6.

1.1K 52 1
                                    

[John's Pov]

Nasa basketball court lang ako buong araw. Hindi ako pumasok sa lahat ng subject ko. Wala ako sa mood ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Si Kate lagi ring nangungulit sa akin, bakit daw ako tahimik. Hindi ko naman siya masisisi kasi alam ko naiilang siya. Matapos sa nangyari doon sa room kasama si Charry, may nagbago. Hindi ko alam kung ANO.

"Pare! Kanina ka pa dyan ah? May problema ka?" Tanong niya saakin at tinapik niya ako sa balikat. Pawis na pawis na ako.

"Hindi ko alam. " sagot ko kay Isaac. Inagaw niya saakin ang bola at inihagis patungo sa ring.

"Pabayaan mo ako Isaac gusto kong mapag-isa. " saad ko sa kanya.

"Sige." Umalis na si Isaac. Nagpatuloy nalang ako sa paglalaro. Hanggang sa lumobog na ang araw. Nagshower narin ako at nagbihis saka lumabas na sa basketball court. Sa labas, may naghintay pala saakin.
Siya.

"Kanina pa kita hinihintay. May gusto lang akong malaman." Ani niya.

"Ano?" Tanong ko sa kanya. Mas matangkad siya. Pareho lang kami, matitipuno ang katawan. Hinahangaan ng mga kababaihan.

"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Napaayos ako sa pagtayo. Alam kong mahal niya rin yon.

"Ba't mo naman na tanong?"

"Ayokong makita siyang nahihirapan, gusto ko siya. I want her.  I want to see her happy. Hindi siya madaling mahalin. Kaya kung hindi na, iwasan mo nalang. Wag mo ng pahirapan."
Naglakad na siya papalayo.

"Marco!" Tawag ko. Huminto siya saglit at lumingon.

"Paano kung mali ka. Paano kung mahal ko pa? " yan lang ang nasabi ko.

"Edi, wag kang gago. Gawin mo ang dapat mong gawin."
Tapos nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Naiwan ako sa labas ng court. Nag-iisip ng malalim. Padilim na at nasa school parin ako. Kaya napagdesisyonan ko na umuwi na.

[Marco's pov]

Dumaan ako sa Jollibee at nag take out ng spaghetti, fries at burger para kay Charry. Alam ko na matakaw siya sa ganito.

"Here's your order sir." Inabot niya na saakin ang paper bag.
Tapos narinig ko pa ang isa na sinabing...

"Ang gwapo niya." Nginitian ko lang sila at umalis na.

Nag taxi lang ako papuntang hospital. Nakarating na ako at agad pumasok sa kwarto ni Charry.

"Ang tagal mo ha?" Bulyaw ni Ishang saakin.

"Wow, si manang, asawa lang ang peg?haha" natatawang sabi ni Bash. Inihampas ko nalang sa mukha ni Bash ang paper bag, pero pabiro lang.

"Para sa amin yan?" Lumapit si Andria sa akin at aakmang kukunin ang pagkain.

"Hoy hindi ah?! Para sa pasyente to." Sabi ko sa kanila at nagsmirk.

"Bawal ang pasyente niyan sabi ni doc." Sabi ni Eunice. Tapos lolokohin lang nila ako? Ganon?

"Heh! Manahimik kayo. "

"Ang damot mo naman." Inirapan lang ako ni Eunice. Natawa naman ako sa kanila. Nilapitan ko si Charry na nakahiga pa sa kama. Sinesemento kasi ang paa niya. Kaya hindi pa siya nakalabas. Inilapag ko sa may table ang pagkaing dala ko at sinunggaban naman nina Ishang, hindi ko namalayan yon. Nag bilis lang eh.
Pinaiwan ko nalang nila ang spaghetti dahil para kay Charry yon. Sinubuan ko siya.

"Salamat Marco ah? Hindi mo naman kailangang gawin to eh." Sabi niya habang nginuyanguya ang pagkaing nasa bibig niya.

"Im happy to serve you. That's it."

"Palawan lang? Hahaha"
tawa niya. Ang cute lang. Ang ganda lang. Kaya nga na love at first sight ako sa kanya. :)

★*****★

Short update.
Sorry for the wrong typos.
Keep on suporting guys.
Labya.

-missuglyduckling.

Forgetting My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon