Alas nueve na ng Gabi nang makauwi si Tyler mula sa kanyang kompanya. Kasalukuyang nagkakaproblema siya sa sales kaya todo kayod siya at mga employees niya para maiangat ito. Mag-iisamg taon na nang ilipat sa kanya ng ama ang pamamahala sa kompanya, ngunit hanggang ngayo'y inaaral niya pa rin ang pasikot-sikot nito. Mabuti na lang at ginagabayan siya ng ama kapag alam nitong hindi na niya kaya.
"Manang Merly, how's Sky?" Salubong niya sa kasambahay na halos nanay na rin ang turing niya.
"Naku iho, ayun at ayaw kumain. Nag-iiyak na naman at naghahanap ng mommy." Paliwanag nito.
Pinasalamatan niya ang matanda at ibinigay rito ang gamit niya upang iayos sa kanya ng kuwarto. Nagtungo siya sa kuwarto ng anak at doon niya nadatnang nasa kama na ito at naglalaro sa kanya ng IPod.
"Son Manang said you didn't eat your dinner?" Tumingin lang sa kanya saglit ang anak at muli ibinalik sa paglalaro ang atensyon. "Come on Sky you need to eat." pamimilit niya pa.
Pumasok si Manang Merly dala ang pagkain nilang mag-ama at umalis din agad. Inayos niya ang food table at lumapit sa anak.
"I want mommy." Mahinang sabi ng anak.
"We talk about this already Sky." Pigil inis niya.
Binagsak ng bata ang nilalaro nito kaya nahulog ito sa kama at nabasag. "No! I want mommy! I want mommy!" Nagdadabog na ito at nagsisigaw.
Dala na rin ng pagod at inis hindi niya napigilang bulyawan ang anak. "When I said eat, you eat! Stop looking for someone who will never be here. You don't have a mother and you have to accept it!"
Ngunit hindi nagpatinag ang anak at binulyawan rin siya, "I want her because you are not here! You always come home late, you don't love me anymore!"
Matapos sabihin iyon ay napapalahaw na lang sa iyak ang batang si Sky. Ngayon lang naging ganito ka galit ang ama sa kanya. Agad na pumasok si Manang Merly at pinatahan ang bata. Walang nagawa si Tyler kundi ibilin na lang rito ang anak.
Alam niyang darating ang araw na maghahanap ng kalinga ng ina ang anak. Ngunit anong magagawa niya, ni wala siyang ideya kung ano ang nangyari sa taong iyon matapos basta na iwan ang anak sa bahay nila.
Kinabukasan nagpaalam si Merly sa amo na isasama ang inaalagaang si Sky sa pamamalengke. Pumayag naman si Tyler upang maiba na rin ang atensyon ang anak at kahit papaano'y makalimutan ang paghahanap sa kanya ng Ina.
Gaya nang nakaraang araw. Naging abala siya sa pag-aasikaso sa problemang kinakaharap ng kompanya. Kabilaang meeting ang kanya ng hinaharap, at kabilaang problemA ang hinahnapAn nila ng solusyon. Halos 'di na rin niya namalayan ang oras, ni hindi niya naramdaman ang gutom at pagod.
Natigil lamang siya sa trabaho nang tumawag ang kanilang kasambahay na si Merly.
"Hello Manang, why did you call?" Tanong niya.
Madalang lamang tumawag ang kasambahay sa kanya maliban na lang kung importante talaga ito.
"Iho!..." Nerbyos at takot ang madidinig sa boses ng ginang kaya kahit wala pa itong nasasabi, tinubuan na siya ng kaba. "Anak pasensya na talaga. Hindi ko na alam ang gagawin..." Pagpapatuloy nito mula sa kabilang linya na mukhang naiiyak na.
"What? Manang why?" napatayo na ang binate, confusion and fear build up in his system.
"Si Sky nawawala." Doon dinig na niya ang hagulgol ng ginang.
