CHAPTER 4: Who's the father?

13.6K 369 6
                                    



Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ko. Akma niya akong yayakapin nang tadyakan ko ang tiyan niya kasabay ng paggulong ng upuan palayo sa kanya.

"Ouch!" Daing niya habang hawak ang kanyang tiyan. "Bakit ka nanadyak?" Oa ang hina lang nun e.

"Ikaw, bakit ka narito?" Balik tang ko.

"Ayaw mo ba akong makita? Ang sakit mo naman sa heart." Pagiinarte niya "Akala ko ba magkapatid tayo.Kambal tayo hindi ba? Bakit ang sama ng turing mo sa akin." Umarte pa siyang nagpupunas ng luha.

"Bakit naman ako matutuwang makita ka e 'di ba nga iniwan mo ako at saka sabi mo doon ka na mag-aaral sa Japan?"

"Pinabalik ako ni dad at may ipapagawa kasi siya sa akin." Nakatitig lang ako sa kanya.

"Ano? Siya nagpapunta sa 'yo sa Japan para sa business kuno... tapos pababalikin ka rin naman. Alam mo bang wala akong kasamang nag-enroll." Pagmamaktol ko.

"Huwag na magtampo nandito na ako oh."

"Tse! Kung kalian ayaw na kitang makita saka ka babalik?" Pagmamatigas ko pa. Basta naiinis ako. Magsama sila ni Daddy!

"Who is he mommy?" Napalingon kami sa nagsalita na kalalabas lang ng library. Nakalimutan kong may kasama pala ako. Natampal ko na lamang ang nook o. Nang tignan ko si Chester ay lukot ang mukha niyang nakatingin kay Sky. Pagkatapos ay binigyan naman niya ako ng whats-the-meaning-of-this-look .

"Sandali lang bugwit ha, may kakausapin lang ako. Balik ka muna sa library." Agad naman itong sumunod. Tumingin ako kay Chester na naghihintay ng sagot. Seryoso itong ngumis at ganun din ako sa kanya. Luumapit kami sa isa't-isa at saka sabay na nagpakawala ng suntok pero pareho naming naiwasan. Ganito kami mag-usap kapag tungkol sa mga seryosong bagay.

"Who's the kid?" Tanong niya habang patuloy sa pagsugod sa akin, habang ako nama'y umiiwas habang humahanap ng tiyempo.

"Sky. That's his name." Simpleng sagot ko at saka nagtangka ng suntok ngunit nakaiwas naman siya.

"So, who is the father?" Natigilan ako sa tanong niya kaya nahawakan niya ang kamay ko, ginamit niya ang tiyempong iyon para ibalik tad ako. The f*ck what he's thinking? Bakit parang magkaibang pahina ang kinaroroonan namin?

"What do you mean?" Paghihinging linaw ko sa tanong niya habang hinihimas ang puwetan ko.

"Kailan mo pa tinatago 'to? Bakit hindi mo sinabing buntis ka ha?" Pinilipit niya ang kamay ko ngunit isinunod ko naman ang katawan ko para di ako masaktan, ngunit napaupo pa rin ako sa sofa. Tatayo pa sana ako para sugurin siya nang isenyas niya ang kanyang kamay para patigilin ako. Wala sa loob akong bumalik sa pagkakaupo.

"What are you thinking ha? Are you thinking that I got pregnant?" May bahid ng inis na tanong ko. Nag-iisip ba siya? Akala ko ba matalino siya?

"Bakit hindi ba? Anong gusto mong isipin ko, na nabundol ka ng sasakyan then boom! may anak ka na?" Napasampal na lang ako sa aking mukha. Seryoso? Anong klaseng isip meron siya?

"Kapatid ba kita? Porket may bata nabuntis agad hindi ba puwedeng napulot ko kung saan o di kaya'y nagpumilit na sumama sa akin? Gamitin din minsan utak kambal. Huwag padalos-dalos." Mahabang lintaniya ko. Napakamot naman siya ng ulo. Mukhang napag-isip niya rin ang kashungahan niya.

"Ganoon ba? Ang tagal mo kasi magkuwento kambal," Ako pa talaga may kasalanan? "So bakit may bata" Dagdag tanong niya, napaikot na lang ako ng mata saka sinimulang ikuwento ang lahat.

"So did you report it to the police?" Tanong niya matapos kong magkuwento. Napaisip naman ako. Hindi nga pala ako nagreport sa mga police.

"No... Hindi ko naisip yun," pag-aamin ko.

"Tsk, tsk, tsk! Sino ngayon ang nag-iisip ha?" Masama ko siyang tiningnan.

"Edi kwits na tayo..." mahina kong sabi.

"Okay lang 'yan, kambal kase tayo kaya pareho magfunction ang utak natin." Natawa na lang kami. Pero agad din kaming natigilan nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako para tignan kung sino yun...tumambad sa akin isang babae na may bit bit na pagkain...siya pala yung inutusan kong bumili ng pagkain.

"Ms. Cheska, ito na po 'yong pinapabili nyo," Ngiti niyang abot sa dalawang supot. Agad ko namang tinanggap ko iyong saka nginittan siya pabalik.

"Salamat...you may go," Sabi ko at saka walang pasabing sinara ang pinto.

"Uyy mukang right timing ang uwi ko...sakto di pa ako kumakain." Lumapit si Chester habang hinihimas ang kanyang tiyan. Pasimple ko iyong hinampas kaya napadaing siya.

"Sinong may sabi na para sayo 'to? Amin ni Sky ang mga ito. Bumili ka ng sa iyo ang dami mong pera e." Pagdadamot ko.

"Psh! Sige na kambal, huwag kang madamot." Parang batang pagpupumilit niya sabay nakanguso pa ito.

"Oo na! sige na huwag ka lang magpout...ang pangit mo, lalo kang nagmukhang tsunggo."



Author na Madrama ang buhay's Note:

Hello! Thank you for reading this story, but it might take a while before I could finished editing this since I'm not sure if our school days has come to an end or not.

Also, if you encounter errors feel free to notify me. I might not see everything.


Thank you so much, have a great day always!

THAT GANGSTER IS AN INSTANT MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon