16. Parang wala lang

1K 61 3
                                    

Nagbihis na ako at bumaba na sa sala. Tapos narin akong kumain ng agahan. Papasok na ako sa opisina. Magkakaharap na naman kami ng taong mahal ko na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako. Kakahinayang lang.
Naglog-in na ako saka umakyat sa 3rd floor. Nasa 3rd floor kasi ang opisina ko kasama narin ang opisina ng CEO.
Nung maalala ko ang kahapon sa kasal nilapitan ko ang assistant ko.

"Jessica!"

"Yes maam?" Sya.

"Have you meantioned about kasal kahapon?" I asked.

"Ay maam oo po. Nung inabot ko ni Mr. Aquino ang report tungkol sa travel's expenses nung unang araw. Nag tanong kasi kung bakit wala kayo. " explain niya.

"Ah okay." Pagkatapos pumasok na ako. May sarili kasi akong kwarto dito. Hindi para tulugan kundi sariling opisina ko.

Sa may table, nakalapag ng maayos ang REPORT NG TRAVEL nuong isang araw. Kailangan ko pa palang pirmahan ito bago ipasa kay John.
Pinermahan ko na ito at lumabas. Hinanap ko si Jessica pero wala siya sa table niya. Asan nayun? Wag mong sabihing ako ang maghahatid nito? hmmmp.
Wala akong nagawa, wala naman akong ibang makiusapan nito. Busy ang lahat. At hindi ko rin napansin  na nasa tapat ng pintuan na pala ako dinala ng mga may utak na paa ko.
Kumatok nalang ako.
Tatlong beses akong kumatok bago ako pinagbuksan ng assistant niya.

"Good morning po maam." Bati sa akin ng assistant niya. Huminga akong malalim saka tumayo sa harap niya. He was busy with his stuffs. Well, ganyan siya ka over hardworking sa trabaho eh.

"Eheem." I fake a cough.
Tumingala siya at nung makita niya ako, isinantabi niya ang mga yun.

"Here's the report about the travel. " inabot ko ito.

"Thank you Ms. Cruz." Formal. Formal nga diba? Ganyan siya ka pormal.

Tumalikod na ako't naglakad. Ano ba? Bat nasaktan ako? Parang yun lang??
Kahapon nga lang habol ng habol siya sa akin. Sabi pa nga niya AKO PA DIN. Bakit parang wala lang sa kanya? May mali naman sa akin eh. Dahil umaasa at naghintay pa ako. Kasi nagbaba sakaling, AKO PA.

Nagdaan ang buong araw. Late na akong nakalabas sa opisina sa dami ng kailangang tapusin. I even skipped my dinner. Kaw ba naman kasing walang taong magpapaalala sayong DINNER TIME NA.

Nasa loob ng  kotse ako ngayon. May babaeng buntis ang dumaan sa tapat ng kotse ko. Kilala ko siya. Ilang sandali isang lalaki naman. Mas lalong kilala ko. Sino pa ba? Si Kate lang naman at John. Ayan na naman. Umiyak na naman ako. Ang sakit kasi sobra.Gusto ko mang humagogol sa harap ni Marco kaya lang nasa Italy siya for their honeymoon.  O di kaya sa mga friends ko, kaya lang ang layo nila. Busy narin. Pumasok na sila sa kotse. Nasa front seat si Kate, syempre katabi ng asawa niya. Baka magmukhang driver lang si John. Ako naman, pinagmasdan ko lang sila at hinayaan wasakin ang wasak kong puso. Durog na durog na talaga. Hanggang sa umalis na sila. Napayuko ako. Ano bang kailangan kong gawin para mawala siya sa isip ko? Arggghhh.

Hindi na muna ako umuwi. Dumaan ako sa Alliance bar at uminom. Hindi naman siya masyadong malayo sa building ng condo ko.

"One tequila please." Order ko. And there, ininom ko na parang tubig lang. Naramdam ko ang pag aapoy ang  katawan ko. Shit, di pa naman ako sanay sa mga hard drinks.Beer lang ang alam ko.
Nakalimang tequila pa lamang ako, nakaramdam na ako ng pagkahilo. Sumakit lalo ang ulo ko. Binuhos ko sa alak ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
There was a loud music. Wild and drunk people. Kahit medyo lasing na ako, pinigilan ko talaga ang sarili ko na wag sumayaw doon sa dance floor. Baka mag sexy dance pa ako. Mabastos lang.
Uminom lang ako ng uminom. Sa sobrang kalasingan ko, na out balance ako. Buti nalang may sumalo.

"You shouldn't have drink alone." Sabi niya at inayos ako sa pag upo.

"Anong pakialam mo?."

"Ang sungit mo naman. Halikan kita dyan eh." Aakmang hahalik ito kaya umiwas ako.

"Over my drunk body!" Hiyaw ko.
I was so totally drunk. Tapos inagaw niya sa akin ang tequilang iinomin ko na sana.

"Stop it. Lasing ka na. Baka marape ka pa dito." Inagaw ko parin ito sa kanya kaya lang ininom niya ito. Fudge. He'll pay for that.

"Stop bothering me. You're just a stranger not my friend! I don't even know you at all." Pagsusungit ko. Tinawanan lang ako ng gago.
Gwapo pa naman.

"Hahaha. Look at yourself. Wasted. Ako lang naman ang may-ari ng bar na 'to." So? Anong paki ko.

"The hell i care. Kuya, isa pa nga!". Tapos inagaw na naman niya ang kasunod na inorder ko. Kaasar!
Inagaw ko talaga sa kanya yun kaya lang nadaganan ko siya at pareho kaming napatumba. Tapos nahalikan ko siya accidentally. Waahhh.
Nakapatong ako sa katawan niya. Dahil walang pake ang mga tao sa loob ng bar, walang nakikiusyoso pa sa amin.
Ilang segundo pa bago ako tumayo. Nakakahiya naman.

"Arghh. Kainis naman." Bilis akong tumayo at namagpag. Kinuha ko yung bag at umalis. Siya naman tumayo narin. Para akong nag tsunami walk sa sobrang kalasingan ko. Nung naramdaman kung umakyat patungo sa bibig ko ang lahat ng laman ng tiyan ko, tumabi na muna ako at sumuka sa pader malapit sa lugar kong saan ko pinarking ang sasakyan ko. Pag uuwi akong lasing at magmamaneho, malamang sa ospital ang pupuntahan ko.
Sumandal na muna ako sa pader. Nanghihina kasi ang buong katawan ko. Juice ko po, baka marape ako nito. Ayan kasi uminom pa, para namang expert.

"See i told you, you shouldn't have drink alone. Para kang walang pagmamay-ari dyan." He said while smiled at me gently.
Siya na naman. Sino pa edi yong lalaki kanina.

"Have i said to you to mind your own business?"

"Ang maldita mo talaga." Tapos lumapit siya sa akin at binuhat ako.

"Ano ba! kaya kong maglakad." Sigaw ko. Pero hindi siya nakinig.

"Ows? Yung tsunami walk mo? Hahaha" tumawa pa siya ng malakas at buhat-buhat pa niya ako.

"Shut up!"
Tsunami walk talaga. Parang ganon na nga. Hindi naman ako maglalasing kung hindi lang akonasaktan ng todo eh.
Hindi ko rin alam kung bakit natuntun niya ang sasakyan ko. Stalker?
Tsk.

(Andre's pov)

As i hunged up the phone call galing kay mommy, lumabas na ako sa kotse. Then a gergous girl caught my attention.
Papasok rin ito sa bar na pupuntahan ko. Of course i was the owner of this bar.

Nasa 2nd floor lang ako ng bar. Which is the v.i.p.  Tanaw ko siya hanggang dito. Why do i become interested of this woman? Ngayon ko lang siyang nakita dito. Naka apat na tequila na siya at lasing na siya. She's not an expert. Halata naman.
Bumaba ako at nilapitan siya kaya lang bigla siyang na out of balance buti nalang ay nasalo ko siya. Nakahawak ako ngayon sa braso niya.

" You shouldn't have drink alone. " sabi ko habang inalalayan siya sa pag upo.

"Anong pakialam mo?"sya. Amoy na amoy ko pa ang flavor ng alak na inom niya.

"Ang sungit mo naman. Halikan kita dyan eh."

"Over my drunk body."

"Stop it lasing kana. baka marape ka pa dito." Tapos inagaw ko sa  kanya ang tequila at inom ko. Pati narin ang kasunod.

"Stop bothering me. You're just a stranger not my friend! I don't even know you at all."sya

"Hahaha. Look at yourself. Wasted. Ako lang naman ang may-ari ng bar na 'to." Sabi ko.

"The hell i care. Kuya, isa pa nga!" inagaw ko sa kanya ang alak kaya lang nadagan niya ako't napatumba. Nahalikan pa. Shemay. Ang init mga labi niya. Ang lambot.
Ilang sandali tumayo siya at nagmamadaling umalis.
Sinundan ko naman ito. Baka ano pang mangyari sa kanya. Ewan ko ba kung bakit magaan ang loob ko sa kanya.

*****

Please..... vote.... thank you... :) :*

Hugs and kisses galing sa mayward.

Forgetting My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon