Chapter 29- Initial Moves

40 0 0
                                    

Pumunta kami sa bahay ko at nag antay kay Mike para makilala niya si C. Habang naghihintay kami ay naalala ko ang pinagusapan kanina nina Kuya, Carlos, at C.

***

"Magpapakilala ka kay Mike. Sabihin mong close friends kayo ni Liza." Wika ni Kuya kay C.

"Sige. Pero, please don't make me use my first name. Nakaktakot kasi." Sagot naman ni C.

"Flutè! So how will you do it?"

"Ewan. Tulungan niyo ako." Tumingin si C kay Carlo.

Ngumiti si Carlo. "The moment na darating si Mike, sapakin mo siya. Sabihin mong, 'Hey fucker. Ako nga pala si C. I saw you cheating on Liza. Ang gago mo ano? Yung girlfriend pa ng best friend niya ang napagtripan mo. Walang hiya ka rin ano? Nag propose ka na nga, nagawa mo pa yun."

"Tempting." Tumawa si C. "But no thanks."

"Ganito na lang." Business-like na ang boses ni Kuya. Seryosong-seryoso rin ang kanyang mukha. "Magpapakilala ka. Tapos sabihin mong 'Liza is one heck of a girl. You are lucky to have her.' Mga ganun. Ipa-guilty mo siya sa nagawa niya."

Ngumiti si C. "Parfait. Let's do this."

***

And that is the reason kung bakit ayos na ayos ang porma ko ngayon. Yellow dress with silver flats and a hair na ginawang waterfall braid ni Kuya. Don't ask me how he learned to do it. Gustong-gusto lang talaga niyang paglaruan tong buhok ko.

Narinig namin na may dimating na sasakyan sa driveway. Napatingin kami sa isa't-isa. Eto na 'to.

"You're so funny!" Wika ng isang high-pitch at girlish na boses. Si Rain. That bitch.

Bumukas ang pinto at pumasok sina Rain at Mike. Nganga sila nang makita nila kami na naka ngiti at mukhang mga demonyong na succeed sa pag trap ng biktima, which is basically what we are.

"Hello, baby." I said in a sugary tone. Hinalikan ko sa lips si Mike at tiningnan si Rain. "Oh, hello Rain. Kumusta ang kamatayan? How was your experience in hell and back?"

Napansin kong parang natatawa ang mga back up ko. Alam kong obvious na obvious ang sarcasm ko. But IDGAF. Akin ang lalaking inaagaw ng supposed-to-be-dead girl na ito. And I swear, papatayin ko siya kung may mangyaring milagro sa pagitan nila.

"It was okay..." Rain mumbled.

Hindi makatingin si Rain at Mike sa akin. Tumingin lang sila sa sahig habang lumapit sa kanila si C.

"Hi." Ngumiti si C.

"Hey." Bulong naman ng aking fianceè.

"You must be Michael, right? Ako nga pala si C. Close friends kami ng fianceè mo." Inabot niya ang kanyang kamay kay Mike.

Nganga ulit si Rain. "Fianceè?!" Hinarap niya si Mike. "Fianceè mo si Liza?!"

Mike shrugged. "Yeah, sort of."

"How dare you lie to me!" Sigaw ni Rain. Lumabas siya ng bahay habang tumutulo ang kanyang luha (but not before slamming the door, causing the ones left inside to shudder, including me).

Napabuntong hininga si Carlo. "I guess kailangan niya ako." Sinundan niya si Rain. Thankfully, hindi niya kinalampag ang pinto. Otherwise, masisira na yun.

"That went well." Kuya yawned. "Gusto kong matulog. Ugggh. Good night." Niyakap niya ako at umakyat sa kanyang kuwarto.

Umupo si C sa isang sofa. "I'm not going anywhere."

Tumango ako at hinawakan ang kamay ni Mike. Not much surprisingly, he jerked it away. Sighing, sinabihan ko na lang siya na maguusap kami sa library. Hindi na siya nagsalita. Pumunta siya kaagad sa library at kinalampag ang pinto. Sinundan ko na lang siya, Carlo style.

"Baby?" Bulong ko habang sinasara ko ang pinto.

Hindi niya ako pinansin.

"Mag-usap tayo. Please." Pagmamakaawa ko.

Hindi pa rin.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Babe, alam mo namang ayaw ko ng away. Bakit ba kasi kasama mo si Rain? Alam mo naman na siya ang girlfriend ni Carlo, hindi ba?"

"Break na sila. Since a year ago. Ano naman ang problema mo dun?" Tira naman niya.

Kumulo na ang dugo ko. "Problema?! Ikaw! Ikakasal tayo, pero nagawa mo pang mambabae?! Ano ka, hilo?!" Halos sakalin ko na siya sa galit.

"I am sure alam mo naman yung salitang YOLO, hindi ba? Let me experience this naman. Huwag kang magalala, ikaw lang naman talaga yung mahal ko." Niyakap niya ako.

Tinulak ko siya papalayo at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Punong-puno ng suklam ang mukha at damdamin ko. "You're sick."

"What? Minsan lang naman ito."

Nag dirty finger sign ako sa kanya at lumabas ng library.

Nagdadabog akong umakyat sa kuwarto nina Kuya at Josh. Pero wala doon ang nakababata sa magkapatid na Chiu. Nag sleep over kasi siya sa bahay ni Carlston, isa sa mga classmates niya. Tahimik lang ang kuwarto nang pumasok na ako. Nakahiga si Kuya sa kanyang higaan at natutulog habang nakaupo naman sa dating higaan ko si C. Umupo ako sa tabi niya.

Hindi kami nag salita ug nag usap man lang. Tikom ang aming mga bibg habang nakatitig sa distansya na para bang may naalalang masama. Nagulat na lang ako nang hinawakan ni C ang kamay ko.

"I wish I was the one chosen to marry you. Kung ganyan sana, hinding-hindi kita saksaktan." Bulong niya.

Placing his arms around my waist, he kissed me slowly.

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon