Chapter 29: Grounded

7.6K 201 16
                                    


Ngayong araw ang labas ko sa hospital. I am very thankful that dad is still not doing his moves towards me. I know na sa nangyayare sa akin ngayon, I'll be facing consequences na siyang ikainakakaba ko. My twin and even Seven knows how my dad's mind work. Kaya habang hindi pa lumalabas ang dragon sa kanya ay i-e-enjoy ko muna.

"Slowly princess..." Inalalayan ako in daddy na maupo sa wheel chair. Todo ang pag-aalaga sa akin ni daddy, ngayon gusto niya siya lang mag-alalay sa akin pati nga si Chester at Seven at hindi niya hinahayaang pakealaman siya. Napag-alaman ko ring nagleave siya sa trabaho niya at kinancel lahat ng importanteng meetings niya para lang alagaan ako. I can't help but be touched, dahil simula nang mawala so mommy ay parang nawala rin ang lambing ni daddy. Ang lagi niya lang ginagawa ay ang magalit at magbigay ng kaparusahan sa mga maling ginawa namin. Hindi nga siya nagtatagal tuwing may mga importanteng okasyon sa amin ni Chester. Kaya napakasaya ko, akalain mo 'yon, kailangan ko lang palang magpabaril para alagaan ako ni dad.

Nang mkaupo ako ng maayos sa wheel chair ay agad kong niyakap si daddy na ginantihan naman nito. Hinigpitan ko pa ito nang maramdaman kong bibitiw na siya sa yakap. Narinig ko pang mahinang pagtawa niya.

"I miss you daddy." sambit ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"Yes, and you've been telling me that since Monday and it's already Friday." natatawa niyang sagot.

"Its just that... Aargh!"

"Hey! Just tell me what you want okay? Daddy will give it." Ayan ini-spoil niya ako simula noong bumalik siya. Nakita ko naman ang pag-ikot ng mata ni Chester. If I know nagseselos lang yan. Kaya naman nakaisip ako ng paraan para lalo siyang asarin. At para masulit na rin ang kabaitan ni daddy.

"Dad?" Tawag ko rito.

"Hmm?"

"You said you'll give what I want right?" Nakangisi kong tanong habang palihim na tumitingin sa aking kakambal.

"Yes, do you need anything princess?" Tanong niya habang sinisimulan an akong itulak ni daddy.

"I want spaghetti from my favorite restaurant." Parang batang sabi ko, nag-isip naman si daddy.

"But that is an hour trip from here. Hindi ka pa pupwedeng bumyahe ng malayo at baka bumuka ang tahi mo." paliwanag niya.

"It's okay dad kahit hindi naman ako pumunta doon eh. Maybe Chester can go." Painosente kong ssuhestiyon. Lumipad naman ang tingin sa akin ni Chester.

'I'll just call the restaurant to deliver it." singit niya.

"Pero hindi sila nagdedeliver doon kambal."

"Then let just ask the maid to cook that." Sagot ni Chester, tila hindi pa nakukuha ang trip ko.

"But I don't want to. Iyon ang gusto ko!" maarte kong pagmamaktol.

"Then eat that fucking spaghetti when you recovered!" inis niyang turan.

"Your mouth Chester!" saway sa kanya ni dad. Binelatan ko siya nang nakatalikod si dad. Inambahan ako nito ng suntok ngunit nahuli siya ni daddy kaya muli na naman siyang napagsabihan nito. "Just do what your sister want."

"But that is an hour drive dad! May pupuntahan pa ako." Pagrereklamo niya.

"Hindi mo na sinusunod ang ama mo Chester!" seryosong sabi in dad.

"Sorry dad. But-"

"No more buts son just do it. " Pinal nitong sabi. Wala namang nagawa ito kung hindi sumunod ngunit bago lumabas ay pinukulan pa ako nito ng isang napakatalim na titig. Ngunit hindi ako nagpatalo binigyan ko siya ng isang nakakaasar ng ngiti.

