(Charry's pov)
Mag-isa akong uuwi ngayon kasi nasa meeting pa si John at ayaw na nyang magpahintay.
Bumaba na ako sa groundfloor. Nandun kasi ang parking lot.
Nasa elevator palang ako, kinabahan ako bigla. Iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang may something na hindi ko maexplain. Baka wala lang to.
Kinuha ko na ang susi ng kotse habang naglalakad palang ako patungo sa kotse ko.
Naramdaman kong may taong nakasunod sa likuran ko.
Mas binilisan ko pa ang paglakad. Medyo nahirapan ako sa pag lakad dahil naka heels ako. Habang binilisan ko ang paglalakad, pabilis rin ng pabilis ang pagsunod ng taong yun. Goash baka marape ako. pasimple kong dinampot ang cellphone ko na nasa bag. Shit. Naka skirt pa naman ang lola nyo. Hindi na ako nag-atubiling lumingon pa inihanda ko na ang susi nung natatanaw ko na ang kotse ko.
Nung nasa tapat na ako ng kotse ko, nagmamadali akong buksan to at tinawagan si John kasi baka ano pang mangyari saakin kaya lang biglang may tumakip sa bibig ko gamit ang panyo at parang may amoy na nakakahilo. Nagpupumiglas ako. At saka nabitawan ko ang susi at cellphone ko. Kaya lang nanghihina na agad ako. Hindi ako makasigaw. Hanggang sa nagblu-blur na yung paningin ko at nawalan na ako ng malay.(John's pov)
1 miscall galing kay Charry.
Tinawagan ko siya pabalik ngunit out of coverage area na to. Asan kaya yun? Parang may mali eh.Nasa parking lot na ako ngayon. Papasok na sana ako sa kotse ko kaya lang napansin ko ang isang kotseng nakapark sa may kabilang lane. Kay Charry yun. Kanina pa yun umuuwi ah? Nagtatakang nilapitan ko ito, at nakita ko sa sahig ang cellphone nya at susi ng kotse. Dun na ako nakaramdam ng matinding kaba. Agad kong nilinga linga ang sarili ko at nakita kung may cctv dito. Kaya agad akong bumalik sa opisina para tingnan kung ano ang nangyari. Pagtingin ko, Nanlaki ang mga mata ko. Shit. MAY KUMIDNAP sa kanya. At alam ko na kung sino ang may pakana nito. Isa lang naman ang kilala kong may galit sa kanya.
(Charry's pov)
Nakaupo ako ngayon sa gitna ng isang bakanteng kwarto habang nakatali ng mahigpit sa kinauupoan ko. Nakapusas ang mga kamay ko. Hindi ko maigalawa ang katawan ko pati narin ang mga paa ko. Nalalasahan ko ang dugo na nasa labi ko.
Tapos ibinaling ko ang mga tingin sa kanya. Galit na galit sya.
"Bakit?"
"Ano ba ang kasalan ko sayo?"
Dagdag ko...Nasa isang kwarto ako ngayon at tanging ilaw lang na nasa taas ko ang nagbibigay liwanag sa kwarto.
"Marami. Napakarami."
Malamig na sabi nya.Seryoso ang mukha niya habang paikot ikot sa akin at may bitbit itong kutsilyo. May taong nakatayo malapit sa pintuan at nagbabantay. Siguro yun din ang taong dumukot sa akin.
"Ano bang ginawa ko't ikinagalit mo?"
Sa boses kopa lang, halatang halata ang takot na naramdaman ko."Hindi ka kasi mawala wala sa mundong to. Nang dahil sayo, iniwan ako ni John sa ere!" Galit na sabi nya at may sabay napagtirik ng mga mata niya. Nakakatakot sya. Dyos ko po.
"Sa tingin mo ba mamahalin ka nya sakaling mawala ako? Kate?"
"Oo! Oo! Hindi lang naman sana magbabago ang isip nya kung hindi mo sya nilalandi noon!" Sa ngayon, galit na galit na talaga sya.
Fudge. Naiwan ko pa ang cellphone ko. Sana naman ay may makahanap sa akin.
"Talaga lang? Bakit hindi mo na gawin ngayon? Nang malaman nating, sino ang pipiliin nya sa kabila ng lahat? " paghahamon ko. Nagtapangtapangan ako sa harapan nya. Alam ko anytime mapapatay nya ako.
"Fuck!! Shut your fucking mouth!" Pagmumura nya. Sa sobrang galit nya, biglang sumakit ang tyan nya. Oo nga pala buntis sya.
Agad namang sumugod sa kanya ang lalaki at inalalayan sya kaya lang itinakwil nya ito.
Hah! Sya pa nga yung tinulungan sya pa ang nagmamaldita."Ahhhh.." nasaktan na talaga sya ng sobra.
"Pakawalan mo ko dito. Dadalhin kita sa hospital. Kailangan mo ng doc---"
Natigilan ako pati narin ang lalaki kanina."DUGO? " napahawak siya sa hita niya. May dugo.
"Kate. Ang daming dugo."
"Maam, sandali lang, tatawagan ko mommy nyo." Sabi ng lalaki at nagmamadali syang nagdial.
"Kate, maawa ka sa sarili mo. Pakawalan mo ko. Kailangan mo ng tulong" sabi ko. Pero bigla itong nagalit. At sumugod sa akin.
"At kailangan ko ring mamatay!" Nakasakay siya sa akin ngayon. Dahil sa higpit ng pagkatali, hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko.
Tapos inangat nya ang dalawa nyang kamay na may hawak na kutsilyo saka niya ito ibinaon sa balikat ko."Ahhhh..... Kate! Tama na."napasigaw ako sa sakit.
Ang sakit talaga. Ang sakit.
"Mamatay ka!"
Pangalawang baon, sa kabilang balikat ko na naman. Marami ng dugo ang lumabas sa katawan ko. Naliligo na ako sa sariling dugo ko.
Tapos narinig ko ang sigaw at putok ng isang baril galing sa labas. Saka bumaladra ang isang duguang lalaki.
"Henry? " sumigaw si Kate nung makita niya ito at gayon man, nakapatong parin sya sa may lap ko. Galit na galit nyang isinaksak ng tuluyan ang ang kutsilyo sa dibdib ko.
"Wag!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki tapos binaril si Kate.
Isang ngiti ng isang mapaghiganti na tao ang nakita ko sa mukha ni Kate. Nabitawan nya ang hawak nyang kutsilyo bago man ito bumagsak sa sahig. Natamaan siya sa dibdib.
Naghahalo ang mga dugo namin.
Ito na ba ang katapusan ko?
Nanghihina na ang katawan ko. Nanlalabo na ang paningin ko. Nakikita ko rin ang pag agos ng dugo ko sa dibdib.Tapos biglang nag flashback lahat ng mga magagandang memorya ko. Sa pamilya sa kaibigan at higit sa lahat sa taong mahal na mahal ko.
Huling nakita ko, ang mukha ng taong mahal ko na nag-alala habang tumatakbo papunta sa kinaroonan ko.
May luha.
Lungkot sa mga labi.
Pait at sakit sa mga mata.Saka umikot ang paningin ko at unti unti ako nawalan ako ng malay.
******
Walang utak ko tong sinulat iwan ko ba bakit ito yun naisulat ko. Hahaha vote at comment nalang kayo.
Share nyo lang din pag gusto nyo.
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...