(John's Pov)
Kakauwi ko lang galing sa hospital. Parehong nasa hospital sina Charry at Kate. Nahimatay si Charry sa higpit ng pagsakal ni Kate sakanya. Si Kate naman, pinukpok ni Ishang ng malaking kahoy sa ulo, nasa likuran pala siya buti nalang pag putok ng baril ay walang natamaan.
Ilang araw na silang nasa hospital."John!" Tawag ni mama sa akin na nakaupo sa sofa.
"Po." Tapos tumayo siya at hinarap ako ng nakapamaywang. Alam ko kung ano ang isusumbat o sasabihin ni mama saakin. Tungkol ito sa nangyari.
"Kumusta si Kate? Si Charry?"
"Ok lang sila ma. Nagpapahinga pa sila. Kailangan pang manatili ni Kate sa hospital nang dahil sa nangyari sa kanya. " explain ko sa kanya. Huminga ng malalim si mama at medyo nawalawala ang pagkaalala niya. She likes Kate pero mas gusto niya si Charry.
"Ma, magbibihis na muna ako, babalik pa ako sa hospital ngayon." Ani ko.
"Go ahead son."
Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na rin bago nag bihis. Tapos, nagluto ako ng Carbonara, paborito kasi ito ni Charry. Nung kami pa, palagi ko siyang pinagluto ng ganito kaso nga lang hindi tumaba. Napangiti naman ako sa naalala ko.
Inihanda ko na lahat na dadalhin ko at saka nagtungo na doon. Dumaan na muna ako sa kwarto ni Kate.
Pagbukas ko bumungad sa akin ang mama ni Kate. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay."Tita.." sambit ko kay Tita France. Hindi ito kumibo sa akin. Patuloy parin siya sa pag pupunas sa katawan ni Kate.
"I'm sorry po tita sa nangyari, hindi ko po ito ginusto."
"Hindi nga ba? Ano bang ginawa ng anak ko sayo? Bakit hindi mo siya kayang mahalin John?" Galit na galit siya sa akin. Ni hindi nga siya makatingin ng deretso sa mga mata ko.
"Tita,,, alam mo namang iba ang mahal ko. Nagawa ko nga siyang ewan ng dahil sa kagusto niyo at ni papa. " oo napilitan akong ewan si Charry dahil nagpupumilit sina papa at tita France na ikasal kami para lang maisalba nila ang companya. Hindi ko na talaga kaya na saktan pa si Charry. Mas lalo lang nila kaming pinahihirapan lalo na si Kate. Hindi ko kayang pakasalan si Kate. Hindi talaga.
"Think about your company John. Alalahanin mo ang daddy mo na naghihirap maisalba lang ang companya niyo. "
"At ito lang ba talaga ang ibang paraan? Sorry tita, kung nirerespeto niyo po ang anak niyo, sana naman tingnan niyo kung ano ang nararapat at nakabubuti sa kanya."hindi ko na hinintay ang sagot niya o sasabihin niya, at lumabas na ako sa kwarto. Gusto ko ng gawin ang tama. Mahal ko si Charry. Mahal na mahal.
Pumunta na ako sa kwarto ni Charry. Nasa 2nd floor ang kwarto niKate at kay Charry naman ay nasa 3rd floor.
Naabotan ko pa si Marco sa loob ng kwarto ni Charry. Minsan nga nagseselos ako sa kanila. Kaso hindi ko malapitan dahil nga kay Kate at sa dahilang HINDI NA KAMI.
"Kanina ka pa?"tanong ko sa kanya. Nakaupo lang siya sa tabi ng higaan ni Charry.
"Hindi na importante kung kanina pa ba ako o hindi." Walang gana niyang sagot. Inilapag ko sa may table ang dala ko. Tiningnan naman ito ni Marco.
"Makakaalis ka na. Ako na ang magbabantay sa kanya. "
"Hindi! Wala kang karapatang paalisin ako dito. Kung babantayan mo si Charry , babantayan ko rin siya." Wala akong nagawa. Hindi siya umalis kaya kaming dalawa ang nagbabantay kay Charry wala din kasi si Tita umuwi pa sa kanila.
★★★★
Lame... wala akong ibang maisip. Hahaha support nalang tayo maywardians.
![](https://img.wattpad.com/cover/102431755-288-k262587.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...