"Bye kambal!" Pang-aasar ko pa kaya padabog siyang lumakad palayo.

Time flies really fast. Dahil tuluyan na nga akong gumaling ngunit kahit ganoon ay may benda pa rin ako upang maiwasan ang pagkabigla ng sugat ko. This past days talaga namang ini-enjoy ko ang napakasweet na trato sa akin ni dad. And I know anytime this week at ipapatawag niya na ako sa kanyang opisina upang pagalitan at parusahan sa nagawa kong pagkakamali.

Kasalukuyan akong naghahanda para sa pagpasok ko. I also need to know kung ano na ang balita sa garupo dahil matagal ko ring 'di natatanong sapagkat kapag narito sila Ashley ay hindi kami makapag-usap tungkol dito dahil kay dad.

Nang matapos kong mag-ayus kinuha ko na ang gamit ko at bumaba papuntang dining area. Nadatnan ko roon si Manang na naghahanda ng almusal.

"Good morning po Manang!" Magiliw na bati ko rito. Lumingon naman ito sa akin.

"Oh hija nariyan ka na pala. Umupo ka na at mag-almusal. Ang iyong kambal ay nauna na mukhang may iniutos ang ama mo rito." Paliwanag ni manang habang inaasikaso ang almusal ko.

"Ganun ba manang? Ano kaya 'yon?" pagtanong ko naman.

"Naku hindi ko sigurado, malamang eh tungkol na naman sa negosyo. Alam mo namang ang kakambal mo ang kanang kamay ng iyong ama sa larangang iyan." napatango na lang ako habang kumakain.

Nang matapos akong kumain agad akong nagpaalam kay manang para pumunta na sa school. Saktong pagkalabas ko ng dining area ay nasalubong ko si daddy.

"Good morning my princess!" Nakangiting bati sa akin ni dad.

"Good morning dad!" bati ko pabalik sabay halik sa kaniyang pisngi.

"You goin' to school?"

"Yes dad! I don't want to be late marami na rin ang absent ko." paliwanag ko.

"I see..." Napakunot naman ako ng noo nang kinapa niya ang bulsa niya at saka inilabas ang kanyang wallet. "Here." inabot niya sa akin ng five hundred.

"What's this dad?" yeah I know it's money but-

"Allowance mo yan for today my princess."lalo pa akong nagtaka. He's grinning as if he has something on his sleeves.

"But I have my ATM dad." itutuloy ko pa sana nang bigla naman siyang nagsalita.

"Oh, I'm sorry princess my bad."

"What do you mean dad?"

"I forgot to tell you na pinaclose ko lahat ng ATM accounts mo." ani niya na para bang simpleng bagay lang ito.

"ALL WHAT!?" Gulat kong tanong.

"Don't shout at me princess...and yes all!" Pagconfirm niya. Parang nanghina ako. So this five hundred pesos AAArrghh! Wala akong naitabing cash sa wallet ko ni piso dahil ATM lang talaga gamit ko. Fuckin' five hundred pesos.

"I need to go." Nanghihinang paalam ko. Saan aabot ang five hundred pesos ko?\

"Bye princess be home at 4:30 or else... I know you don't want daddy to do surprises for you!" Napalingon ako sa kanIya.

"Is that a curfew dad!?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Well... Yes."

"What the fu-"Hindi ko natuloy ang pagmura dahil kay dad. Nakakainis ito!

"Your mouth young lady! You better go now. Your driver is waiting!" Napabalik tingin muli ako kay daddy. Oh no no no don't tell me... Agad kong tinakbo ang patungo sa garahe ko.

Nadatnan kong nakasarado ito. I tried opening it but it's locked! Pinalitan ang susi? What is happening? Bakit ganito? Hindi nga siya nagalit na gaya ng dragon like he used to do then ikukulong sa bahay after. Hindi na ako kinulong may curfew at driver naman ako and he even closed my ATM's. How can I do my own stuffs if kontrolado na naman niya ako.

I'm so doomed.

THAT GANGSTER IS AN INSTANT MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon