"Fourteen ka pa nga lang, kaso ang dami nang drama ang buhay mo!" Wika ni Carlo habang kumakain ng kapirasong 5-cheese pizza na inorder namin sa Pizza Hut.
Tumango ako. "Parang may galit ang mundo sa'ken. Wala naman akong ginawa ah."
"Haynaku, naninira lang yun ng relasyon." Wika ni Kuya. Nakahiga siya sa tabi ko at punong-puno ng pizza crumbs ang buhok niya. "Gusto siguro niyang maghiwalay kayo ni Mike at saka kukunin ka niya, and then- BAM! Wala na, tanan na kayo."
Napabuntong-hininga ako. Nasa bahay kami ni Carlo tumatambay. Sa kuwarto niya, to be exact. Hindi namin kasama si Mike dahil sabi niya "Gusto kong matulog." For all I know, naglalaro na yun ng Xbox or PS3 sa game room. Ang nandito lang ay sina Kuya, Carlo at ako. Wala kasi kaming magawa, at gusto naming manood ng horror, na ginawa na namin kanina. Nasa higaan na kami ni Carlo, nakaupo- in Kuya's case, nakahiga- at naguusap ng masinsinan.
"Kuya naman, tanan talaga?" Napa 'tsk' ako sa inis.
"Uy, nagsalita." Biro ni Carlo. Naaalala pa siguro niya ang paguusap namin noon na sinabi kong magtatanan kami ni Kuya kung si Kuya ang napili ko.
Hinampas ko ang pinakamalaking unan sa ulo ni Carlo. Tumawa lang si Kuya habang naghampasan kaming dalawa ng bestfriend ko. Bigla kaming natigilan nang bumukas ang pinto. Pumasok si Mommy Candy, ang mama ni Carlo.
"Liza, hija?" Bulong ni Mommy.
"Yes po?" Lumapit ako sa kay Mommy. Takot na takot siya. "Is there anything wrong?" Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Someone wants to see you. Sabi niya, aakyatin niya ang gate kung hindi ka bababa sa loob ng limang minuto."
Agad akong tumakbo papalabas ng kuwarto at pumunta sa may gate. Nandoon sa labas si C, ang misteryosong lalaking nag "kidnap" sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Malamig na malamig ang boses ko habang nakatingin sa kanya.
"Kailangan nating magusap." Wika naman niya.
"Hell, no."
"Please, Liza. It's urgent!" Parang nagpapanic na siya.
Lumabas ako ng gate. "Ano ba kasi ang nangyari?"
Hinila niya ang kamay ko at tinitigan ang aking mga mata. "Swear to me hindi ka masha-shock sa ipapakita ko sa'yo."
"Uh, okay?..."
Hinila niya ako patungo sa direksyon ng club house. Habang tumatakbo kami ay di ko maiwasang atakehin ng mild asthma. Pero for curiousity's sake ay di ko ito pinansin.
Malapit na kami sa club house. Ilang metro na lang layo namin nang biglang huminto sa pag takbo si C.
"From this point on, kailangan mong maging handa. Tahimik lang. Walk calmly."
Tumango ako.
Binitawan ni C ang aking kamay at hinay-hinay na kaming lumakad. Kahit sinabi niyang maging kalmado ako, mas lalong tumataas ang heart rate ko sa bawat tapak ng aking paa sa aspalto. Nang nasa isang metro na lang kami ay huminga nang malalim si C.
"Go ahead." Wika niya.
Pumasok ako sa loob ng clubhouse. Maraming tao. Pero may isang taong nakakuha ng aking atensyon.
Si Mike.
Nakaupo siya sa may pinakamalayong upuan. At may kasama pa siyang babae.
Si Rain.
Nagholding hands pa sila at tumawa-tawa pa. Nakita kong hinalikan ni Mike si Rain sa lips at ilinagay naman ni babae ang kanyang kamay sa may dibdib ni lalake.
Sa aking lalake.
"Well," bulong ko, "shit."
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomantizmNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.