AUTHOR
pinisil ni sehun ang kamay ni luhan dahilan upang mapatingin ito sa kanya.
"relax. wag kang kabahan."
napatango tango naman si luhan. ibinaba muna ni sehun si haowen bago nya buksan ang pintuan ng bahay ng mga magulang nya.
sinalubong sila ng isang katulong.
"sir sehun!"
tawag nito sa kanya.
"nasan si mama?"
tanong ni sehun.
"nasa kwarto nya po. tatawagin ko lang po"
sabi naman ng katulong at tinapunan pa ng tingin si luhan bago umalis.
"sehun anak saan ba kayo na--"
naputol ang sasabihin ni mrs.oh ng makita nya si luhan. napataas ang kilay nya dahil dito.
"what are you doing here?! get out, you're not welcome here"
galit na singhal nito kay luhan. napayuko naman si luhan ngunit hinawakan ni sehun ang kamay ni luhan ng mahigpit.
"no ma, hindi sya aalis. asawa ko sya and if you cant accept that then i guess we better part our ways. pumunta lang kami dito para sana ipaalam sayo na nagkaayos na kami."
sunod sunod na sabi ni sehun sa kanyang ina na ngayon ay tulala. napangiti naman si luhan sa sinabi ni sehun.
"tita~"
nabasag ang katahimikan sa pagitan nila ng marinig nila ang isang boses ng babae.
sabay sabay silang napalingon sa likod nila at nakit ang isang napakagandang babae.
"sehun? omg!"
wika ng babae ng makita si sehun at dali dali nya itong niyakap.
"mommy marisse~"
tawag ni haowen sa babae at lumapit dito para yakapin ito.
nangunot naman ang noo ni luhan na nakatingin sa babae.
"hi baby haowen, how are you?"
tanong ng babae kay haowen.
"marisse kelan ka pa umuwi dito?"
tanong ni sehun.
"kahapon lang sehun, miss ko na kasi kayo"
sagot naman ng babae.
"i miss you too mommy marisse"
sabat ni haowen.
hindi maiwasan ni luhan na maout of place sa senaryo at hindi nya rin mapagkakaila ang selos na nararamdaman nya. the way his husband and his child smile because of the present of the girl infront of them. tila nakalimutan ni sehun na nagtatalo pa sila ng kanyang ina at nandito pa sya.
naupo silang tatlo sa sofa habang naiwan na nakatayo si luhan duon.
"looks like may kapalit kana?"-mapangutyang sabi ni mrs.oh kay luhan.
napatingin si luhan kay mrs.oh dahil sa tinuran nito sa kanya.
"so if i were you, layuan muna ang anak at apo ko."-wika nito bago sya talikuran.
tatayo na sana sila sehun paalis ng magsalita si luhan.
"sehun?"
pagpapaalam ni luhan ng presensya nya dahil mukhang nakalimutan na talaga sya ng mag ama nya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, TILL MY LAST BREATH [Book 2 KNMKA]
Fanfictionbook 2 ng kerida ng malandi kong asawa. basahin mo na lang, nakakatamad mag describe. book cover by: MaknaeIsReal