Ilang araw na ang nagdaan, marami na ang nangyari. Lagi ng napapasama sa amin si Marco. Hindi siya nanliligaw ha? Friends lang kami.
Sa totoo lang, medyo nawala wala na sa isip ko ang ex ko.Kakatapos lang ng klase namin sa Calculus. Tapos na rin ang klase ni Marco kaya heto kami ngayon sa cottage , nagtatambay kasama ang buong barkada.
" guys!!! Excited na ba kayo sa masquerade party?" Maliksing tanong ni Bash na busy sa pagsusurf.
"Hindi, wala akong gown. Hindi kakasya saakin." Bulyaw ni Andria. Mas lalo na ako. I'm not interested.
Inasar naman ni Ishang si Andria. Kaya tuluyan na itong naasar.
"Mag diet kana kasi."
"Bukas. Bukas na bukas" determinadong sabi niya. Asaran at kulitan lang silang lahat. Si Marco naman busy sa ginagawa niyang journal. Parang babae kung makadesign. Bigla kong naisip ang notebook kona naiwan sa room kanina.
"Sandali lang. Aalis na muna ako. Iwan ko muna dito ang bag ko ha? Marco?Guys?"
Tinangoan lang nila ako pati si Marco. Busy besz eh. Bussy.
Nagtungo na ako sa room. Lagi lang naman kasi iyon naka bukas kahit walang gumagamit kasi sira yung pintoan.
Pagkatapasok ko walang tao. At yun nga magisang nakapatong ang notebook ko sa desk na inuupuan ko kanina.
Isang malakas na hangin ang dumaan at biglang nagsira ang pintuan.
patay na."Fuck!" Nagulat ako.
Paglingon ko si John, halatang galing natutulog at galit. Di ko siya napansin kanina ah."Ba't mo isinara?" Galit niyang sabi. Ngayon ko lang siyang nakitang galit. Natameme ako at napahawak ng mahigpit sa notebook ko.
"Hindi ko naman kasalanan yun eh." Mahina kong sagot. Sinubukan niya itong buksan pero ayaw parin magbukas.
"Sh***t." Pagmumura niya. Pinilit niya parin itong buksan. Napansin kong namumula na ang kanyang mga palad. Gusto ko siyang lapitan pero natakot ako.
"Arggghhh" rinig kong sigaw niya. Tapos kinuha niya ang isang upuan at dinala sa kanang banda ng blackboard at nanahimik. Ako, natahimik lang.
Umupo nalang rin ako, wala kasing magawa eh, ayaw magbukas. Saglit ng pananahimik ko, naisipan kong may hairpin ako at baka magagamit ko ito.
Pero sa totoo lang masaya ako kasi solong solo ko si John. Ahahaha.Ang gwapo niya talaga lalona't pag tulog, napakamaamo ang mukha.
Sinubukan kong gamitin ang hairpin ko pero hindi tumalab. Napapagod narin ako sakaka subok. At dahil sa inis na inis na ako, wala sa isip kong tinadyakan ang pintoan. Napaaray ako sa sakit .
"Oucchhh.!!" Napaupo ako sa sahig at namimilipit sa sakit ng kaliwang paa ko. Ano ba naman kasi ang nakain ko't tinadyakan ko pa talaga yun? Ang sakit..
Wala naman akong cellphone para makatawag kay Marco at kina Ishang, nasa bag ko kasi. Lintik.Feeling ko namamaga ang paa ko. Pero sinubukan ko pa ring tumayo. Unang subok ko ay bumagsak ako sa sahig. Pasimple kong nilingon si John, kung may pakialam pa ba saakin. pero wala, tulog parin ito. Hindi ko nalang din siya hiningian ng tulong. Pangalawa kong subok, gayon parin, lalong sumakit ang paa ko. Kumikirot, namamaga na talaga ata.
"Ano ba kasing naisip mo at sinaktan.mo pa ang sarili mo?" Hindi ko inaasahan ang paglapit niya. Akala ko dedma niya lang ako.
"Gusto ko na kasing lumabas eh, baka nag antay na sina Marco."
Sagot ko sa kanya. Medyo nahiya ako at naiilang sa kanya. Tinanggal niya ang sapatos ko at tsaka medyas. Amoy imburnal pa naman ang paa ko. Hahaha. Neweys kinilig si manang. Hahay aasa na naman."Namamaga na oh? Ano bang nakita mo sa pintoan? Foam lang? Ingatan mo kasi sarili mo, at isa pa hihintayin ka ng mga yun eh. Kung mahal ka, hihintayin ka niya kahit matagal ka mang darating." Gaya ng pag hintay ko sayo. Kahit matagal kakayanin ko. Pinagmasdan ko lang siyang hinilot hilot niya ang paa ko. Napaaray naman ako sa sakit.
"Argggh... wag nalang pabayaan mo na ang sakit." Maiyak iyak kong sabi sa kanya. Napayuko naman ako sa sakit at syempre hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Niyakap niya ako.
"Ssshh,, nanghingi na ako ng tulong, nag text na ako kay Kate." Masaya na sana, kaso narinig ko pa talaga ang pangalan ni Kate. Kahit masakit man masaya parin. Mas masakit pa sa paa ko. Umaasa na naman ako. Sige pa Charry, galingan mo pa.
Napahigpit ako ng pagyakap sa kanya. At ramdam ko ang tibok ng puso niya. Tapos isinandal niya ako sa kanyang balikat. Ilang minuto ang nagdaan, narinig kong may tumawag sa pangalan ko."Charry!!!!" Si Marco. Agad tumayo si John nang marinig niya rin si Marco.
"Charry?" Patanong na sigaw niya.
"Marco!" Sagot ko.
"Haay salamat, akala ko na paano ka na. Ok ka lang ba diyan? Saglit lang." Rinig ko ang mga yapak ni Marco na papalayo sa kinaroroonan namin. Siguro hihingi na yun ng tulong. Samantalang nakasandal lang sa may pader si John malapit aa pintuan. Sinulyapan ko siya at tiningnan niya ako saka ngumiti. Namiss ko ang mga ngiti niya. Namiss ko ang makasama siya.
"John.." mahina kong tawag sa kanya.
"Bakit?"
"Ano kasi..." huminga ako ng malalim. Alam kong mali ito pero kailangan niyang malaman na mahal ko pa siya.
"Alam mo bang mah--"
"Charry?? Bubuksan na, chill ka lang jan ah?" sigaw ni Marco. Bad timing! Di ko tuloy natapos ang gusto kong sabihin sa kanya.
Inayos na rin ni John ang kanyang sarili. At ako naman, nakaupo lang.
Nung nabuksan na ang pintuan, sumugod agad si Marco sa akin. Nagulat siya nung makita niya si John na nasa loob din pala. Sumunod namang pumasok si Kate. Nilapitan niya si John, ilang sandali umalis na sila.At kami ni Marco naiwan sa loob.
"Ok ka lang?" Napansin niya ang paa ko na namamaga na. Lumuhod siya sa harapan ko at agad niyang tiningnan kong gaano ka lala ang paa ko.
"Ano bang naNgyari? masakit ba? Makakalakad ka pa??" Pag alala niya.
"Ok lang ako." Pinilit ko ang sarili ko na makatayo buti nalang ay inalalayan ako ni Marco.
Naalala ko nanaman ang yakap kanina. Palihim akong ngumiti, kahit papaano may pakialam pa pala si John saakin. Yung unti unti ko ng nakalimotan si John, saka pa talaga nangyari ito. Wala na talagang panahon para mag move on wala na.
Haist.
Dinala ako ni John sa hospital, tinawagan na rin niya si mama. Sabi pa nga niya, nagpanic daw. Si mama naman kasi.
Macoconfine daw ako sabi ng doctor. Nagkaroon daw ng fracture ang paa ko, kaya ito namamaga.
Tangatangahan lang kasi.******************
Guyssss!!!!!
Please supportahan po niyo to.
I love you maywardians.
Godbless.Magmomove on na?
O matangatanga pa?Move na kasi.
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...