FOGETTING MR. EX
Written by: SiMissUglyDuckling/missuglyduckling
Date started: March 2, 2017
Date ended: April 12, 2017Note: Plagiarism is a sin.
-------------------
Dedicated to: IshAngBae
CHARRY
"Ayoko na!!!!!!ayoko na bess. Ang sakit bess alam mo yun? Ang sakit! "
"Bess, wala namang iniwan na nagpaparty. Ano gusto mo? Party tayo? "
"Gaga. Lamay! Lamay ang kailangan ko para sa puso kong patay. Bess, ansakit talaga!"
"Eto!"
Inabot niya sa akin ang kutsilyo.
"Saksak mo yan sa dibdib mo."
Brutal!. Nasaktan na nga ako sasaktan pa niya."Double dead teh???"
"Anong sa tingin mo?" Iyak parin ako ng iyak. Wala namang naitutulong tong si Ishang eh.
Nagmumukha na nga akong basang sisiw dito sa cafeteria. Tapos ito pang si Ishang, napaka brutal."Mahal ko pa siya."
"Mahal??? Akala ko ba nagmumura na ang Ariel? Mahal mo pa? For 5 months? Besssss! 5 months na kayong break!!!"
Sambat ni Bash sa akin na ngayon palang nakabalik matapos siyang nagjejebs."Oo."
"Wake up girl! He's. Not even worth it."
Sabi naman ni Eunice. Galing naman sa banyo, nagreretouch."Yes baby I'm worth it, baby I'm Worth it uhuh I'm Worth it, give it to me I'm worth it." napakanta naman itong si Andria. Pag may kaibigan ka talagang kalog, kalog din ang kalabasan mo.
"Ewan ko sa inyo!... basta ang sakitttt."
"Ewan???? Naka----"
Hindi palang nakatapos sa pagsasalita itong si Bash ay inunahan ko na."Ano? Gagawan mo na naman ng hugot.?" Hugotera eh... Ngumiti at nag peace sign nalang siya.
"Hahaha, kaw kasi." Sabi ni Eunice.
Ilang sandali ay nag bebell na saka naman kami pumasok sa major class namin.
Matapos ng major class namin, naiwan ako sa school. Yung mga kaibigan ko naman umuwi na, kailangan ko pa kasing pumunta sa library para isauli ang aklat na hiniram ko.
Matapos kong isinauli ang aklat pag labas ko, nag kasalubong kami ni John. Napahinto ako at napatitig sa kanya, napatitig din siya sa akin.
Yung puso kong tumitibok ng malakas, ang lakas.
Tapos, umiwas siya ng tingin at dumaan sa tapat ko na parang hangin.
Bigla namang kumirot ang puso ko. Nasaktan talaga ako ng sobra. Kailan ko ba matatanggap na may mahal na siyang iba??? Kailan???
Nagpatuloy narin ako sa paglalakad at umuwi na.
Maaga akong nagising at sinalubong naman ako ng mama kong isang masarap na halik.
"Baby girll.... hmmm"
Bungad ni mama saakin.
"Mama naman! Ginawa mo naman akong bata nito eh...""Pansin ko kasi ang tamlay tamlay mo ngayon. Di ka parin ba naka move on?" Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi ni mama. Seryoso??
"Ma naman. Tigilan mo na nga ako malalate na naman ako nito Lunes pa naman." Sabi ko sakanya.
"Ok, sa kusina lang ako ha? Get ready for school."
Humiga ako ulit. Ipinikit ko ang mga mata ko. Mukha nanaman ni John ang nakikita ko, kaya napagdisesyonan ko nalang na maligo na't magbihis.
Ilang minuto matapos maligo, kumain na ako at pumunta na sa school. Naglakad nalang ako total malapit lang ang bahay namin sa school. Yun nga lang lagi ako la-late after ng break up namin ni John. Tinamad na kasi akong pumasok eh.Nakarating narin ako sa school ng di late. Major class namin ngayon actually, Grade 11 na kami kaya may majors na. Hinintay ko muna ang mga kabarkada ko bago pumasok sa silid. Nilibot libot ko ang aking mga mata at nahagilap nito si John na nasa hallway kausap nito ang girlfriend niya. Masakit. I even saw him kissed that woman. Pity me. I took a tight grip dun sa edge ng inupuan ko. Bat ganito??? We don't Even have unforgettable memories nung kami pa? Bakit ang hirap? Hindi ko namalayan ang pagdating ni Ishang.
"This will help you to move on." Inabot niya saakin ang isang papel.
"SSG of Southeast Academy presents blind date. ?" Basa ko.
"Hindi ko kailangan yan Shang." Dagdag ko pa at ibinalik ko sa kanya ang papel.
"Ikaw bahala. " seryoso niyang sabi. Tapos dumating na naman sina Bash, Eunice, Andria, Luna, at Engiline.
Sabay na kaming pumasok at umupong magkatabi, syempre.Hindi ko binigyan ng pansin ang discussion ni Mrs. Reyes dahil si John lang ang naiisip ko. Ni hindi ko nga napansin na nagbigay na pala ng pasulit si maam kung hindi lang ako siniko ni Eunice aba'y ewan ko.
"Tama na yan. Di ka naman iniisip nun." Saad ni Eunice habang nagsusulat.
Parang nagising ako sa isang panaginip na hindi naman mangyayari. Agad akong kumuha ng papel at nagsimula narin.
Matapos ng morning class namin mag isa lang akong kakain ngayon. Umuwi kasi ang mga barkada ko kaya heto naiwan na naman ako sa canteen, mag isang kumakain. Nakakawalang gana nga minsan eh. Nag titigan lang kami sa pagkain.
Hindi ko napansing may umupo na pala sa harapan ko."Hindi naman siguro bawal umupo dito?" Napatingin ako sa harap. Hindi ko kilala. Mas gwapo parin si John.
"May sinabi ba akong bawal?" Walang gana kong sagot tapos balik tingin sa pagkain ko.
"No wonder mapayat ka. Titigan na pala amg pakain ngayon, di na kinakain."Sabi pa niya habang kumakain na rin. Pakialam niya?
"Sinabi ko bang makialam ka." Alam kong sobrang suplada na ako. Pero ito tayo eh. Nagbabago.
"Hindi. Weird lang. " Sabay smirk. Ibinaling ko ang mga titig ko sa kanya at binigyan siya ng masamang titig. Napalunok naman ito bigla.
"Close tayo?" Medyo may galit na sabi ko. Tapos ibinaba niya ang kutsara niya at inilantad niya sa harap ko ang kamay niya.
"I'm Marco Crocker. Grade 11 din. " ilang minuto kong tinitigan ang kamay niyang naka open sesame. Napataas ang kilay ko.
"Charry. Charry Cruz." Sabi ko sabay tayo at umalis na. It may sounds a little bit suplada, o walang modo, wala na akong pakialam. Lumabas nalang ako sa canteen at iniwan ko sakanya ang mga foods ko. Bahala na siya kung kakainin ba niya o hindi. Hindi ko naman nilagyan ng lason yun eh. At minsan naman kasing nakabuntot sa akin si kamalasan, nakita ko pa talagang nalulunch date sina John at ang girlfriend niya. Nung nakita nila ako, agad akong umiwas ng tingin at naglakad ng patuloy sa ibang daan para di ko sila madadaanan at iisipin lang nila na isa lang akong masamang hangin. Masakit.
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...