7.

1.3K 59 2
                                    

[Charry's pov]

I don't wanna lose you now,
I'm looking right at the other half of me,
The vacancy that sat on my heart is a space that now you hold,
Show me how to fight for now,
And i tell you baby it was easy......

KAKALIMUTAN KO NA BA?
Gusto ko ng itigil ang kahibangan ko. Di bale ng mahal ko pa, hindi naman siya masaya hanggat nandyan ako. Ayoko na ring magmukhang kawawa.
ayoko na.

Nakalabas na akosa hospital. At kasama ko ngayon si Marco sa pag uwi dahil busy daw si mama. Naging ok na naman yung paa ko at maayos na akong maglakad. Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ng mesang puno ng pagkain.

"Welcome home baby. " salubong ni mama saakin.

Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. Nandito rin sa bahay sina Ishang at kaya naman pala si Marco ang naghatid saakin pauwi. May hinanda pala si mama saakin.

"Salamat sa inyo" masaya kong sabi sa kanila.

It's so good to have a friend like them. At isa pa, si Marco, malaking naiambag niya sa buhay ko. Pinapasaya niya ako.

Kumain na kami matapos ng welcome2x thingy kanina. Yung bahay naming tahimik, ay sa wakas nagkaroon na rin ng buhay. Nagkantahan din sina Andria, kasama ang boyfriend niyang si Raymond.
Kain dito, kanta doon at chika dyan. Masaya ako ngayon. Masayang masaya.

Habang nasa sala sina Andria, Raymond, Bash, Eunice, at Engiline, at sina Mama, Marco, Ishang,Lunabie, pumunta na muna ako sa bakuran nin, nagpapahangin.
Tumingala ako sa langit, ang daming bituin. Ang kikinang.  Ang laki laki ng buwan. Ang sarap ng simoy ng hangin.
Mayamaya, nagriring ang cellphone ko. Dinampot ko agad ito at tiningnan kung sino.
Si John.
Sinagot ko naman ito baka importante lang.

"Hello?"

"Im sorry for everything. "
Sabi ng boses na nasa kabilang linya.

"Lasing ka. "Sita ko sa kanya. Alam ko ang boses niya pag lasing.

"Kahit lasing ako, alam ko kung ano ang mga sinasabi ko. Mahal kita sana mapatawad mo ko." Natahimik ako bigla sa sinabi niya.

"Lasing ka kaya nasabi mo yan. Wag mo na kasing lokohin ang sarili mo. Mahal mo si Kate at hindi ako." Narinig ko pa ang paghikbi niya sa kabilang linya. Umiiyak siya. Gusto ko mang maniwala, kaso natatakot ako. Ayoko na ngang umasa eh.

"Charry, mahal kita. Ikaw ang mahal ko. Yun nga ang totoo. Ayoko ng lokohin ang sarili ko. " hamagolgol ito. Naguguluhan na ako sobra. Nag isip muna ako bago nagsalita.

"Mahal naman kita John eh. Mahal na mahal. Kung mahal mo ko, edi balikan mo ko." Hindi ko alam kong tama ba ang desisyon ko. Baka naman kasi nabigla lang siya kaya niya ito nasabi. O baka nadala lang sa kalasingan.

"Sige, babalik ako. Tandaan mo yan. Babalikan kita. " mahina niyang sabi.

"I love you" yan ang huling sinabi niya bago ito naputol. Ibinaba ko na ang cellphone ko.
Tumingala ulit ako sa langit. Pinagmasdan ko ang butuin, at biglang may shooting star na dumaan. Pinikit ko ang mga mata ko at nagwish.
Sana nga.

Bumalik na ako sa loob at nakipagkwentohan kina Ishang. Hindi ako nagpapahalata na hindi ako ok.

Nagkwentohan kami. Tawananat kulitan. Iksaktong alas 10, nagpaalam na silang lahat at umuwi na. Si Mama naman naaliw sa kakausap kay Marco. Sabi pa nga niya sana si Marco na ang mapapangasawa ko. Pero bet niya rin si John. Ano ba talaga ma?

Nagpahinga narin ako matapos naming linisin ang mga kalat namin. Naalala ko na naman si John at ang kanyang mga sinabi saakin. Maniniwala pa ba ako? Aasa na naman? Sinasaktan ko lang talaga ang sarili ko. Haist. Nagfafacebook ako bago matulog at olang oras lang,
nakatulog naman ako bigla sa sobrang pagod.

Forgetting My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon