Chapter 10- Shock

46 0 0
                                    

Pumasok ako sa classroom ni Josh. Nandoon siya, nagmumukmok.

"Hey JC." Bati ko sa kanya.

"Hi Lizzie." Wika niya.

"Nasaan nga pala ang moderator niyo? Si Mrs. Trinidad? May kailangan kasi akong ibigay sa kanya."

"Baka nasa Faculty Workroom. Check mo dun." Hindi siya makatingin sa akin.

"Hey. Josh. Anything wrong? Ba't ba hindi ka makatingin sa akin ng diretso?" Nag-aalala na ako. Baka may nangyari sa kanila ng gf niyang si Denyce.

"It's none of your business." Tumayo siya at lumabas ng classroom.

How strange.

Pumunta ako sa workroom at ibinigay kay Mrs. Trinidad ang mga papeles na ibinilin niya sa akin. Nakita ko rin dun si Mrs. Fuentabella. Hindi siya makatingin sa akin dahil siguro na guilty siya sa nangyari sa akin the 3 days pbefore.

Pagkalabas ko, nakita ko ang Head Boy. Balisang-balisa siya.

"Oh, Sean, anong problema? Bakit ba pumapaso-paso ka diyan sa hallway?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi....."

"Eh kasi ano?"

"Yung lalaking bumisita sa'yo, nandito siya."

"Saan?!"

"Sa classroom natin... Naka uniform pa nga siya eh...."

Dali-dali akong tumakbo sa classroom namin. Hindi, hindi ito maaring mangyari! Haven't I warned him against this?!

Pero nandoon siya.

Nakaupo siya sa seat na nasa tabi ng chair ko. Nakangiti siya habang tinitingnan ang mukha kong punong-puno ng galit at kasuklaman.

"Bakit ka nandito?!" Sigaw ko. Lahat ng mga classmates ko ay napatingin sa amin.

"Well, di ba sabi mong I shouldn't do any favor from you? Kaya eto, nandito ako." Ngumiti siya sa akin.

"What the hell are you talking about?!"

"Sinabihan mo akong huwag mag-aral dito sa school mo. Pero sinabihan mo rin ako na hindi ako dapat gumawa ng pabor mula sa iyo. So, here I am." Kumindat siya.

Aba! The nerve on this guy! "Okay, I take back what I say. Please get the hell out of here at HUWAG KA NANG BUMALIK." I glared at him.

"Too late. I'm enrolled here darling."

"'Darling'?! For the record, I am not your girlfriend!" I yelled back.

Tumawa ang mga classmates ko. Ako naman, gustong-gusto hampasin ang ulo ng imbecile na kaharap ko. Tumayo siya at tumingin sa aking mga mata.

I did not feel fear. Ang ilang taon ng experience ko sa pagiging Prefect ang nagpatibay sa akin. I was emotionless at best.

"Hindi nga kita girlfriend..." Malakas na malakas ang boses niya pero hindi lumalayo sa akin ang mga mata niya. "But you are my...."

Nanlaki ang mata ko. Tinabunan ko ang bibig niya. "Please! Huwag mong sabihin!"

Tinulak niya ako. At sa isang malaking boses, inanounce niyang, "But you are my fianceè."

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon