Chapter 30: Living together

7.1K 220 19
                                    



At exactly 4:30 pm, nakauwi na ako ng bahay. Kasalukuyan akong nagpapaikot-ikot sa aking kuwarto habang iniisip kung paano ako makaaalis ng bahay. Ashley called me and said that they already tracked who's sending me a message. I want to know it personally, kaya hindi siya hinayaang sabihin niya ito through phone call.

I'm back and fort pacing my room thinking, planning how to get out of here without being noticed by my keen father when my phone rang.

"Hello?" I answered

"Mommy? Can I go to you're house? I miss you so much." Its our cute Sky on the line. He seems sad telling those, I also missed him but.

"Huh? Ano kase...hmm" Paano ko ba sasabihin? Hindi ko pa nasasabi kay dad ang tungkol kay Sky, baka dagdag punishment na naman ito sa akin.

"It's okay mom. I understand, bye." Just before I could utter a word, the call ended.

Hayst! Ano ba naman, puro na lang problema. Iniikot ko ang paningin ko at doon ko nakita ang bintana. Nasapok ko ang sarili ko. Bakit ngayon mo lang naiisip Cheska!? Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ko. Nagtungo akong kusina at doon nadatnan ko si Manang na nag-aayos ng lulutuin. Bakit parang marami siyang hinahanda? Anyway, hindi 'yan ang kailangan kong problemahin.

"Manang? Nasaan si daddy?" Tumigil ito sa ginagawa saka tumingin sa akin.

"Ayy lumabas iha, susunduin niya raw ang kaniyang kompare." Siguro ay iimbitahin niya ito kaya may pahanda. Pagkakataon ko na para tumakas.

"Sige po manang. Sa kuwarto ko lang po ako huwag niyo po akong iistorbohin ah. Magiging busy ako." Bilin ko, nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Manang ngunit isinawalang bahala ko na lamang at madaling nagtungo sa aking kuwarto.

Sinilip ko ang bintana. Hindi naman masyadong mataas. Sakto at may puno dito sa tabi ng kuwarto ko. Bago lumabas ay tinawagan ko muna sila MC.

"Yes boss?" Bungad na sagot nito.

"Sunduin niyo ako. Sa likod ng bahay niyo ako hintayin at huwag kayong magpapakita sa mga guards." bilin ko.

"Areglado bossing. Five minutes at nariyan na kami." Sabi nito kaya pinatay ko na ang tawag.

Nagpalit muna ako ng damit. Hoodie, pantalon at rubber shoes para komportable. Itinali ko rin ang akong buhok para walang sagabal kung sakaling magkahabulan. Nang ready na ay saka ko muling sinilip ang bintana. Nang wala akong makitang bantay ay agad akong sumampa rito. Iniextend ko naman ang mga braso ko para abutin ang sanga ng puno. Medyo nahirapan pa ako dahil malayo-layo pala ito.

"Hoo! Papahirapan mo pa ako eh?" Bulong ko habang unti-unting bumababa ng puno. Ang hirap pala lalo na't nakasapatos ako. Muntikan pa akong mahulog ngunit buti na lang nakakapit ako. Nang makababa ako pinagpag ko ang aking mga kamay.

Muli kong inikot ang aking paningin sa paligid, nang masigurong wala talagang umaaligid na bantay ay agad akong nagtungo sa likod ng bahay. Inakyat ko ang may kataasang pader at saktong pagkalapag ko sa lupa at ang pagdating nila Ashley.

"Oh boss akyat bahay ka na pala ngayon sa sarili mong pamamahay." Pang-aasar na bungad ni Ashley at saka sinegunduhan naman ni MC ng tawa. Tinignan ko naman sila ng masama kaya natahimik ang mga ito.

"Sa bahay niyo na lang tayo para malapit. Uuwi rin ako agad." Wika ko nag hindi pinapansin ang kanilang pang-aasar.

"Haha ang bait mo pala boss kung nariyan ang daddy mo?" Pang aasar muli ni Ashley.

"Mabait ba 'yan? Batang pasaway nga si boss eh kase tumakas." Gatong naman ni MC 'saka sila humalakhak. Napapikit na lang ako, kunting-kunti nalang talaga at pag-uuntugin ko na ang dalawang 'to.

THAT GANGSTER IS AN INSTANT MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon