Dumaan ng dalawang araw, hindi ko parin nararamdam si John. Sabi niya babalik siya. Ako namang si TANGA, umaasa.
Ang sakit.Nasa gymnasium kaming mga Grade 11 at 12 para sa practice ng masquerade ball. Kapartner ko sina Marco at siya rin ang date ko. Sa totoo lang ayoko sanang sumali, kaso nagpupumilit si Marco at Ishang.
"Ayusin mo sa pagsasayaw Sander.!!! Naapakan mo na ang paa ko." Inis na sigaw ni Ishang kay Sander. Ayan na naman ang Cat and Dog. 'Bat pa kasi sila ang pinagpartner. Natatawa naman si Bash na nanunuod sa dalawa, ang nagsisilbing tulaytulayan sa dalawa.
"Manahimik ka! Alam mo namang kaliwakaliwa ang paa ko. "Sagot naman ni Sander kay Ishang habang hawak-hawak niya ang kamay ni Ishang.
" Hala! May nagkadevelopan na.!!!" Sigaw rin ni Andria na nasa kabilang linya kasama si Eunice. Napalingon naman kaming lahat, at yun si Eunice at Lucas pala ang tinutukoy.
"Uy Lucas! Kami din" lumapit si Lunabie kay Lucas para manghingi ng icecream. Wow, ang haba ng hair ni Eunice, may pasubosubo pang nalalaman itong si Lucas. Nakatingin lang ako sa dalawa, ngunit ibang tao ang nahagilap ng dalawang mata ko. Si John at Kate na malambing na nag uusap doon sa kabilang dulo ng linya. Pinigilan ko ang sarili ko. Umiwas akong tingin at ngumiti ng mapait. Ang daya-daya niya. Ito ba ang salitang BABALIK?
"Gusto mo rin ng ganyan?"
"Hah?" Napalingon ako kay Marco. Nakangiti lang siya sa akin. Why so gwapo? Lumapit pa ito sa akin at bumulong.
"Alam kong naglalaway ka sa bitbit ni Lucas, gusto mo bilgan kita nun?"
Napataas naman ang kilay ko sa kanya. Sisikohin ko sana siya kasolang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at sabay sabing.."Ano bib, gusto mo rin ng icecream? Tara bili tayo, breaktime pa lang naman." Nakanganga akong nakatingin sa kanya. BIB?
Tapos hinatak na niya ako papuntang canteen.
Narinig ko pa nga ang hiyawan ng mga klasmate at barkada ko at isa pa, dumaan kami sa tapat nina Kate at John. Napayoko naman ako. Hindi ako tumingin kay John. Masasaktan lang ako lalo.
Nasa canteen na kami at hawak-hawak parin ni Marco ang mga daliri ko."Dalawang cornetto po. " ani niya sa tindira.
"Marco..." mahina kong sambit sa kanya.
"Mahal mo pa?"
"Oo."
"Masakit ba?"
"Sobra."
"Tumigil ka na kasi sa kakahabol.Malay mo may humahabol pala sayo kaso dika niya maabotan dahil may hinahabol ka rin. Subukan mong huminto pag pagod ka na. "
"Di ko alam. Nalilito ako."
"Buksan mo ang mga mata mo. Tingnan mo kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sayo."
"Nakabukas naman ah?"
"Ito na po sir." Pag iinterrupt ng tindera. Inabot na niya kay Marco ang cornetto tapos nagbayad narin. Inabot din ni Marco ang isang cornetto sa akin samantalang nakahawak parin siya sa mga kamay ko.
"Nakabukas nga, sa iba naman nakatitig." Sagot niya. Tapos nginitian niya ako. Nalilito ako sa mga sinasabi ni Marco. Nalilito ako lalo. Hindi ko alam saan ako magsisimula. Pagod na ako.
Nang makabalik na kami sa gymnasium, nagsimula na ulit kami sa pagprapractice.
Sa gitna ng practice namin, nagulat kami ng biglang sumigaw si Ms. Cortez habang bitbit nito ang mic at stick niya.
"Sabay sabay nga kayo! Teka! " galit niyang sabi habang atras abanteng naglakakad.
Huminto si maam sa harapan namin ni Marco. Nakakatakot siyang tingnan. Halos tatalon na sa kanyang mga mata ang eyeballs niya."You!" Tinuro niya ako. Naglalakad naman siya na tila'y nagsusurvey.
"Ang you! Change partner. Doon ka sa babae, yun!" Tinuro ulit niya ako. Tapos naglakad siya patungo sa akin.
"And you Mr. Crocker, dito ka!" Ayaw man umalis ni Marco sa tabi ko, wala siyang nagawa dahil masyadong maldita itong si maam Cortez.
"Okey! From the top."
Nagsimula na naman kami.
Yung, may halong kaba at ilang na bumabalot sa aming dalawa.
Gusto ko na ngang umiwas eh, 'bat kami pa ang pinagpartner."Nanginginig ka. Ok ka lang ba?" Tanong niya saakin. Iwan ko kung concern ba siya o hindi.
"I'm fine. " malimit kong sagot. Buti naman ay nagawa niyang magtanong. Ok lang ba ako? Of course HINDI. SINO BA NAMAN KASING TAO ANG OK PAGKATAPOS PAASAHIN? SINO? PAPATAYIN KO YUN EH. tsssssk.
"Awkward." Sabi niya.
"Please John. Gawin nalang natin to, nang matapos na." I ended up the conversation. Oo si John nga. Si kate at Marco ang pinapartner. Ewan ko ba kung ano ang naisip ni maam at ginawa niya ito sa amin. Tsss.
Ilang sandali, natapos narin kami.
Bukas ng gabi na ang ball si John ang partner ko sa sayaw pero si Marco ang date ko. Himala nalang siguro kung ako ang ididate ni John at hindi si Kate. Malabong mangyari yon."Teeee..... ang ganda mo!!! Si ex pa talaga ang partner mo." Kanina pa talaga ako tinutukso ni Ishang at Eunice.
Pauwi na kami ngayon at napasyahan naming maglakad nalang. Hindi nakasama saamin si Marco dahil may klase pa."Eh kayo nga ni Sander eh. Ang sweet."tira naman ni Bash kay Ishang.
"Isang tukso pa! Kakalbuhin talaga kita. At isa pa i don't like him" umurong si Bash baka kasi totohanin pa ni Ishang yon. Goodbye hairlalo talaga.
"Kung may mahabang hair dito sa atin, si Eunice yun...ayeeeee." kanina pa talaga binibiro ni Andria si Eunice. Bukambibig niya ang dalawa simula sa practice at hanggan sa pag uwi.
"Heh!"
Bangayan at biroan lang silang lahat. Binagalan ko ang paglakad ko kaya naiwan nila ako. Namalayan ako ni Ishang kaya nilapitan niya ako.
"Ok ka lang ba?"
"Hah? Oo ok lang." Sobrang sinungaling na talaga ako.
"Ok. "
Nakauwi na ako. Hindi pa nga ako nakapagbihis may nagtext na saakin. Binuksan ko ito baka importante.
from: John
Chary. Mahal kita. Hintayin mo lang ako. Babalik at babalik ako. Tandaan mo yan, marami mabg nagbago, marami mang nangyari mahal na mahal parin kita.
Hindi na ako nag reply. Humiga ako sa kama ko, nag-iisip ng malalim. Aasa pa ba? Kaya ko pa ba? Ano?
*********
Short update guyssss.....
Sana suportahan niyo po ito.
Abangan niyo ang susunod na mangyayari. Yung character ni Chary ay malayo po sa attitude ni mayang.Feel ko kasi bagay din ni mayang ang ganitong character. Hihihihi.
Mawardians. Attack!!!
-missuglyduckling#maywardlover
![](https://img.wattpad.com/cover/102431755-288-k262587.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...