Chapter 19- Sushi

44 0 0
                                    

"Carlo..."

"Ano?"

"Eh, kasi..."

"Ano nga?"

"Ah, eh...."

"Sumagot ka nga ng diretso?"

"Ah, kasi..."

"Ano ngaaaa?!"

"Penge ng sushi?"

Napabuntong-hininga si Carlo. "Pambihira. Pinahirapan mo pa ako."

Tumawa ako. Bigla namang may lumapit sa akin na butterfly. "Bogart, ang ganda niya, ano?"

Ngumiti ang aking bestfriend at iniabot ang kanyang kamay. Umupo sa kanyang daliri ang paru-paro. "Cool. Mas awesome pa nga dito sa botanical garden tumambay kesa sa Pavillion o sa field."

"Sabi ko naman sa'yo eh." Kinindatan ko siya habang kumukuha ng sushi mula sa lunchbox niya.

Tiningnan niya ang langit at bumulong, "Sana nandito si Rain..."

Nalungkot ako para sa kaniya. A year ago, he had a gf, si Rain Isabel Cuevas. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero sa kasamaang palad, nasawi si Rain dahil sa kaniyang sakit. Leukemia. Hindi niya sinabihan si Carlo sa kaniyang kondisyon dahil baka mag-alala lang ito. Nagulat na lang kaming lahat nang biglang nag withdraw sa Rain at hindi na namin makita. Nalaman na lang namin na na-confine siya sa araw na bago siya namatay. Naalala ko pa ang huling salita niya sa akin: "Ingatan mo si Carlo."

Masakit pa rin sa aming mga kaibigan niya ang kaniyang pamamayapa, lalong-lalo na kay Carlo. Hindi namin na bi-bring up ang topic ni Rain na hindi nararamdaman ang pait at sakit ng kaniyang pagkawala.

"So... Ano na ang stat. ng lovelife mo?"

I blinked once, twice, thrice. "Huh?"

"Iyang lovelife mo! Ano na ba? Olats na?" Tanong ni Carlo sa isang exaggerated exasperation na boses.

I shrugged. "Ewan."

Tinitigan niya ako. Alam niya ang nangyari. Matapos kasi nun, nagpahatid ako ni Mike sa bahay ni Carlo. Doon ko inilabas ang lahat ng hinanakit, galit, at kung anu-ano pa. Being the greatest bestfriend ko, kinomfort niya ako habang iyak naman ako nang iyak dahil sa ginawa ni Kuya sa akin at dahil naguguluhan na rin ako sa feelings ko.

"Olats na iyan. OLAAAAAAAAAAAAATS." Pakanta-kanta pa itong langya kong bestfriend.

Binatukan ko siya. "Che!"

"Aruy." He rubbed his head. "Sakit nun kambal!"

"Pasakit ka kasi!" Tira ko naman sa kanya.

Ngumiti na lamang siya at kumuha ng isa pang sushi. "Alam mo Liza, iyang lovelife mo, chill ka na lang jan. Bata ka pa."

"Tengene pa kasi to eh. Si Kuya. Si Mike. Sino ba talaga?" I buried my face on my hands.

"Alam mo, mahalin mo yung ikalawang tao. Hindi ka naman mahuhulog sa kaniya kung hindi dahil sa una, hindi ba?"

Medyo nalito na ako. "Ano?"

"When you fall in love with two people, chose the second because you wouldn't fall for him if it wasn't for the first." Nag-roll na ng mata ang tengene. "Gets mo?"

"Pero may masasaktan. Ayokong mangyari iyan."

"Duh. Pili-pili ka pa jan, eh magpapakasal ka naman kay Mike."

"May salitang 'tanan' sa diksyunaryong Filipino, kapatid."

Nanlaki ang mata ni Carlo. "Nagbibiro ka ba? Teka, nilagyan ba 'to ni Mommy ng hilo ang aftie snacks ko?"

"Hindi, Carlo, seryoso ako."

"Patay." Napa-face palm ang bestfriend ko. "Uwi na tayo. Baka stress lang yan."

"VENTRESCA!"

Napalingon kami ni Carlo sa pinagmulan ng boses. Si Mike. Nakatayo siya sa may entrance ng garden.

"Oh, hi." Ngumiti si Carlo. "Susunduin mo na ba si Liza?"

Lumapit sa amin si Mike. "Obviously, Ventresca." Tiningnan niya ako at hinawakan ang aking kamay. "Babe, uwi na tayo."

Subconciously, bumitaw ako kay Mike. "Huwag."

"Babe?" Nag-alala na siya.

Di ako makatingin sa kanya. Habang nakatitig sa sahig ay nagsabi akong, "Sabihan mo si Mama at Papa na hindi ako uuwi ngayon. Makikitulog ako kina Carlo."

Gulat na gulat siya. "ANO?!" Tumingin siya kay Carlo. "Pare, ano-"

"Hayaan mo siya. Ganyan lang talaga iyang BFF ko. May malupit siyang pinagdadaanan eh." Nag-shrug si bestfriend.

"Anak ng- Babe, please, huwag kang magtago sakin ng sekreto. Ano ba kasi ang nangyayari sa iyo?" Hinawakan niya ang shoulders ko at may pa-shake shake pa siya. Tumingin siya ulit kay Carlo. "Ano ba kasi ang problema niya?"

"Uh, personal. Huwag mo na siyang kulitin brad."

Tinitigan ni Mike ang aking mga mata. "Babe... Please, huwag mong saktan ang sarili mo.... Puwede mo naman akong kausapin eh..."

Tinulak ko siya papalayo. "Ano ba, Mike! Layuan mo nga ako?!"

Parang nasaktan si Mike. To the rescue agad si bogart. "Ah, pare, mauna na muna kami ha? Ingat ka."

Lumabas kami agad ni Carlo sa garden at agad na tumungo sa parking lot kung saan nag-aantay ang kaniyang Ford Fiesta. Nang makapasok na kami sa sasakyan, napansin ko na hindi nag-on ng engine.

"Carlo? May problema ba?..." Tanong ko sa isang mahinang boses.

Tinitigan niya ako. "Alam mo, naguguluhan na ako eh. Engaged ka. In love ka. Sa dalawang lalaki. Am I correct, or am I correct?"

"Oo."

"At saka... Nalilito ka pa?"

"Oo."

"Mahal mo ba si Kuya?"

"Um... Sort of."

"Si Mike?"

"I think so...."

"Pambihira. Uwi na nga tayo." Nag backing siya at agad na nag drive papalabas ng school.

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon