Paggising ko nakakita agad ako ng almusal sa gilid ng kama ko saka isang note ;
kumain ka na hindi ka kasi kumain kagabi huwag kang magpalipas ng gutom
- klye
ang lungkot na naramdaman ko kagabi napalitan naman ng saya kahit papaano kinain ko na ang almusal na inihanda ni klye dahil gutom na gutom na rin kasi ako. Pagbaba ko nanonood ng t.v si morhana hindi niya ko pinansin siguro dahil kagabi pumunta ako ng kusina para hugasan ang pinagkainan ko pero hindi ko na nakita si klye.
" asan si klye " pagtatanong ko kay morhana pero hindi niya ko pinansin kaya naman pinatay ko ang t.v saka naman niya tinanggal ang earphone sa tainga niya.
" ano bang problema mo "
" nanonood ka ba ng t.v o nagsasayang ng kuryente "
nagrolled lang siya ng mata saka muling umakyat para pumunta sa kwarto niya. Hinahabaan ko na lang talaga ang pasensya ko sa kanya kung hindi baka nakatikim na to sa akin.
Nag-ayos na ko ng sarili ko para pumasok hindi ko nakasabay si chandler ngayon papasok ng school hindi ko rin kasabay si morhana sa pagpasok sa school dahil sa inis ko
" bessy !!! " ang bungad agad sa akin ni sophie
" bakit ? "
" confirmed nililigawan nga ni baby chandler si natalie halika bilis "
nakipagsiksikan kami ni sophie sa dami ng tao na nakaharang nasa second floor kami pagtingin namin si chandler nakaluhod na may hawak - hawak na flower tapos si natalia naman tuwang - tuwa sa gilid andoon ang mga kaibigan niya halos lahat ng tao sa school sila ang tinitingnan. Sa pagtingin ko kay chandler na siya din namang tingin niya sa akin pero umalis na ko
" enid " tawag sa akin ni sophie
hindi ko kaya makita yung nangyayari nararamdaman ko naman ang pagpatak ng luha sa mga pisngi ko kaya naman tumakbo ko palayo sa maraming tao pumunta ako sa lugar kung saan malayo sa kanila kahit na may nabubunggo ako wala akong pake basta makaalis lang ako sa lugar na yun.
Nakita ko si enid na tumatakbo kaya naman sinundan ko siya at nakarating kami sa likod ng gym huminto siya saka umupo sa bakanteng umpuan doon ko nakita na umiiyak siya dahil ba to kay chandler. Nalulungkot ako sa kaibigan ko kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman niya para hindi na siya maging malungkot pero mas masakit yung nararamdaman ko na kahit mayroong taong nagmamahal sayo hindi mo na papansin dahil lagi kang nakafocus sa iba
" ang tanga mo enid ano ba namang ilusyon to " kinakausap ko na ang sarili ko " bakit siya pa e mas hamak na mas mabait ako sa kanya bakit ??? hindi naman ako panget, maganda naman ako matalino din kaysa sa kanya na maganda lang saka panget pa ang ugali "
Nang biglang may umabot ng panyo sa akin tiningnan ko kung sino yung umabot ng panyo nakita ko si klye na nakangiti habang inaabutan ako ng panyo. " nakakahiya nakita mo pa kung ganito "
" kaya ka wala sa mood kagabi dahil sa kanya noh "
" sorry ah "
saka siya umupo sa tabi ko " para saan naman "
" dahil nasungitan kita "
" wala yun "
ilang oras kaming tahamik saka ako tumawa ng malakas saka ako tiningnan ni klye.
" ang sira ko talaga noh klye umiiyak ako eh samantalang hindi naman kami dinaig ko pa yung mgbf at gf na kakabreak lang " tumawa ako ng tumawa. Samantalang si klye nakangiti lang sa akin saka ayaw magsalita kanina pa ko nagsasalita dito samantalang siya wala man lang imik.
" hoy magsalita ka naman "
" okay ka na ba "
tumango ako saka kami bumalik ni klye ng room ng makita ko si natalia tuwang - tuwa siya saka hawak - hawak niya ang flower na ibinigay sa kanya ni chandler. Oo mayroong side sa akin na naiinggit kay natalia dahil simula palang noong first year ultimate crush ko na siya tapos ito ganto lang pala yung mangyayari.
" uy bessy anong nangyari sayo bigla ka na tumakbo takbo "
" ah wa-wala "
saka nagkatinginan sa akin ang mga asungot ng biglang magsalita si amber " itigil niyo na kasi ang ambisyon niyo na makukuha niyo si chandler " sabay silang tatlong nagtawanan. Nakita ko na asar si sophie at balak pa na sugurin ang mga asungot kaso lang pinigilan ko na
" hayaan muna "
" naku !!! makakatikim sa akin yang mga yan "
dumating na si maam kaya naman bumalik na kami sa umpuan kung saan kami nakaupo. Natapos na din ang klase kaya naman dumiretso na kong umuwi kaso lang nakasabay ko pa sila chandler at natalia sa pag-uwi grabe nakakainis parang ang sarap sabunutan ni natalia sa sobrang clingy niya kay chandler kulang na lang iposas niya si chandler sa kanya ka imberyana !!! aba huwag ka nilalakasan pa niya ang boses niya kapag magkausap sila talagang nanadya to ah.
" sweetie ! anong gagawin natin sa inyo " wika ni natalia.
" ipapakilala kita kay mommy "
yuck !!! sweetie tawagan nila ano ba naman yan ang baduy hindi man lang namili ng magandang call sign sweetie talaga eeww ng makarating na ko ng bahay padabog kong isinara ang gate namin. Matapos ang lahat umaakyat ako ng bahay saka binuksan ang laptop ko cinancel ko ang friend request ko sa kanya " masyado ka ng famous kaya lumalaki na ang ulo mo ". Kinuha ko din ng phone ko saka binura lahat ng pictures niya sa phone ko pangdagdag space ka lang sa memory ko eh.
Pagkatapos kung burahin lahat ng larawan niya sa cp at laptop ko. Ilang araw kong hindi binisita ang fb account niya madalas ko na lang din siyang nakikita pero sa totoo lang gustong - gusto ko ng iistalk ang fb account niya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na baka makita ko na masaya sila ni natalia
kaya hinayaan ko na lang na huwag silipin ang fb account niya." haaaayst " sabay higa sa kama pati sa pagtingin ko sa kisame muka ni chandler ang nakikita ko aaahhhh erase ! erase ! erase enid kalimutan muna yang chandler na yan okay kahit na anong gawin ko hindi ko maalis sa isip ko si chandler " ano bang ginawa mo sa akin at ganito na lang ang tama ko sayo huh "
" uy kakain na kanina pa ko tawag ng tawag sa iyo ah " sigaw ni morhana
" aba !!! talaga lang ah "
Kumain na kami si morhana ang naghugas ng pinggan ngayon ako naman ang nasa kwarto na nilibang ko na lang ang sarili ko para makatulog saka hindi ko na rin alalahanin yung chandler na yan makikita niya balang araw ako naman ang hahabol- habulin niya ahmmm
BINABASA MO ANG
my crush or my bestfriend
RomanceParehas nagmahal ng iisang babae. Ang hirap, ang gulo hindi ko na alam ang gagawin ko kung sino ba sa kanila ang pipiliin ko parehas silang mahalaga sa akin pero kailangan kong mamili pero sino ??