(John's pov)
Ilang araw ko ng di nakikita si Charry sa opisina. Balita ko nag file siya ng leave for 2 weeks.
Kahit hindi pa nagsimula ang leave niya, hindi na siya nagpaparamdam dito. Nasaktan ko siya.
Lagi nalang kasing nakaaligid si Kate sa akin. Kasi nga as i promised to her parents, aalagaan ko si Kate. Pero na misinterpret lagi ito ni Charry lalo na't buntis si Kate.
Lagi ko siyang nasusungitan pag sa trabaho kasi ayokong maging unfair sa ibang empleyado dito kaya lang nasobraan ko lang ata. Hindi ko intensyon ang saktan siya. Gusto ko na ngang bumalik sa kanya, kaya lang i need to finish my mission kay Kate. Pero di ko na talaga kaya. Baka pagsisihan ko pa ang lahat."John. Buti at naparito ka." bati ni tita France sa akin. Tapos niyakap niya ako.
"May kailangan po akong sabihin sa inyo. Siguro naman ay maiintindihan niyo ako. Kaya nyo naman pong alagaan si Kate diba? Kailangan ko na po syang balikan bago ko pa pagsisihan ang lahat. " diretsahang sabi ko.
"May usapan tayo John. Isa kami sa tumulong sa compaya niyo. Sana naman sa ganitong paraan matutulongan mo naman kami. O baka gusto mong, MAGING AMA NG ANAK NIYA? I can do that John. Mamili ka! " pananakot ni tita France sa akin. Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Tita naman. Mawalang galang na ho, hindi niyo po ako pag aari. Naging parte po kayo ng pagbangon namin. Pero hindi ko naman inaakalang, may kabayaran pala." Ani ko. Nag crossed arm lang siya. At umupo siya sa sofa nila.
"Well, that's life John. Whether you like or not. " sagot at ngumiti siya saakin. Wala akong nagawa. Hindi siya mapakiusapan. Kaya lumabas na ako sa bahay nila.
Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang maipatanggol ang gusto kong gawin. Mahal ko si Charry. Araw-araw gusto siyang lapitan at kausapin. Kaya lang nahihiya ako sakanya. Hindi ko kasi alam na aabot sa ganito ang lahat.Bahala na. Siguro ito na ang tamang panahon para gawin ko ang nararapat kong gawin. Ayoko rin namang patatagalin to. Hindi ko na kayang tiisin.
Bumalik na ako sa opisina. Dumaan na muna ako sa opisina ni Charry, ngunit wala siya. Tanging assistant lang ang nasa loob.
Sinubukan kong magtext sa kanya, may number naman ako baka sakaling magrereply pa yun.Hey where are you? Na miss na kita. Gusto ko sanang mag usap tayo mamayang gabi. Kung ok lang.
Sent.
(Charry's pov)
Ang putcha. Nagutom na naman ako. Ayokong magluto, tinatamad ako.
Tatlong araw na akong nakahiga dito sa kama ko. Hindi pa nga ako naliligo.
HayysssTiningnan ko ang cellphone ko baka may nag text. 2 unread messages.
Una kong nabuksan ang kay Trishna.Girl... yung ex mo, mukhang patay na patay pa sayo ah. Araw-araw kang hinahanap. Padaandaan dito sa office mo.
Haba ng hair mo day...Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa text ni Trishna. At the same time na inis na rin.
Pangalawang message galing kay John.
Hey where are you? Na miss na kita. Gusto ko sanang mag usap tayo mamayang gabi. Kung ok lang.
Nakaramdam ako ng lungkot. Ayoko na nga siyang makita. Ito na naman siya. Nalilito na talaga ako kung ano ba ang gusto niya. Maybe it's time for us to talk about everything.
Masyado na kasing magulo ang lahat.Cge. Sa Jade's Italian Resto tayo.
I replied tapos pumunta na ako sa kusina at nagluto. Kakain na muna ao bago maligo. Pababa na kasi ang araw, kailangan ko na ring maghanda.
Alas 6 na ng gabi papalabas na ako sa condo.
Tinext ko na siya na papunta na ako. Tapos nag reply siya, nandun na daw siya. Wow ang aga.Nung nakarating na ako, pumasok na ako at nakita ko siya sa may table sa gitna. He's wearing black Armani Suit. At ako naman black dress at 3 inches high heels. Ang gwapo niya sa suot niya. Kaya nga mahal ko eh. Nung nakita niya ako, kinaway niya ako at lumapit na ako sa kanya. Tapos inalalayan niya ako sa pag upo.
Ewan ko kung ano ang pag-uusapan namin. Baka gawin niya lang akong ninang sa anak niya.
Walang nagsalita sa amin. Nag-order nalang kami ng makakain. He looked at me, then he sigh."I'm not the father of her baby." He started the conversation.
Talaga? Niloloko ba niya ako? Kung maka asta kay Kate , parang husband lang."Hindi naman ako nagtanong." Medyo iniba ko ang tono ng boses ko.
"I went to Germany to help my father mamahala sa companya. We we're broke that time. Gusto ni daddy ipakasal ako kay Kate para maisalba namin ang companya. But then, hindi ko kinaya, umalis nalang ako kesa pakasalan si Kate. Ngunit sumunod pala ito doon. Dun din siya nagcollege. Nabuntis siya ng boyfriend niya kaya lang tinakasan siya. Humingi siya ng tulong sa akin, and hindi ko naman alam, nakakapit pa sila sa akin. Her parents was part of our company. Kaya easy lang sa kanila ang gawin akong sunod sunoran. Pero ngayon, gagawin ko na ang dapat. I still love you. Charry. I really want you back." Hindi agad ako na kapag salita. Sa naririnig ko, gusto kung umiyak. Hindi ko alam kung totoo o hindi pero pinapaniwalaan ko siya. Mahal ko nga eh.
"I don't know what to say about everything after i hear it. Alam mo namang hinintay kita, ito nga ang hinintay kong marinig galing sayo." I said. Tapos hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya.
Kung sasabihin niyo mang tanga ako. Oo tanga ako dahil nagmahal lang naman ako. Forgive nga diba in order to heal."Matagal ko nang gustong sabihin sayo to, kaya lang naduwag ako eh. " sabi niya. Nakita ko sa mga mata niya how sincere he is.
"Naiintindihan kita. Kahit kailan walang nagbago sa nararamdaman ko sayo..pero bakit hindi ka nagrereply sa mga emails ko? " tanong ko.
"Kasi ayokong pahirapan mo ang sarili mo. "
"Nahirapan ako lalo eh."
"I'm sorry.." he leaned towards me. Tapos hinalikan niya ako sa noo. Kahit ganon ka haba ang mga sinasabi niya, para saakin sapat na yun.
Ayoko namang pagtabuyan siya. Sinasaktan ko lang ang sarili ko nun."I love you." He whispered.
"I love you too." I smile sweetly.
**********
Short update.
Salamat po sa inyo. Keep on reading guys.Vote. Comment.Share.
BINABASA MO ANG
Forgetting My Ex
RomanceMaymay Entrata as Charry Cruz, she was having a trouble in forgetting his ex Edward Barber as John Aquino after they broke up 5 months ago. John was now happy with his new girlfriend Heaven Paralejo as Kate Salvador. As time passed by, Charry was be...