L'Inverno/ Winter (Il Cimento dell'Armonia e dell' Inventione- Concerto IV) By: Antonio Vivaldi (1678-1741).
Ano ba ang pinagagawa ko sa sarili ko?
Allegro non Molto.
Bakit pa ba kailangang maging ganito ang buhay ko?
Pause on two staffs.
Hindi pa ba sapat ang nararanasan ko?
Staccatto.
Kailangan pa ba akong magdusa?
Pause on two staffs.
Kailangan pa ba talaga na may masaktan?
Staccatto.
"Aaaaaaagh bwiseeeeeet!!!!" Tinapon ko ang violin bow ko sa inis. "Langyaaaaa!"
Kumulo ang dugo ko sa katangahan ko. Hindi ko na-play ang isang nota. Ilang araw na ba akong nagpa-practice nito? Lima? Anim? Bakit ba hindi ko ma perpekto?
Tinitigan ko ang bintana. At umiyak. Hindi ko na talaga to kaya. Nasasaktan na ako. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko si Kuya. Minahal niya ako. Minahal ko rin siya. Bakit pa ba kailangan pa dumating si Mike?
Si Mike. Ang lalaking itinakda sa akin. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Noon, suklam na suklam ako sa kanya. Pero ngayon, nang hindi nagiisip, naging nobyo ko siya. Umaasa siya na gustong-gusto ko siya at may posibilidad na may maramdaman siyang pagmamahal mula sa akin.
Dalawang lalaki na ang umaasa sa akin.
Simula pagkabata, si Kuya ang taong parati kong tinatakbuhan kapag may problema ako. Siya ang may alam sa lahat ng sikreto ko. Hindi ba iyan isang rason na maniwala siya na may posibilidad na mahulog ako sa kanya?
Habang si Mike, suklam, galit, at ang katotohanang ipapakasal ako sa kanya ang nalalaman ko ukol sa kanya. Pero ngayon, hindi ko mailugar ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang kaibigan nga lang ba tong nararamdaman ko sa kanya?
Puwede bang magmahal ang puso ng dalawang tao nang maksabay? Hindi naman siguro, hindi ba?
Lumuhod ako sa gitna ng silid. Tumutulo ang luha ko sa Persian carpet na tumatabon sa buong sahig.
"Kailangan pa ba mangyari sa akin ang lahat ng ito? Diyos ko, bakit?!" Sigaw ko.
Pero walang makakarinig sa akin.
Ito ay dahil ako'y nasa attic, ang tanging sound-proof na lugar ng aming bahay. Dito ako nagpa-practice ng violin, piano, guitar, at drums. Minsan dito rin ako natutulog kung medyo maingay na ang bahay.
Dito rin ako umiiyak at nagpapalabas kung ano ang ang nasa aking kalooban.
Hanggang naka-lock pa ang pinto, hindi malalaman ng mga tao ang sakit na nasa aking puso.
@~@~@
Gumising ako. Hindi ko maalala kung kelan ako nakatulog. Habang tumingin-tingin ako sa kapaligiran ko, unti-unting kong na realize kung nasan ako.
Sa dating kuwarto ko. Sa kuwarto ni Kuya at Josh.
Umupo ako sa higaan. Medyo sumasakit ang mata ko dahil sa ilaw kaya pinikot ko ang mga mata ko ng parang isang intsik.
"Stay with me,
Baby stay with me,
Tonight don't leave me alone."
Nagulat ako. Wala akong makitang tao. "Sino 'yan?"
"Walk with me,
Come and walk with me,
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.