Chapter 26: Jealous?

7.8K 231 13
                                    


Padabog akong bumaba mula sa ikalawang palapag, I hate Tyler so damn much. Wala siyang karapatang pigilan ako sa kung ano mang gusto ko. At mas lalong wala siyang karapatang kopyahin ang linya ko. No, hindi nga siya nagbigay ng credits! Fine I'm a bit oa. Medyo natigilan ako sa pagbaba nang marinig ko ang tawa ni Tyler nagmumula sa sala. Aba! Anong meron at masayang-masaya ang taong ito? Napataas naman ang kilay ko nang makita siyang may kaakbay na babae. The girl looks like at her early twenties. She perfectly define the filipina beauty. I pity her dahil nasungkit siya ng malanding si Tyler.

Dumiretso ako ng kusina ng hindi nila napapansin. My eyes are irritated with the scene that I'm seeing. Nadatnan kosi manang na nag-luluto sa kusina. Agad naman akong binati nito nang mabatid ang presensya ko.

"Hello Ma'am Cheska. Ano pong kailangan mo?" Magalang niyang bati.

"Wala naman po naman po manang, nabored lang ako sa taas. At saka po Cheska na lang po." sabi ko. Ayokong natatawag ng ma'am lalo na kapag mas nakakatanda.

"Oh siya maupo ka na lang riyan, sabihin mo lang kung may kailangan ka."ani nito bago itinuloy ang ginagawa. Ilang minuto pa ang lumipas nang hindi ko na maitago ang aking kuryusidad. Kaya tinanong ko na si manang.

"Ahm...manang?" pagtawag ko sa kaniya, hindi naman ako nabigo dahil liningon naman ako nito.

"Ano yun iha?" Tanong niya habang abala sa linuluto niya.

"Ah ano po, sino po 'yong kasamang babae ni Tyler?" Nahihiyang tanong ko. Napakunot pa ang noo ng matanda at mukhang iniisip pa kung sino ang tinutukoy ko.

"Ah si Marhie iyon. Pamangkin ko, aba't dumating na pala eh hindi ko alam. Malamang hinarang na naman iyon ni Sir Tyler." Lihim na napataas naman ang kilay ko. Ganoon sila kaclose?

"Ah siguro nga po nakita ko po kaseng akbay siya ni Tyler kanina." Walang emosyong sabi ko. Natigilan naman si manang did I say it wrong?

"Naku! Malamang inaasar na naman iyon ni Sir. Nakasanayan na niya kaseng asarin iyon. Ewan ko ba? Pagkatapos, kapag nagtampo naman itong pamangkin ko susuyuin niya rin at bibigyan ng kung ano-anong suhol." pagkukuwento nito. Tsk! Buti pa siya sinusuyo eh ako? Wait, am I saying na nagtatampo ako kay Tyler? Hell no!

"Ah sige po manang, may nakalimutan po pala akong gawin babalik na muna ako sa kwarto." pagpapaalam ko. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

Paakyat na ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Tyler na tinatawag ang pangalan ko. Napahinto naman ako at napapikit ng mariin. What is it now?

"What?" I cursed myself for sounding like a jealous girlfriend. Sana lang hindi niya napansin iyon.

"Where's Sky?" tanong nito. Wow ha! Hindi niya pala alam kung nasaan ang anak niya? Pero nakuha niya pang makipagharutan.

"Malay ko." Blangko kong sagot na siyang nagpakunot sa noo niya.

"What's wrong?" Tila siya pa ang naiinis. Gusto ko pang sumagot pero kailangan kong kumalma. Hindi puwedeng paapekto ako sa mga ganito.

"I don't know, hindi ko pa siya nakita kagagaling ko lang sa kusina." Medyo malumanay ko nang sabi. Napalingon naman ako sa babaeng kasama niya at pinigilang itaas ang kilay.

"Oh maybe he's still sleeping." Ani ni Tyler. "By the way this is Marhie." Pagpapakilala niya sa babae.

"Hello po." bati nito. Tipid ko lang itong nginitian bago sila tinalikuran. Call me rude but if I don't walk out baka hindi ako makapagpigil at magtaray.

Tumambay lang ako sa kuwarto at naglaro sa phone ko. Lumipas ang ilang oras may kumatok sa kuwarto. Hindi ko ito pinansin dahil busy ako sa paglalaro.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Kuya Tyler." Napataas ang kilay ko. Kuya Tyler hindi ko alam na may kapatid pala ang mokong. Sa halip na mag-isip pinatay ko ang nilalaro ko at nagtungo sa may pinto.

"Hi ma'am maglunch na daw po kayo." Bungad nito pagbukas ko sa pinto. Halos mapatalon ako ngunit hindi ko pinahalata.

"What is your relationship with Tyler?" Before I realized it nasabi ko na. At gusto kong sabunutan ang sarili ko.

"Boss po siya ni tita." Nginitian ako Neto. And I don't know why pero nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. "Ang ganda niyo po ma'am, no wonder na-inlove sa iyo so kuya." humagikhik pa ito pagkasabi niya. Napatigil naman ako, it took me a minute before getting back to myself.

"He's not in love with me." I said plainly.

"Weh? Eh ikaw lang po ang dinala dito ni kuya na babae maliban sa kaniyang kamag-anak kaya sure akong importante ka sa kanya." Napa-tss na lang ako. Wala akong makapang sasabihin sa kanya. "Ay! Oo nga po pala ano po ang pangalan niyo ma'am?" Hinabol ako nito pababa ng hagdan. I stop for a moment to face her. I'm a bit irritated wit her, so noisy parehas sila ni Ashley. Tsk!

"I'm Cheska- Cheska Ford." Nakita ko naman ang panlalaki sa mata nito. Problema niya?

"Ikaw yung anak ng may-ari ng Ford International School? Hala doon po ako nag-aaral." May halong tuwa na sambit nito.

"Yeah, so ano ngayon?"

"Maiilap po kase kayo ma'am at saka nakakatakot daw pero hindi naman pala. Ang ganda niyo po." papuri nito.

"Thanks." sagot ko na lang at tinuloy na ang pagtungo sa sala. Doon ko naabutan si Tyler at Sky mukhang nagtatalo na naman.

"I told you. Eat Sky." Maotoridad na utos ni Tyler.

"No. I want mommy." Matapang namang sagot ni Sky.

"What's happening here?" Bungad na tanong ko kaya gulat silang napatingin sa akin.

"Sky doesn't want to eat again." Bumuntong hiningang sagot ni Tyler. After niyang sabihin iyon, nakita ko pang napatingin siya sa likod kung nasaan si Marhie. Tsk!

"Mommy!" Bumaba ito sa kaniyang kinauupuan saka yumakap sa akin.

"Why aren't you eating sky?"

"I want to eat with you mommy." Malungkot na sabi nito. Pinabalik ko siya sa kaniyang upuan saka tumabi sa kaniya.

"You should eat even if I'm not around. What if wala pala ako dito sa bahay? I don't want you to starve yourself baby." Bilin ko sa kaniya.

"Are you mad mommy?" Kinakabahan niyang tanong.

"I'm not, but I will if you still not eat." pagbabanta ko rito.

"Sky doesn't want mommy get mad. Sky will always eat na. Sky will behave." Itinaas niya ang kamay niya hababg sinasabi ito na tila ba namamanata.

"Very good." Nang tumingin ako sa kinauupuan ni Tyler wala na ito. "Where is you're dad?" Nagkibit balikat naman ito. I looked at Marhie's direction, pero wala na rin ito. Napairap nalang ako sa hangin.

Pake ko ba?!

THAT GANGSTER IS AN INSTANT MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon