Chapter 10: Good News

10.4K 293 6
                                    



Cheska's

Malakas na tawanan ang nakapagpagising sa akin. Ano bang ginagawa nila at ang aga yata nilang magtawanan? Hindi na tawa iyon e, halakha na parang wala ng bukas.

Tamad akong bumangon at saka naghilamos bago bumaba ng sala at doon ko nakita si Chester at Sky na naghahabulan at naghaharutan. Napatingin naman silang dalawa sa akin, ngunit napakunot ang noo ko nang magbulungan sila ats aka tumingin sa akin ng nakakaloko.

"What?" Mataray na tanong ko, mali ang gising ko dahil sa ingay nila. Hindi sumagot ang dalawa, ngunit nakangisi ang mga itong lumapit sa akin.

"What the---hahahaha hey...hahahaha st--haha stop." Putol-putol na pag-awat ko sa kanila ngunit hindi naman nakinig ang mga ito.

"Hey Tito, let's tickle mommy more hahaha." Humirit pa si Sky kaya para kaming mga bulinggit na naghabulan sa sala. Naghampasan ng unan at kung ano-ano pa.

Pasalampak kaming naupo sa sofa dahil sa pagod. Yumakap naman si Sky sa akin kaya napangiti na lang din akong gumanti ng yakap sa kanya.

"Aw! So unfair, bakit siya lang yinayakap mo" Kunwaring nagtatampong ani ni Chester kay Sky.

Saglit naman siyang tinapunan ng ngiti nito. "Go find your own baby Tito," sagot nito at muling bumalik sa pagkakayakap sa 'kin. Napahalakhak naman ako habang iiling-iling naman ang aking kakambal.

Hinatiran naman kami ni manang ng meryenda at agad naman namin itong nilantakan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang magsalita si manang.

"Pwede ba tayong mag-usap mga anak?" Tanong nito. Kunot ang noo namang tinignan ko ito.

"Tungkol saan po ba manang?" Magalang na tanong naman ni Chester. Ngumiti si manang.

"Tungkol sa bata." Tumingin pa siya kay Sky, kaya napatingin na rin ako rito. Sarap na sarap itong kumakain, talagang bata pa siya dahil nagkakalat ang tsokolate sa pisngi niya. 'Cute' napangiti ako.

Tumayo kaming tatlo at iniwan muna saglit si Sky na busy sa pagkain niya. Napunta kami sa garden saka kami hinarap ni manang.

"Ngayon ko lang ulit kayo nakitang ganoon kasaya." Nakangiting sabi nito. "Dahil sa batang 'yan natuto kayong magkatuwaan ng hindi nagsusuntukan," Nkangitong niyang wika. "Kaya naman sobrang pasasalamat ko sa Panginoon na dumating siya sa buhay niyo. Pero..." Tumigil siya at tumingin sa amin ng seryoso. "Hindi natin maikakailang hindi natin kilala ang bata. Paano kung hinahanap siya ng mga magulang niya. Sigurado akong alalang-alala na sila sa kaniya." Mahabang lintanya nito.

"We're working on it manang," Sagot ni Chester habang ako at nanatiling nakatungo. Iniisip ko palang na ibabalik ko si Sky parang nasasaktan na ako.

"Dapat madaliin niyo na iho...alam ko, dahil kahit ako napapamahal na sa batang 'yan. Kayo rin ang mahihirapan sa huli. Hindi ko sinasabing pigilan niyo ang sarili niyong mahalin ang bata, dahil 'di natin mapipigilan iyon lalo na't, iba ang sayang naidudulot nito sa atin...lalo na sa inyong dalawa pero sana habang maaga pa e, mapigilan niyo na huwag nang palalimin pa." Malumanay na sabi niya.

"Naiintindihan ko po." Makiikling sagot ko, pero parang sinasaksak na ako ayoko nang malayo sa batang 'to. Sa mahigit isang linggo naming pagsasama, masyado na akong naattached sa kanya.

Pagksabi no manang ang mga linyang iyon agad kaming kumilos ni Chester para sa paghahanap ng magulang ni Sky. Oo labag sa kalooban ko ito, napamahal na ako sa batang iyon ngunit anong magagawa ko hindi ko siya pag-aari, pinagkamalan niya lang akong mommy niya. 'Pinagkamalan' mapait akong napangiti sa naisip kong iyon.

"Hey Cheska there is one look may announcement dito sa dyaryong naghahanap sa isang bata. And the kid in this picture looks like Sky." Napatingin ako rito. Atsaka kinuha ang dyaryong hawak niya.

"Sky Gabriel Montealto..." Pagbasa ko sa pangalan.

"Montealto?" Takang tanong ni Chester.

"Yup... That was his surname I think.," Sagot ko at tinitigan ko ang picture ng bata sa dyaryo. No doubt it's Sky.

"Montealto... So he must be connected to the owner of Montealto University?" Biglang tayong sabi ni Chester dahil sa napagtanto. Napaisip naman ako. Oo nga no? Montealto University is the school kung saan kami nagtransfer in Chester.

"I dunno...we'll know it after calling them." Wala kaming sinayang na oras at idinial ang number na nasa news paper.

[Hello?] Sagot ng nasa kabilang linya, biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ako nakasagot kahit na simpleng hello lang iyon. Nang mapansin siguro ni Chester, ay kinuha niya sa akin ang cellphone at siya ang sumagot sa tawag.

"Yes... I've heard that your looking for a kid?" Hindi nakaloudspeaker kaya naman hindi ko dinig ang usapan. At natatakot rin akong making.

"Yeah...Sky that's what he says," Nakatitig lang ako kay Chester na seryosong nakikipag-usap.

"I saw it in the news paper...yes yes...okay when??... Right now??... Okay, okay." tumingin ako sa kanya ng nagtatanong. Kinakabahan ako, namamawis ang mga kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na kasalukuyan kong nararamdaman.

"He wants us to meet right now." Pagpapaalam ni Chester, tila nabasa ang katanungang nasa aking mga mata.

"Sige." Ang tanging naisagot ko. Balisa, at wala sa loob na kinakagat ang daliri.

Hinawakan naman ni Chester ang mga kamay ko upang pigilan, "Hey you okay?" tanong nito pansin nito ang pagkabalisa ko. Tanging pagtango naman ang naisagot ko, dahil na rin wala akong lakas na magsalita. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at tiningnan ako sa mga mata. "Hey listen, we have to do this...Sky deserves to be with his family. I know it's hard, but its the right thing to do."

"I know... Its just that I'm going to miss him." Sagot ko at matamlay na ngumiti, ngintian naman niya ako.

"Let's just be thankful na naging parte siya ng buhay natin." Huminga ako ng malalim...Chester is right.

"Mommy!...Tito!" liningon ko so Sky na ngayon ay patungo sa direksyon namin. Nginitian ko siya at lumuhod upang mapantayan siya.

"I have good news for you," Pagsisimula ko. Nakita ko naman ang pagkinang ng mata niya.

"Really what is it! Tell me mommy." Patalon talong tanong niya.

"We are going to meet your daddy."


THAT GANGSTER IS AN INSTANT MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon