LUHAN
nagising ako sa sinag ng araw, napatingin ako sa alarm clock ko at 11:38am na pala. bumangon ako at ginawa ang dapat gawin.
pagbaba ko ay mga katulong lang ang naabutan ko, marahil ay may pinuntahan sila mama. di na ako nag abalang magpaalam pa at sumakay na ako sa kotse ko para magtungo sa office.
nasa elevator na ako ng magring ang cellphone ko at ng tignan ko ang caller i.d ay si xiumin pala
"its gotta be important or you're fired"-iritado kong sagot sa tawag nya
'sir si mr.oh po nandito ngayon sa office nyo'
napataas naman ang isang kilay ko sa narinig ko. what the fuck!!???
"who told you na pwede mo syang papasukin sa opisina ko?"-galit kong bulyaw kay xiumin sa telepono ko
'sorry sir, mr.oh insisted atsaka po nagpupumilit po syang pumasok'
nonsense lang naman ang usapan namin ni xiumin kaya pinatay ko na ang tawag. sakto naman na pagpatay ko ng tawag ay syang pagbukas ng elevator.
naglakad na ako palabas ng elevator at nakita ko si xiumin na natataranta na sa office desk nya na sa labas lang naman ng office ko.
"nasan sya?"-kalmado ko ng tanong kay xiumin ng mapansin nya ang presensya ko.
papasok na sana ako sa opisina ko ng marinig ko ang sunod na sinabi ni xiumin.
"na--nasa loob po sir. si...sir may--may kasama po syang bata"-nagaalangan nyang sabi sakin.
bata?
hindi ko na nilingon o tinanong si xiumin tungkol sa bata at pumasok na sa loob.
pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si sehun na naka-upo sa sofa habang may batang nakaharap sa kanya at sineswey ang ulo nya. hindi ko makita ang mukha ng bata dahil nakatalikod ito sakin pero bakit...
"ha--haowen?"-mahinang tawag ko sa bata
bumagsak ang mga luhang kanina pa pala nagbabadya ng humarap sya sakin. tama ako diba? sya si haowen? sya ang anak ko..
"eomma!!"-sigaw nya at tumakbo papalapit sakin. niyakap nya ako sa beywang ng mahigpit.
binuka ko ang labi ko pero walang lumabas na kahit ano habang patuloy pa rin ang luhang umaagos sa mga mata ko.
"eomma why are you crying? sad ka po bang makita ako?"-bakas ang lungkot sa boses nyang tanong sakin
"hi..hindi, im happy. super happy baby~"-lumuhod ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
tinignan ko si sehun ng may pagtatanong saking mga mata.
"haowen sumama ka muna kay secretary ann, may pag uusapan lang kami ng eomma mo"-nakangiting sabi ni sehun kay haowen ng bumitiw ito sa pagkakayakap sakin.
"okay appa"-masiglang sabi ng batang nasa harap ko
maya maya pa ay pumasok ang sinasabing secretary ann sa loob ng office ko para kunin ang bata.
"Wha... how thi-- i mean wh"-sa dami ng tanong na nabubuo sa isip ko ay hindi ako makapili ng aking unang itatanong sa kanya.
Hinawakan naman ni sehun ang kamay ko at naupo kami sa sofa na kani kanina lang ay kinaupuan din nya. Hinawakan nya ang mga kamay ko ng mahigpit at tinignan ako sa mata.
"I know naguguluhan ka luhan but believe me or not sya ang anak natin"-paninigurado nya sakin.
Nangunot naman ang noo ko.
"Imposible yun sehun! Our son is already dead"
"Did you saw him laying on the coffin?"-tanong sakin ni sehun na naging dahilan para matahimik ako at saglit na hindi maka-imik.
Tama sya, hindi ko naman nakitang nailibing o nasa kabaong ang anak ko pero alam kong nabaril ang anak ko paanong nangyari yun?
"Na...naguguluhan ako, can you explain in details sehun?"-tanong ko sa kanya.
At dun inexplain nya sakin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nya sakin. Parang isang panaginip lang, isang magandang panaginip
"Dont cry please luhan"-mahinang sabi ni sehun habang pinupunasan ang mga luha ko.
Umiiyak na pala ako hindi ko alam.
"I...im sorry sehun, kung ano anong inisip ko tapos ako pala ang may malaking *sobs* utang na loob sayo. Im sorry ang tanga tanga ko"-paghingi ko ng tawad sa kanya.
Niyakap naman nya ako ng mahigpit habang patuloy lang ako sa pag iyak.ng tumahan na ako ay humiwalay na ako sa yakap nya.
"pwe-pwede ko bang makasama si haowen?"-pagpapa-alam ko kay sehun.
"oo naman, anak natin sya"-pagpapapayag ni sehun na ikinatuwa ko ng lubusan.
lmabas na kami ni sehun sa opisina. paglabas namin ay nakita ko si haowen na kausap ni xiumin.
"paano mo magiging eomma si sir luhan? nako bata di ako naniniwala sayo"-rinig kong sabi ni xiumin.
napatingin naman sakin si haowen.
"eomma!!"-sigaw ni haowen at lumapit sakin.
lumuhod naman ako at niakap sya ng mahigpit sabay karga sa kanya.
Lumapit ako kay xiumin habang nasa likod ko naman si sehun.
"Cancel all my appointment xiumin"-nakangiti kong utos sa kanya.
"Pe--pero sir..."-di makapaniwalang sabi ni xiumin dahil laging seryoso ang mukha.
"Ipapaliwanag ko na lang bukas, for now let me have this day with my family"
Hinawakan ko ang kamay ni sehun habang buhat ko si haowen. Napatingin ako sa mukha nya at bakas ang gulat sa kanyang mga mata ngunit agad din itong nawala at hinigpitan nya pa lalo ang pagkakahawak ng aming mga kamay.
hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, parang isang panaginip lang ito... isang magandang panaginip... at kung panaginip man ito, ayoko ng magising pa kahit kailan.
======
slow ud dahil nag iisip pa si author sa next chappie, pero tingin ko di naman aabutin ng isang linggo hihi.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, TILL MY LAST BREATH [Book 2 KNMKA]
Fanfictionbook 2 ng kerida ng malandi kong asawa. basahin mo na lang, nakakatamad mag describe. book cover by: MaknaeIsReal