12.

1K 49 1
                                    

(John's pov)

Padabog kung isinara ang pintuan at lahat sila nakatingin sa akin. May galit sa mga mata nila. Lalo na sa kanya.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanila na nakapamulsa.
Unang lumapit sa akin, ay siya.

*buggsh*

Sinuntok niya ako sa mukha. Hindi nalang ako pumatol sa kanya, kahit papano, ama ko parin siya.

"Tama na Franco! " sita ni mama sa kanya.

"Ako ang ama kaya ako ang magdidisiplina sa kanya!" Galit nitong sagot kay mama. Tapos itinakwil niya ang kamay ni mama na nakahawak sa kanang braso nito.

"Maaa..." agad sumugod si Kuya kay mama. Siya ang nakakatandang kapatid ko. Nilingon ko ang babaeng kanina pa nakaupo sa may sofa namin, katabi nito ang nagiisang anak niya. Dumating na pala siya.

"Wala kang kwenta!." Patuloy parin ang pagsapak ni papa sa mukha ko. Pumuputok na ang mga labi ko. Hinayaan ko lang siya.
Total ikinasasaya niya naman.

"pa, enough!" Sigaw ni kuya sabay sapak sa kanya. Napatumba naman si papa at tinulongan ako ni kuya na makatayo.
Susuntukin na sana ni papa si kuya kaya lang natigilan ito nang magsalita si kuya.

"Sige! Ganito ba ang turing mo sa mga anak mo? Ginagawa mong punching bag? Pa naman, kung nababahala ka companya natin, mawalang galang na ho." Sabi niya at tiningnan niya sina Kate at ang mama nito. Oo andito sila ngayon sa bahay namin.

"Sa tingin mo, pagkinasal sila, hindi na tayo mababaon sa utang?"
Tumayo ang mama ni Kate, at lumapit ito kay Kuya.

"Bakit may paraan pa ba.?" Nakapamaywang na sabi niya.

"Meron pa. Kung ano man yun, usapang pamilya na yun." Sagot ni Kuya. Nginitian lang si Kuya at kinuha na niya ang bag tapos umalis na siya bitbit si Kate na kanina pa walang imik.
Pinahid ko ang dugo sa labi ko. Tiningnan ko lang si Papa. Galit parin ito. Samantalang si Mama naman, iyak ng iyak. Kinuom ko yung kamao ko na kanina pa gustong idampi sa pagmumukha ni Papa, ngunit napag pasya ko nalang na umakyat na sa kwarto ko.

(Charry's pov)

Alas kwatro na ng hapon, nasa higaan parin ako. Ayokong bumangon, ayokong kumain. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Nag alala ako. Kanino? Kay John. Sa mga sinasabi sa akin ni Ishang, alam kung may malaking ibig sabihin yun. Ano ba ang kailangan kong malaman tungkol sa kanila ni Kate?

"Arggggh" ginulo-gulo ko nalang ang buhok ko at isinubsob ang mukha sa unan.

"Paano kung iiwanan na naman ako ni John?" Tanong ko sa sarili ko. Nakakabaliw naman. Kinuha ko ang celpon ko. Itetext ko siya kung kumusta na siya.

To: John

Hey.

Sent.

Ilang sandali nag beep ang celpon at gaya ng inaasahan ko, galing ito sa kanya.

From:  John

Hey.. kumusta ka? Medyo busy ako ngayon kaya di kita masyadong nakakasama o nakakausap. May sasabihin pala ako sayo.
Bukas ng umaga mag usap na tayo.

To:John

Ok.

Yang lang ang nireply ko. Hindi narin ito nagreply.
Ibinaba ko na ang celpon ko. Mabuti pa'y matulog nalang ako.
Haist..

------

"So, malapit na ang pasko. Ano ang balak niyo sa christmas party?" Sabi ni Maam Vasquez.

"Exchange gift tayo." Suggest ni Alonzo, kaklase ko. Sinapak naman ito ng katabi niyang si Dexter.

"Kinder lang?  Nakakabading pre. "

"Any suggestion aside from exchange gift?"

Christmas party lang ang pinag- uusapan namin. Hindi ako nakinig. Kanina ko pa kasi iniisip ang tungkol sa sabihin ni John sa akin. Ito na ba ang sinasabi ni Ishang na 'HINDI KO IKASASAYA?
Matapos ang klase namin. Lumabas na ako at hinahanap ko si John.

"John!" Papalabas pa lang siya sa silid nila.

"Kanina ka pa?" Tanong niya.

"Kakalabas ko lang din." Hinila niya ako papunta sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala.

"Ano ba ang sasabihin mo?" Huminga siya ng malalim bago ito nag salita.

"Trust me ok? Trust my desisyon. Mahal kita. At lagi mo yang tatandaan."

"Naguguluhan na ako John. Ano ba? Ano ba ang ibig mong sabihin?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Diretso ko siyang tinanong.

"I love you. I love you so much." Pinisil niya ang pisngi ko at hinalikan niya ako.

"I'm sorry kung gagawin ko ito. Babalik ako. Babalikan kita. Kailangan kong gawin to dahil ito lang ang nararapat kong gawin."
Matapos niyang bitawan ang mga salitang yun, umalis na siya. Para akong tuod na nakatayo lang. Hindi nagsink in ang lahat ng sinabi niya.
Kumaripas ako ng takbo para habolin si John. Ngunit mabilis itong nawala. Nagtanong-tanong ako sa bawat estudyanteng nadadaanan ko.
Sinubukan ko naring tawagan siya, pero hindi niya ito sinasagot. Kinabahan ako sa sinabi niya.

Iiwan niya ako. Iiwan na naman ako ni John.

Takbo parin ako ng takbo. Marami na akong nabubungong  tao. Sa sobrang inis napaiyak ako. ANG DAYA. ANG DAYA-DAYA NIYA!.

Nung makita ko si Eunice, agad ko itong nilapitan at tinanong.

"Eunice, nakita m ba si John?"

"Hindi eh." Pagkasagot niya, tumakbo na naman ako. Nilibot ko ang buong campus pero wala. Wala na.
Hanggang sa napagod ako. Napaupo ako sa hallway ng mga junior students. Hiningal ako sa kakatakbo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yumuko ako't humagolgol.

"Charry..." mahinang boses ang nagsalita sa harap ko.

"Lahat ng ginawa niya ay may rason. Kahit mang mahal na mahal kita, ipinaubaya kita sa sakanya. " tiningnan ko lang siya. May lungkot sa mga mata niya. Mahal niya ako?.

"Magtiwala ka sa desisyon niya. "
Hindi ko napigilan ang sarili, yumakap ako sakanya ng mahigpit at doon na tuluyang humagolgol.

"Bakit ganon? Aalis lang siya ng di ko pa naiintindihan ang lahat?" Patuloy parin ako sa pag-iyak. Ngayon kolang din nalaman na may gusto pala si Marco sa akin.

"Sshhh tahan na."
Hindi ko man lang napansin. Hindi ko man lang naramdaman. Pero ang sakit parin. Ang sakit dahil iniwan na naman ako.

"Ayokong makita kang nasasaktan, alam kong kaligayahan mo si John. Trust him Charry." Sabi niya tapos hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin.

*****

Forgetting My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon