(Charry's pov)
"Total Sunday naman ngayon, date tayo ha?"
"Oo ba manuod tayo ng sine. Gusto ko yung Rom-com ah?"suggest ko sa kanya habang nakaupo sa tabi niya. Nasa loob kami ng kotse, papunta kami ngayon sa mall at siya ang nagmamaneho.
"Ikaw ang bahala. Baka pag kiligin ka, mag-ala bruce lee ka na na naman." Ganyan ako dati eh. Naalala ko tuloy ang date namin noon. Hahaha.
"Manahimik ka! Ang sama nito. Di naman ganun eh." Nagpaout ako. Tapos kinurot naman niya ang pisngi ko.
"Ang kyut mo. Halikan kita dyan eh." Aakmang hahalikan niya ako.
"Luh! Sa daan ka tumingin. Sapakin kita dyan eh." Natawa naman ako sa expression niya nung tinakliw ko yun mukha niya. Baliw talaga ang taong 'to.
:)
"Gusto mo naman eh, pakipot kapa. Hahaha." Mapang-asar na sabi nya."Heh.!!" Tapos inirapan ko lang siya.
Nakarating na kami sa mall at nasa labas na kami ng sinehan.
Rom-com yun gusto kong panuorin ka ang piniliya ay CAN'T HELP FALLING INLOVE. Bagong palabas ni Kathryn At Daniel.
Bumili sya ng popcorn at drinks tapos pumasok na kami sa gate 2.
Umupo kami sa may dulo ng 2nd row sa kanang bahagi nito.
Punong puno ang sinehan sa mga manunuod.Sa gitna ng panonood namin, nakaradam ako ng pagkalamig. Nakasleeveless pa naman ako. Ang lakas kasi ng aircon eh. Napansin naman ito ni John.
Hinubad niya ang jacket niya at isinuot sa akin."Nakakakilig sila no?" Sabi niya sabay akbay saakin. Napasandal naman ako sa balikat niya.
"Oo nga eh. " nyemas kinilig rin naman ako sayo ah. Haha.
Pagkatapos ng palabas kumain na kami. Pinili niyang sa Greenwich nalang daw kami kakain kasi paborito niya ito.
Habang umoorder si John, naiwan ako dito sa table na pinili niya. Nasa kanag corner kami.
Nahagilap ng mga mata ko si Kate. May bitbit itong mga paper bag na may nakatatak na BABIES STORE. Gamit ng bata for sure.
Papasok rin sya dito kaya nung nag-order siya, naabutan niya si John. At yun nagkita sila. Sa tuwing nakikita kong umaaligid si Kate kay John, nagseselos ako. Parang may mali kasi sa galaw niya.
Nakatayo silang mag-uusap habang nakapila. Tapos tinuro ni John ang pwesto namin.
Lumapit naman sya sa table namin at ngumiting parang nang-aasar. Syempre sino ba nan kasi ang di maasar sa pagmumukha niya."Hi Charry! Makikiupo lang ah?" Ani niya saka umupo sa harap ko. Yung ngiti niyang parang aso, kanina pa talagang nakadikit sa pagmumukha niya. Naman.
Nginitian ko lang din siya. Mayamaya, dumating na si John pati na yung inorder niya kasama ang kay Kate.Akala ko masosolo ko si John. Di naman pala. Date namin to Kate hoy!. Sungot!
"John, bumili na ako ng mga damit ng baby ko oh,." Tapos pinakita niya yung laman ng paper bag. Landi nito. Kaasar!
Halata namang paiwas-iwas si John sa kanya. Kaso laging kapit ng kapit sa braso tong si Kate. Anong akala niya, anino lang ako sa paningin niya? Kung makalandi sa boyfriend ko. Pufff."Aga mo namang namili. Babe, kain ka pa oh." Binaling ni John ang attention niya sa akin. Kumunot naman ang noo ni landi. Haha. Mainggit ka!
"Busog na ako babe. Paubaya nalang natin sa buntis yan. Baka mapaano pa't magutom ang baby nya." Ani sabay kindat kay Kate.
Mamatay ka sa inggit linta. Tsk."Kayo na ulit?" Nagtataka niyang tanong. Tumango lang si John. Bleeh. Akala niya siguro.
"Well." Sabi niya.
"Ahm, John, sa Tuesday may dinner daw sa bahay, paki sabi ng mommy mo." Dagdag pa nya.
Nung tapos na syang kumain. Tumayo na sya."Mauuna na akong uuwi sa inyo. Bye." Kinuha na nya ang mga bag saka naglakad paalis.
Ako naman, tinitigan ko lang si John. Ngumiti lang ito sa akin tapos ninakawan pa ako ng halik. Ang loko."Heh. Ang sweet nyo rin no? Tsss." Pabulong kong sabi sa kanya.
Tapos sinindotsindot niya ako sa tagiliran."Uy,,, may nagseselos. Hahah"
"Ewan ko sayo. " inis kong sabi tapos nag walk out.
*******
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...