2. Date with???

1.7K 65 6
                                    

"Anak, kailan ka ba uuwi dito sa Pilipinas? " rinig kong sabi ni mama sa loob ng kwarto niya, nakabukas kasi, tapos pumasok ako kasi alam kong si ate ang kausap niya.

"Ma, malapit na nga eh. After my masteral studies here. Ok?  At isa pa uuwi naman ako ngayong summer eh."
Sagoy ni ate sa kabilang linya.

"Ate,  ba't ang taba mo na?"

"Heehhhh!  Kasi ang payat mo lang ng sobra." Sabay tawa.

"Ma naman,  pinapakain mo pa ba yang si Charry? Nagmumukhang kalansay na eh." Dagdag pa niya.
Binilatan kolang si ate at  umupo ako sa tabi ni mama. Nag vivideocall kasi sila at dahil masyadong miss ko na si ate kaya kinulit ko na rin.

"Anak naman brokenhearted to." Sige pa ma, ibulgar mo pa. Kainis pinagkakaisahan nanaman ako.

"Ahahahahaha. Ayyyy ma.... sa summer pala  may ipakilala ako sayo. Boyfriend ko." Sabi ni ate.

"Sino?" Tanong namin kay ate tapos nasa akin nakatingin ang mga mata niya.

" si Drake po. " mahina niyang sagot

"Yung kap----" Hindi pa lang nakapagsalita si mama,  ay inunahan na siya ni ate.

"Maaaa... oo... siya po." Di ko gets. Sila lang ang nagkakaintindihan. Sino???. Ba't bigla akong kinabahan. Aba'y naguguluhan akong pinagmasdan silang dalawa na nag uusap gamit ang mga mata nila. Hindi naman nila ako kasing galing para malaman ko kung ano. May mga super powers kasi. Tsk.

Matapos mag usap sina mama at ate, inutosan naman akong mag grocery. Padilim na at tsaka hindi naman masyadong malayo ang grocery store dito. Isa pa matao din naman.

Matapos kong mabili lahat ng inutos ni mama, dumaan na muna ako sa 7/11. Bumili ako ng slurpy at umupo ako saglit sa may table malapit sa pintuan.

"Alone?" Isang pamilyar na boses ang bumungad saakin.

"Ikaw nanaman. "

"Ba't ba ang suplada mo sa akin Cha? Gusto ko lang namang makipag kaibigan sayo." Halata sa mukha niya na naiinis na rin from the way i talked with him. Number one, wala akong paki.

"I just don't want to." Medyo na guilty ako nung makita ko ang mukha niya. Para siyang anghel na demonyo? Ewan ko. Basta.

"I'm sorry, I'm just afraid of something. " i added.

"Wala akong masamang intention sayo. Sana makita mo man lang from the way i approached you. "

"Sorry, well ano bang gagawin ko para makabawi naman ako." Yan lang ang naisip kong paraan para naman makabawi sa kanya.  Then he smiled strangely.

"Date tayo bukas."

"Gago ka ba? may pasok tayo bukas. Anong sa tingin mo, aabsent ako?" Explain ko sa kanya. Kinabahan naman ako sa salitang date. Baka kasi isipin ni John, pinagpalit ko siya agad. Ayoko ng ganun, ayokong layuan niya ako ng tuluyan. Paano kung babalik siya? tapos malaman niyang may kadate na ako. Baka naman aayaw na siya. Ano ba!!!

"Ok ka lang.? After class lang naman kasi hindi ko naman sinabi na aabsent tayo." Napatanto ako nang mag salita si Marco.

"hah? Ah..Ok lang.... Sige, sige  bukas payag ako. Basta treat mo." Out of nowhere kung sabi saka ko pa narealize na pumayag ako. Mahirap naman bawiin eh.

" sige see you tom. Bye!!!" Nagmamadaling umalis si Marco at iniwan akong nakanganga. Shemaaayy maymay...

Kakatapos lang naming maghaponan. Actually, ako at si mama nalang ang natitira dito sa bahay. Si papa nasa America, kasama si ate at si insan Mara, tagal naman kasing matatapos yung papeles namin at isa pa gusto rin ni mama na dito ako makapag tapos ng Senior High School. Hayyy. Ka embyerna pag busog. Tataba pa kaya ako??? Kahit isang balde ng pagkain anh kakainin ko, kung marami namang blender sa loob ng tiyan ko, walang epek, ginalingan masyado ng blender. Palakpakan.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa study table ko. Maybe it's from my girls. Hilig sa gm yun eh. Lalo na si Bash. Reyna ng hugot sa gm.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa screen. The text is came from unexpected person.

Love is useless without trust.
Ilove you babe. Happy monthsary.

Got home from their house.
Gm.

Yan ang nakasulat sa screen ko. Galing kay John. Gm lang gm lang. So kailangan pang ipagsigawan??? Ba't ba kasing may number pa siya sa akin at may number pa ako sa kanya. Gusto kong mag move on.!!!
Hindi ko alam kung anong nakain ng kamay ko't pinindot ko pa talaga ang reply button.

Congrats.

Yang lang nasabi ko sa gm niya. Congrats. Congrats dahil nasaktan pa talaga ako. Congrats dahil hindi na ako. Iba na.  Mahal niya na talaga. Ba't di ko pa matanggap?

Hinintay ko yung reply niya. Ilang oras, minuto,  hanggang sa nag hating gabi niya. Wala man lang thank you sa Congrats ko.
Ang sakit...

————
Short update po.
Keep on reading. 
😊😊😊

Forgetting My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon