Nasa mall na kamini Marco. Tinext ko narin lang si mama na matatagalan ako sa pag uwi pati na ang mga kaibigan ko. Sinabi kong may pupuntahan lang ako kaya di ako makakasabay sa kanila sa pag uwi.
"Sa sinehan tayo." Sabi ni Marco. Sa totoo lang di ko alam kung tama ba tong ginagawa kong pakikipagdate sa kanya.
"Sige gusto ko yung Beauty and the beast"
"Type mo rin yan? Ako din eh." Saad niya. Patungo na kami ngayon sa Movie world. Note, nakauniporme pa kami.
Habang nagbayad pa si Marco sa counter, naghintay lang akodito sa bench na nasa harap ng counter area. Nagitla ako nang may sumindot sa tagiliran ko."Hulika! Akala ko ba, MAY DADAANAN KALANG? Nag dadate kalang pala . " nakangiting sabi ni Eunice sa akin. At ako naman, nakanganga, patay na this.
"Hah? Eh friendly lang. " i tried to explain tapos inakbayan niya ako.
"Ok lang yun besss, move on nga tayo diba? Isa pa ang gwapo niya...." pang aasar niya habang nakatingin naman kay Marco na paparating na at may dalang isang bowl na popcorn at drinks, at sa bibig naman naka kagat ang ticket. Ang cute lang.
"Tulungan mo kaya bess." Suggest ni Eunice. Agad naman akong sumugod kay Marco at tinulongan siya. Tapos bumalik na kami sa pwesto ni Eunice. Yung mukha ni Eunice talaga, nang aasar. Asar!.
"Sama ako sa inyo, i have ticket too. Tara?"
Sumunod nalang kami sa kanya papunta sa loob ng sinehan.
"Eunice , dun ka sa kabila ako ang tatabi kay Charry " Kanina pa talaga nag babangayan ang dalawang yan.
"Aysus, alam ko namang type mo si Charry Marco eh ."wow close sila?
"Tseeehh. Tabi.."
"Oo na kamahalan ayan na po. Aalis na po, di lang makapag hintay???"
"Tumahimik nga kayo, mag sisimula na yung palabas nag cocomercial naman kayo dyan. "
"Sya kasi..." bulong ni Marco at narinig naman ito ni Eunice kaya tiningnan lang ito ng masama.
Bigla namang nagring ang cellphone ni Eunice."Eunice , cellphone mo pansinin mo naman " iritang sabi ni Marco
kay Eunice . Agad namang dinampot ni Eunice ang nag iingay niyang cellphone at nagmamadaling lumabas sa sinehan."Anong nangyari dun??"
"Bayaan mo na yun, baka importante yun." Sagot ko kay Marco at tinutuon ko nalang sa screen ang mga mata ko.
Sa kalagitnaan ng palabas ay dumating narin sawakas si Eunice . Samantalang si Marco ay busy sa kaka panood.
After a few minutes natapos narin ang palabas kaya kumain na muna kami. Nakapila ako ngayon sa jollibee para mag order samantalang yung dalawa ay naghahanap pa ng mauupoan namin. Sandya lang sigurong mabilis ang mata ko kaya napalingon ako sa taong dumaan sa tapat ko. Hindi ba ako nagkakamali??? Si John ba yun?? Aishh. Medyo nakalayu na sa pwesto ko kaya di ko nalang pinansin.
"May i take your order maam??"
"Dalawang french fries, tatlong burger at coke tapos 3 spaghetti "
"2 french fries, 3 burger and coke and 3 spaghetti right away maam please wait for 5 minutes"
Sabi ng babae. Tapos nun hinanap ko na sina Eunice. Dami namang tao dito haist. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Sa kakahanap ko sa dalawa may nabunggo tuloy ako.
"Sorry di ko--" napahinto ako. Mas lalo siyang gumagwapo. Bigla namang kumirot ang dibdib ko nang may nagsalita sa likuran niya.
"Babe are you ok?" Nangangalay bigla ang mga tuhod ko. Ngumiti nalang akong mapait at umalis na sa harapan nila.
"Charry .." mahinang tawag niya at tuloyan na akong nakalayo sa kanya hindi rin naman niya ako hinabol.
"Charry !!!! Dito!"
Agad akong lumapit sa table ng dalawa at umupo. Hindi umimik, at nag iisip ng malalim. Hahaha. Napa ngiti nalang ako. Ang daya daya talaga ng panahon no? Buti pa siguro yung taong yun move on na sa akin pero ako eto nag paka bitter pa sakanya. Umasa pang babalikan pa. Nagtangatangahan. Nagmanhidmanhidan.
"Cha are you okey???"
"Hah.? Ah eh oo.." sagot ko kay Eunice.
"Si Marco?" Tanong ko.
"Nasa bathroom, najejebs daw. Siya nga pala, aalis na ako ha? Nagtetext si mommy, may dinner gathering daw kami sa bahay ng lola namin."
"Ok. " matamlay kong sagot. Umalis na si Eunice at naiwan ako sa table na mag iisa. Antagal naman ni Marco. Tsk. Mas nainis ako lalo sa number na nakapaong sa table namin. Number 7??? Date namin yan, eh. Tssss.
"Mukha kang pato dyan. " inirapan ko lang ang gwapo niyang mukha.
"Ang kyut lang." I rolled my eyes. Kyut daw. Tsk. Tagal naman ng pagkain.
Ilang sandali lang sa wakas ay dumating narin at nagtaka pa si Marco bat ang dami ko daw'ng inorder.
"Sayo lahat yan?" Di ba obvious?
"Kumain ka nalang dyan, gutom ako eh." Sinunggaban ko ang spaghetti ng bonggang bongga. Sa pagkain ko nalang ibubuhos ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.
"Chill lang Cha. Hahaha parang kang baboy dyan. Aasahan kong tataba ka ha?" Nag asar pa talaga.
"Tsumhahimhik kha ngha dshaann!!!" Pilit kong magsalita kahit punong puno na ang bibig ko sa pagkain.
Si Marco naman tawa lang ng tawa sa akin. Pinictsuran pa nga ako eh. Kainis naman. Iwan ko ba, parang gumaan ang loob ko sa kanya.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko na kanina pa nagvivibrate.From Ishang:
Enjoy bess. Hahaha
Lovelots.Nilibot ko agad ang paningin ko baka nasa tabi tabi lang si Ishang. Wala naman akong nakita. Matao naman kasi.
"Sino hinahanap mo?"
"Wala." Sagot ko and i continued eating.
*************
Oopppps.
Sorry guys very short update lang talaga ito.
Read read and vote. Thank you.
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...