Kabanata 1

47 0 0
                                    

Kabanata 1- Si crush

Walang salita ang makakapagpaliwanag kung gaano ako kasaya ng araw na ‘to. Biruin niyo ba namang nakasakayan ko sa jeep yung crush ko. Pero nakababa na siya. Pero okay lang, nakasakayan AT! At.. NAKATABI KO PA SIYA.  Oh diba? Sa isang teenager na kagaya ko, natural lang na kiligin ako sa mga ganitong bagay. Para sa akin, hindi ito isang ordinaryong araw. Ganon. Ganon ang feeling. Oh good Lord. Me is so pinagpala. Thank you po talaga. TAKE ME, TAKE ME NOW! *imitating Kathryn Bernado in 24/7 in love*

Pero joke lang siyempre. Eneber.  Saka na pag may isang dosena na kaming anak ni Keith. Joke lang ulit. Eto na seryoso. Si Keith? The only one who makes me crazy. My missing piece, the only meaning of ‘I do’. Diba? Hindi naman obvious na obvious na gusto ko siya. Lyrics na ng kanta ang pinangdescribe ko. Ano ba. Eh sa ang gwapo niya eh.

Mula sa kanyang mata na parang hazelnut, yung pilikmata niyang mas mahaba pa sa akin, ang matangos niyang ilong, yung mapupula niyang labi, buhok niyang bumagay ang pagkakagupit sa kanya hanggang sa kaliwang tenga niyang may hikaw. Anak ng ang gwapo naman oh. Bakit? BAKIT PO? BAKIT PO SIYA BINIYAYAAN NG HINDI MAKATARUNGANG KAGWAPUHAN? Naiiyak ako sa sobrang frustration kung bakit ang gwapo at ang attractive niya.

Napalingon ako sa labas ng jeep ng malamang lampas na lampas na ako sa bababaan ko. Nasa kabilang street na ako. Sa may Vandavas lang ako, nasa Torres Bugallon na ako. Ayan kasi. Daydream ng daydream. Tanga mo Venice! Langya. Agad agad akong pumara.

MANONG! PARA PO!” sabay katok ng sabay sabay sa bubong ng jeep.

Pagbaba ko, hindi pa rin umalis yung jeep na sinakyan ko.

Neng! Bayad mo!” sigaw ng konduktor.

Shoot. This is anbilibabelles! Pati bayad ko, nakalimutan ko sa kakaimagine ko sa Keith ko? Iba na. Kendisbilab? Tsktsk. Sunod sundo akong napailing. This kennut be. Borrow one from zero cannot be again! Ang korne ko na.

Inabot ko sa konduktor ang bente pesos at tumakbo paalis. I hate to say this again, but. TAKE ME! TAKE ME NOW.

PAGDATING ko sa bahay, wala pa si Mommy at Daddy. Parang ang aga ko naman ata nakauwi?

Oh, Aienne. Hala, anak. Bakit naman pawis na pawis ka?” sabi sa akin ni Yaya Andeng.

Hala, Ya. Nilakad ko mula Torres hanggang dito eh.

Ano ka ba namang bata ka. Anjan naman si Manong para magsundo eh. Sana nagtext o tumawag ka man lang.

Napaisip  ako. Kung nagpasundo ako, hindi ko nakasakayan si Keith. Hindi naman kasi dapat ako magcocommute eh. Papunta na ako sa parking lot ng..

FLASHBACK

Palapit na ako sa mga bench sa parking lot ng school namin ng matanaw ako ang isang pamilyar na pigura. Lumapit ako para makita ng malinaw kung sino ito.

HEMEGURD! Kaya pala pamilyar! Si Keith! Shet! *suklay ng buhok* *haplos sa mukha* baka mapalingon sa direksyon ko eh. Mabuti na ang prepared.

Shit. Kahit kailan talaga napakawrong timing.” Sabi niya ng mej malakas.

Napaisip ako. Kung sira ang sasakyan niya, ibig sabihin.. HAH!

Kung ayain ko kaya siyang makisakay na lang sa akin at sasabihin kong idrodropby na lang namin siya sa bahay nila? Kung ganon ang mangyayari, mamakasama ko siya ng matagal at malalaman ko kung saan ang bahay niya. Shet, talino mo talaga Venice. Hoho.

Pero.. mali! Erase erase. Di dapat ganon. Lumang damoves na yon. Tskk. Baka hindi na yon bebenta sa kanya, at baka hindian ako. edi pahiya ako diba? Tapos malalaman niyang crush ko siya. Maghihinala siya. Double kill yon. Pahiya ako ng two times.

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon