Tyler's
Nang matapos ko ang meeting agad akong umuwi. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay agad akong sinalubong in yaya at mukhang alalang-alala ito.
"What's the problem yaya?" tanong ko.
"Eh Sir, si Gab kase ayaw kumain at walang tigil ang iyak." Nag-aalalang sabi nito.
"Sige yaya, just bring his food upstairs ako na ang bahala." Utos ko na agad naman itong sumunod. Dumiretso muna ako sa kwarto ko upang ilapag ang mga gamit ko at saka nagtungo sa kuwarto ni Gab. Nadatnan ko doon si yaya na inaayos ang pagkain.
"Sige na yaya, I'll handle this magpahinga ka na po."
"Sige Sir gisingin niyo nalang po ako kung may kailangan kayo." Tumango naman ako bago siya tuluyang umalis.
Umupo ako sa kama ni Gab, nakatagilid ito kaya nasa likuran niya ako.
"Son..." Pagkuha ko ng atensiyon niya saka ko hinawakan ang kanyang braso. naramdaman ko naman ang hikbi niya kaya napabuntong hininga ako.
"Son... kumain ka muna bago matulog." Malumanay kong sabi.
"I don't want to eat... Just go away." Maydiing sagot nito na d'i man lang ako liningon.
"Please son I'll buy you a new toy. Kumain ka lang." I tried bribing him.
"I don't want a toy daddy, I want mommy!"
"But your mom is not here." Pigil inis na sagot ko
"Then go get her. I want mommy, I miss mommy. Mommy always takes care of me. I want my mommy daddy, please tell mommy to come and stay here please daddy." Namumula na ang kanyang pisngi at ilong dahil sa kaiiyak. I pity my son but can't deny that he still looks cute in that state.
"Okay. I'll take mommy here,"
"Really daddy?!" Umupo ito at humarap sa akin habang pilit pinupunasan ang mga luhang wala pa ring tigil sa pagtulo mula sa kanyang mga mata.
"Yes, but... You should eat first." Kundisyon ko. Hindi naman na ito sumagot at lumapit sa pagkain na nasa side table niya at sinimulan nang kumain.
Cheska'sNaalimpungatan ako dahil sa tunog na yun ng cellphone ko. Sinong walanghiya na naman ang pumutol sa mahiwagang tulog ko? Pikit mata kong kinapa ang selpon ko at walang tinging sinagot ito.
"Mmm?" Tamad na bungad ko.
"Rise and shine Boss Cheska!" Malakas na tinig nito mula sa kabilang linya.
"Psh... Ang aga-aga nambubulabog ka!" -angal ko.
"Wow ahh! Its 12pm anong maaga durn?" Maarteng panenermon naman niya.
"Nasapak kaya ako kagabi tss sakit nga ehh." Inis kong sabi sa kanya na tinawanan lang ng bruha.
"Hahaha Nasaan ka? Susunduin ka namin ni Mc."
"Bakit??"
"Let's go shopping haha." Napangiwi naman ako.
"Tsk! Anong shopping...ayoko." Pagtanggi ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo pupunta tayo!" Sagot nito saka ako binabaan. Tss...bastos! Parang siya ang boss?
Wala akong choice kung hindi bumangon dumiretso muna ako sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay nagtungo naman ako ng kusina para uminom. Alam kong nasa labas na sila ngayon. Bahala silang maghintay. Hinintay ko munang matapos ang dalawang minuto bago sila pagbuksan. And as I expect armalite na bunganga na naman ni Ashley ang sumalubong sa akin.
"Wow ahh Cheska sampung minute? Sampung minuto mo kaming pinaghintay sa labas you're so heartless!" Bungad nito habang nagpapaypay pa gamit ang mga kamay.
"Oa masyado yung heartless ahh, kung heartless ako edi sana hindi ko na kayo pinapasok pa!" Nginisian ko siya na sinagot niya lang ng irap.
Hindi na sumagot pa si Ashley at dumiretso sa kusina, habang si Mc ay dumiretso sa couch at nagtingin ng mga librong nasa ilalim ng center table.
"Huy ano na boss Cheska tutunganga ka na lang diyan? May pupuntahan tayo oh." Paninita sa akin ni Ashley, habang linalantakan ang cake na kinuha niya sa kusina.
"Demanding? Bakit tinawag mo pa akong boss kung uutusan mo lang naman ako." Inis kong sabi sa kanya.
"Haluh siya oh! 'Di mo ba alam na a good leader is a good follower? Kaya sumunod ka na lang boss." Rinig ko pa ang pagsang-ayon ni Mc.
Tsk! Nagkampihan na naman ang dalawang 'to.
Hindi na ako nag-abalang sumagot pa at pumasok na sa kwarto upang mag-ayos. Alam ko namang 'di ko matatalo 'yang si Ashley sa kadaldalan ang daming alam psh!
Dumiretso na ako sa banyo at ginawa na lahat ng dapat gawin sa banyo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa maliit na walk-in closet ko para makapagbihis. I wear fitted maroon turtle neck na long sleeves at white fitted jeans and white rubber shoes. Inayos ko sa messy bun ang buhok ko at naglagay ng light make-up. Sinipat ko ang mukha ko sa salamin, ayos naman pero parang may kulang? Oh? Kinuha ko yung nerdy glasses ko and tadaaa!! Perfect. Hahaha Nang makuntento na ako ay saka ako lumabas at naabutan ko dun si Ashley at Mc na nag-aasaran. Ingay!
"Oh buti naisipan pang lumabas neto sa lungga niya." Pasaring ni Ashley.
"Paanong hindi lalabas eh binubulabog mo. Kahit sino sigurong nasa payapang sitwasyon kapag dinaanan mo mawawalan ng kapayapaan." Banat in Mc sa kanya. At ayun sagutan to the max na naman.
"Akala ko ba magkakampi tayo?" Mataray na tanong ni Ashley.
"Ano? Magbabangayan na lang ba kayo diyan" Edi sana hindi na ako nag-abala pa. Tsk!" Inis kunwaring tanong ko. Sanay na ako sa kanilang dalawa. Natural na ang ganyan dahil madalas silang masapak sa labanan. Naalog siguro ang mga utak.
"Sabi nga eto na! Tsh akala mo naman ano eh...samantalang kami 'tong pinaghintay mo ng napakatagal." Reklamo ni Ashley saka nagpaunang lumabas iiling-iling naman kami ni Mc habang tatawa tawa pa.
Sa Mall ko kami pumunta. Nauna kaming pumunta sa isang restaurant dahil gutom na rin ako. Pagkatapos naming kumain ay sinamahan namin si Ashley sa isang boutique para mamili daw ng damit na susuotin niya sa party ng isa sa relatives nila habang naghihintay at medyo napansin kong parang may nakamasid sa akin. Inikot ko ang paningin ko upang tingnan kung sino mang posibleng nagmamasid ngunit wala akong nakita, siguro guni-guni ko lang kaya ipinagkibit balikat ko na lamang.
Kung saan-saan pa kami nagpunta halos malibot na namin ang buong mall. Kaya naman medyo masakit na rin ang paa ko. Nang may nakita kaming mauupuan at agad kaming naupo roon.
"Haaayyyss kapagod!" Nakangiting sambit ni Ashley, sabay salampak sa may bench.
"Paanong hindi mapapagod eh nilibot na natin itong buong mall. Parang ikaw nga lang ang nag-enjoy eh." Wika ni Mc.
Nakikinig lang ako sa nagsisimula na namang bangayan ng dalawa Nang maramdaman ko na naman ang titig na iyon. Ano bang problema ng kung sino mang ito. Tumayo ako at akmang aalis nang pigilan ako ni Mc.
"Saan punta mo?" tanong nito. Tumingin naman sa akin si Ashley na tila nagtatanong rin.
"May pupuntahan lang, mauna na kayong umuwi." Sagot ko nang may kasamang ngiti as assurance.
"Oh e pa'no naman itong pinamili mo aber??" Mataray namang tanong ni Mc. Ha! Akala ko pa naman nag-aalala ang bruha, tinatamad lang pala magbitbit.
"Ipadala nyo nalang sa condo ko tinatamad akongmagbitbit." Sagot ko na lang at saka sila tinalikuran. Narinig ko pang tinawagnila ako ngunit umasta nalang akong walang narinig at deredretsong nagtungo saparking lot.
BINABASA MO ANG
THAT GANGSTER IS AN INSTANT MOMMY
ActionShe entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she still continue fighting for revenge? Or to fight for her newly found family. 💜 You can also read t...