Kinabukasan.
Maaga akong gumising dahil may kailangan pa akong puntahan bago pumasok sa kwelahan. 6:30 palang ng umaga, nakalabas na ako ng bahay.
Matapos kong pumunta doon, sumakay na ako ng jeep papuntang eskwelahan dahil medyo malayayo narin ito.Inis akong nakatingin sa mag syotang nasaharapan ko. Pano ba naman kasi kulang nalang ay langgamin na sa sobrang sweet. Di ba nila alam na pinagtitinginan na sila ng ibang pasahero dito sa jeep. Sus, balang araw mag hihiwalay din yan, wala ngang forever eh. Ipagsapilitan paba talaga???
"Babe,, saan tayo kakain???"
"Jolibee nalang babe.. "
"Sige babe,, i love you so much"
"I love you too babe,i love you forever ""Tumahimik nga kayo dyan?? Maghihiwalay din kayo , wag masyadong kampanti sa FOREVERRRR!!!"
Di na kasi ako nakapagtimpi eh. Kaya ayun umosok ang ulo ko. Yung mga pasahero sa loob ng jeep, nagulat sa pagsigaw ko.
Pati yung dalawa ang sama ng tingin saakin, duh who cares..
"Tumahimik ka rin wag kang BITTER!!!"
"TSEEE!!! D AKO BITTER! MANONG PARA HO. BABABA AKO, BAKA MAPATAY KO PA TONG MGA TO!!!!"
Humintu ang jeep mismo sa tapat ng school ko. Bago man ako makababa sa jeep binigyan ko muna ng pamatay-look ang babaeng yun. Bitter ba ako??? Di naman ah.
Ayoko lang talagang maraming maloko sa forever na yan. Duh, pag ayaw nilang makinig, bakit ko pa ba sila pipilitin bahala na sila. Tsssk..
Inis akong pumasok sa klase ko. Di na talaga maiipinta ang pagmumukha ko.
"Girl, what happen to you??? Ang aga aga sira na yang face mo.."
Sabi sa akin ng kaibigan kong si Andria. Wow ang aga lang.
" Nainis lang ako sa mga tao sa paligid ko, walang ibang bukambibig kundi forever.. " pagkasabi ko non bigla namang napatawa si Andria .
"Hahaha friend, hayaan mo na yun,"
"Anong hayaan? Ang aga aga forever agad ang maririnig mo, di ba nakakainis yun!!"
Call me bitter right now and i dont care. Hindi naman ako ganito dati eh. Ako pa nga ang President ng Forever club.
"Bahala ka nga, siya nga pala maiwan na kita may Computer class pa ako, see yah!" Nagbabay na saakin si Andria habang papalayo ito sa kinaroroonan ko. Oo nga pala magkaiba pala ang schedule namin ngayon. Tumayo narin ako para papasok na sa susunod kong klase.
Several hours passed.
"Fish ball saakin manong.." si Manong Jun, nagtitinda siya ng fishball at kwek kwek, suki niya ako eh. Nung first year pa ako lagi akong nakatambay dito kaya pinagkamalan na kaming mag ama. Hahaha.
"Manong Jun, dinalaw ka na naman ng anak mong matakaw sa fish ball hahaha."
Sigaw ni kuya Lester, Grade 12 student siya, mas matanda saakin, President din ng Glee club . Dito din siya school nato,Southeast Academy, nag aaral, .
"Tsee, manahimik ka kuya Les, nagugutom lang naman ako."
"Haha mga batang ito, ang kukulit, ito na ang fish ball mo Charry "inabot na ni Manong Jun sa aking fish ball. At si Kuya Lester naman ay nagmamadaling umalis may date pa daw sila ng girlfriend niya, chosss, si Kuya umaasa sa forever.
Naisipan kong mag tambay na muna ako dito kay Manong Jun, total masyadong maaga pa.
"Manong, kumusta na po ba ang anak niyo?"
"Ayun sa bahay, nag aalaga sa anak niya, nabuntis eh."
"Hoo???" Nagulat ako sa sinabi ni Manong. Ang pagkakaalam ko kasi masyadong tahimik at mahinhin itong si Celin, anak ni Manong Jun. Minsan kasi sumasama siya kay Manong Jun sa pagtitinda kaya nakilala ko siya.
"Ang masakit pa dun, tinakasan siya ng syota niya, yun kasi ang naka buntis sa kanya,," huminga muna ng malalim si Manong Jun saka ito nag patuloy.
"Kaya ikaw Charry , dapat maging maingat ka, kasi ang mga lalaki ngayon di na tulad ng dati, yun mamahalin ka at di ka iiwan kahit ano mang mangyari di tulad ngayon, sasabihan ka lang ng mahal kita at di kita iiwan, bukas na bukas ay kakainin lang nila yan." Nalungkot ako sa sinabi ni Manong. Isa ako sa mga taong naloko at naiwan. Parang gusto kong umiyak sa sinabi ni Manong dahil kahit ngayon ay di ko parin makalimutan ang pait na karanasan ko noon. Binigay mo na nga ang lahat lahat. Minahal mo naman ng sobra sobra, Nagawa ka pang iwan.
"Ah Manong mauna na po ako,"
"Sige mag ingat ka Charry ." SAbi ni manong at iniwan ko na siya sa cart niya. Hindi ko nalang napansin ang pag agos ng luha ko habang naglalakad ako pauwi at kumakain ako ng fish ball.
"Ito oh"
Biglang may nag abot saakin ng panyo. Nilingon ko naman ito, oww siya pala.
"Salamat, " si Marco.
"BAkit ka ba umiiyak?? Masyado bang maanghang ang sauce ng kinain mong fishball??'
"Ha? Ahh oo ang anghang nga hoooo...." nagkunwaRi akong may maanghang sa bibig ko. buti nalang binigyan niya ako ng idea. Para naman isipin niyang dahil dito kaya ako umiyak. Alangan namang sabihin ko pang, uyyy di pa ako move on sa ex ko kahit 5 months na kaming hiwalay... baka sabihin pa niyang lakas tama ako sa ex bf ko. Grrrr.
"Tara na."
"Saan? " tanong ko sa kanya.
"Sa date natin. Nakalimotan mo ata. " ay shemaay. Oo, nakalimutan ko.
"Hindi ah." Pagkukunwari ko.
"Tara na." Sabi niya tapos hinawakan niya ang kamay ko. Nabigla naman ako. Tapos bigla niyang hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko.
Pagtingin ko sa may unahan namin, si John, kasama si Kate. Ouch."Tingin ka lang sa daan wag sa mga taong dadaanan natin". Sabi niya. Alam kaya niya???. Alam kaya niyang ex ko si John at di pa ako over sa kanya???
Naglakad kaming magkahawak ang mga kamay namin. At yun nga dumaan kami sa tapat nina John at Kate na nasa kwekkwekan ni Mang Jun.
Hindi ko alam kung tumingin ba siya sa amin. Hindi ko alam na nagseselos ba siya. Sana nga.***********
Haiiiiiiiiiiiiiiiii.......
Mayward fan here.
IshAngBae sogod na besss. :D
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...