(Charry's pov)
Nagising ako nung tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Iniba ko ang posisyon ko at itinakip sa mukha ang unan ko.
Ang bango lang. Isang masarap na pagkain ang nalanghap ko. Shit nagugutom ako.
Bumangon na ako kahit nakapikit pa ang mga mata ko. Ang sakit pa ng ulo ko . Ayan kasi naglalasing pa. May hangover pa ata ako.Naglakad na ako papuntang kusina dahil nagugutom na ako.
Saktong pagbukas ng mga mata ko, sumalubong ang katawan ng isang lalaki na nakatowalya lang sa baba."Ahhhhhhh." Napasigaw ako't napatalikod.
"What the hell are you doing here? Sinong nagpapasok sayo dito?" Tanong ko habang nakatalikod.
Dun ko lang na pansin na parang may mali at iba sa paligid.
Kaninong bahay to?"Bahay ko to. Guest kalang kaya umayos ka." Sagot niya habang patuloy na nagluluto.
Oo nga, hindi ko to bahay!.
Lasing ako kagabi. Baka...
Sumugod ako sakanya at pinagsusuntok ko ang 6 pack na abs niya. Tsarot."Ano ba!" Sya.
"Anong ginawa mo saakin? May ginawa ka ba sa akin ha? Pervert!!!!! " sigaw ko. Hanggang sa natanggal ang towalya na nakatakip sa ibabang part niya.
"Kyaaa.....!!!!" Sigaw ko naman.
"Hoy.... ang bastos mo!".
Tumalikod siya pati rin ako."Aba'y ako pa talaga ang bastos?Magbihis ka nga! " ako.
"Ikaw pa yung tinulongan ko.tsk" mahinang bulong niya.
"Narinig ko yun!"
Sigaw ko. Tapos pumasok na siya sa kwarto niya at nabihis. Nakahinga naman ako ng matiwasay pero teka... may nangyari kaya? Naku naman reserba lang yun eh. Para kay John lang yun. Kainis.
Umupo na muna ako sa sofa niya. Hawak ko na rin ngayon ang mga gamit ko pati susi ng kotse ko. Tiningnan ko yung relo ko. Walang hiya. 9:56 am na. Masyado na akong late nito.Nung narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya, agad akong tumayo. Nakita niya sigurong hindi na kayang ipinta ng isang bantog na pintor ang mukha ko kaya nagbuntong hinga siya.
"Wala akong masamang ginawa sayo. Hindi kita ginalaw. Ni hindi na nga kita binhisan kahit amoy panis ka.!" Inamoy ko ang sarili ko. Tama nga amoy panis na ako. Kahiya naman.
"Bat dito mo ako dinala? "wala akong matandaan eh.
"Alam ko ba ang bahay mo? Magtatanong sana ako, kaso ang himbing ng tulog mo eh." Sabi niya. I feel relief naman nung marinig ko yun. Buti nalang gentleman siya.
"Salamat pala. Nasungitan pa tuloy kita." Ngumiti ako tapos ngumiti rin siya. Nung maalala niya ang niluto niya, nagmamadali siyang tumakbo sa kusina. Ang ganda ng bahay niya. Kahit maliit ang sala, well-arranged naman. Yung set ng sofa niya ang gaganda. Tapos, may tatlong kwarto. Dun ako sa kabilang kawarto natulog malapit sa kusina.
Ang laki din ng flat screen tv niya. Samsung pa. Yaman bruh. Nakita ko yung mga picture frame na nakapatong sa divider. Ang kyut ng bata. Siguro, siya yan nung bata pa.
Ilang sandali tinawag niya ako. Naglakad ako patungo sa kusina at naabutan ko siyang naghahanda sa hapagkainan."Kain na tayo." Alok niya.
"Wag na kakahiya naman. Aalis na rin ako, kailangan ko pang umuwi eh. Papasok pa ako sa trabaho. " pagtatanggi ko.
"Sayang naman ang niluto ko. Ang sarap na naman." Ay naguilty ako. Ang hirap kasing tanggihan ang kagwapohan niya kaya umupo na lang ako at kumain na.
----
Late akong nakapasok dahil sa nangyari. Ano ba kasi ang naisip ko't naglasing pa kagabi. Sakit pa ng ulo ko.
Buti nalang, pinaghandaan ako ni Andre ng masarap na pagkain.
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...