Napahilamos siya sa mukha. He wanted to wake himself if it's a dream but it's not. Ikinuwento ng ginang na bigla na lamang nawala ang alaga sa tabi niya. At wala siya ng ibang masisi kung hindi ang sarili.
"Pero bago iyon eh sinasabi niyang nakita niya raw ang mommy niya at susundan niya ito." Umiiyak pa rin na sabi ng ginang.
"Okay, just stay where you are. I'm coming." bilin niya rito. Hindi siya nagsayang ng oras at agad na umalis ng building.
Nadatnan niya si Manang Merly na palakad lakad sa harap ng establisyementong sinabi nito. Agad niya itong linapitan at pinakalma muna. Nang maayos na ay magkasama nilang hinanap si Sky. Bumalik sila sa store kung saan huling nakasama ni Merly si Sky.
Sunod nilang pinuntahan ang ibang building kung saan maaring mahagip ng CCTV ang bata. May ilang makitang naglalakad ito ngunit hindi iyon sapat para malaman kung nasaan ito. Ang iba namang kuha ay hindi nahagip ang bata dahil na rin sa liit nito at sa dami ng tao.
Problemadong-problemado ang lalaki. Inireport niya na ang pagkawala ng anak sa pulis ngunit inilista lang nila ito. Hindi daw sila puwedeng kumilos kung walang bente-kuwatrong oras ang lumipas. Halos gumawa siya ng gulo ngunit sa huli ay wala siya ng nagawa.
Iniuwi niya muna ang kasambahay upang makapagpahinga. Bago siya muling nag-ikot ikot. Umaasang madaanan ang anak.
Naiinis siya sa sarili. Wala siyang ibang inatupag kundi ang trabaho. Kung sana ay nakakapaglaan lang siya ng mas mahabang oras sa anak, kung sana naging responsable siyang ama, hindi na nito hahanapin ang Ina. Hindi na sana ito mawawala. Labis ang kanya ng pagsisisi. Paulit-ulit na sinasabing kasalanan niya ito.
Padilim na nang maisipan niyang huminto sa isang Parke. Naglibot-libot siya, umaasang narito ang anak at nagustuhan pang maglaro. Halos isang oras niyang paglalakad ay wala. Akmang uupo siya sa isa sa mga bench bang may marinig siya ng palahaw na iyak ng isang bata. Madilim na sa mga oras na iyon kaya inilabas niya ang selpon upang pang-ilaw.
Hindi kalayuan sa kanya may bata ng lalaking umiiyak sa likod ng padulasan. Agad niya itong nilapitan.
"Sky! Oh, damn I've been-" Natigilan siya dahil hindi ito ang anak. Bago pa man niya malapitan ang bata, may Aleng lumapit rito at kinuha.
"Jusko kang bata ka, alalang-alala ako sa 'yo!" Dinig niya pang sabi ng Ale sa bata.
Wala siyang nagawa kundi ang panooring umalis ang mga ito. Naiiyak na siya. Saan niya hahanapin ang anak.
Muli niyang naalala ang mga sinabi ng anak. Lalo lamang siya ng na galit sa sarili, lalo niya lang pinatunayang wala siya ng kuwentang ama. Wala siyang kuwenta, bakit ba siya iniwan ng dating kasintahan? At ngayon bakit nawawala ang anak? Lahat iyan isa lang ang sagot. Ngunit wala siya ng magagawa ang nagyari ay nangyari na. Ang kailangan niya ngayong gawin ay hanApin ang anak, at itama ang lahat ng kanya ng pagkakamali.
I need to find you son, whatever happens, whatever it takes I'll find you. I will make things right, so hang in there. Daddy's coming. Pikit na bulong niya sa hangin.
BINABASA MO ANG
THAT GANGSTER IS AN INSTANT MOMMY
ActionShe entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she still continue fighting for revenge? Or to fight for her newly found family. 💜 You can also read t...