....

Amen. Nakalabas na ako.

Nakita ko si Kuya na parang galit. As in sobrang galit. "Hoy, ba't ang tagal mo?"

"Pasensya na po." Nag make face ako sa inis.

"Pasok na."

Pumasok ako sa Civic ni Kuya. Pagod na pagod na talaga ako. Sobra. Nang nakita ni Kuya na hinihingal ako, nanlambot siya. "Liza, uminom ka muna ng tubig."

"'Maya na Kuya." Ngumiti ako sa kanya.

Sa totoo pa lang, hindi kami magkapatid ni Kuya. Magbarkada lang. Ako, si Kuya at iba pang kabarkada namin ay halos sabay na lumaki kaya ang naging turingan namin ay parang magkapatid. Lalo na kami ni Kuya. Magkasunod kasi yung bday namin. Siya, May 10, ako May 11. Parehas din kami ng attitude at personality. 2 years and 1 day lang ang age gap namin kaya eto, close kami.

Medyo gago rin tong si Kuya. Noon, nag-aaral siya sa school namin, ang Saint Xavier Academy. Ewan ko kung anong nakain niya noong nag Entrance Exam para sa incoming HS students ng batch nila at bumagsak siya sa exam. Eto, imbis na sa Catholic school namin nag aaral si Panget, doon siya sa Chinese-Catholic school nag aaral.

First love ko rin siya. (Ibang story na yan mga fre.)

Tahimik lang si Kuya habang nagdadrive. Nakikinig naman ako sa bagong album ng Lawson na nasa CD player.

Nasa kahabaan kami ng isang matraffic na highway nang biglang nagsalita si Kuya. "Alam mo Liza, parang mangyayari na yung kinakatakutan mo."

Nanlaki ang mata ko. "Excuse me?!"

Di makatingin si Kuya sa akin. "Nevermind, Elizabeth."

Kinakatakutan ko? Ano? Ahas? Wala namang ahas ang bahay namin, except sa TV show na Galema, na kinaaadikan ng aming helper na si Manang Nelly.

Dumating kami sa bahay. Actually, bahay ko yun. Nakikitira lang si Kuya at ang kapatid niyang si Josh na schoolmate ko. Wala kasi yung parents nila. Isa kasing engineer sa isang malaking telecommunications company ang dad nila at nasa Mindanao siya naka-assign. Yung mom naman nila, isang business woman. Kung saan-saan na siya pumupunta kaya hindi na niya mabantayan si Kuya at Josh. Since last year pa nandito sa poder namin ang magkapatid na Chiu.

"Anong oras uuwi si Josh?" Tanong niya sa akin.

"Around 6 raw." Member kasi si Josh ng K-Pop dance group ng school namin at may practice sila everyday.

Lumabas kami ng sasakyan. Napansin ko na may unfamilliar na PUV na naka park sa labas ng bahay. Sosy. Hummer eh.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Maraming tao. Naguluhan ako. Wala namang nag cecelebrate ng birthday ah.

Pero may napansin ako.

Isang lalake ang tumayo, at I swear, parang nakita ko ang impyerno sa mukha niya.

At nagkatotoo nga ang sinabi ni Kuya.

Dumating na si Michael Kristoff Hortaleza.

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon