Kabanata 21- Prepare
Bukas na ang Ulalume namin. Kaya bilang mga unang performer, advantage naming makapagayos ng stage the day before. Dapat nga may klase kami ngayon. Eh alam niyo na, the power of charms nila Elle eh napapayag nila mga teacher namin.
Kasalukuyan kaming nasa Annex Building, nagdedecorate ng stage. Dinidikitan namin ng cross yung palibot ng stage pero iniiwan namin blanko yung gitna paraa sa projector. Kasi diba may video.
“Aienne, idikit mo ‘tong malaking cross dun sa may hagdanan paakyat.” Utos ni Trisha habang inaayos ang pagkakamantilyo ng kabaong.
“Bakit ako?” pagrereklamo ko
“Oh anong silbi niyo ni Keith jan? Supervisor? ‘Tong dalawang to, walang ibang alam kundi magPDA sa camera.” Singhal niya
Agad ko ng kinuha ang cross at naglakad palayo. Gagawin ko na nga, baka kung ano pa mabunyag ni Trisha na sikreto dun.
Napansin kong magisa ako kaya kumuha ako ng upuan at inakyat ang pader. Pero sadyang dalawa lang ang kamay ko at wala na akong pang hawak ng double sided tape.
“KEITH! KUMUHA KA NG DOUBLE SIDED!” sigaw ko mula sa labas
Agad namang pumunta si Keith sa kinaroroonan ko at nag gupit ng tape saka inabot sa akin.
“Keith, paabot nga niyang upuan na yan.” Sabi ni Hera.
Inabot ni Keith ang upuan kay Hera at bumalik sa pag gugupit at pagabot sa akin. Ang bait naman ng Bebe ko. Hihi.
Nang maidikit ko ang cross at siniguradong hindi iyon malalaglag naisipan ko ng bumaba. Alangan naman magstay ako diba? Edi nangawit ako. Nakakapagod din no.
Tumingin ako sa baba at hinanap ang upuuang tinungtungan ko kanina.
“Asan yung upuan?” tanong ko sa kanya
“Ha? Aling upuan?”
“Yung green na upuan jan kanina sa likod mo.”
“Ah kinuha ni Hera.”
Napahampas ako sa noo ko. Y so innocent?
“Eh asan na?” tanong ko sa kanya
Sakto napadaan si Zacha sa hagdanan.
“Zacha yung mga upuan saan niyo nilagay?” tanong niya
“Sa gym.” Maikling sagot ni Zacha at umalis na.
“Di bale na.” Sabi niya
“ANO? PAANO AKO BABABA?” hysterical na tanong ko
“Talon ka dali. Sasaluhin kita.”
Napatulala ako sa sinabi niya. Oh my God. :”> pwe Aienne ano ba. Wag ka munang kiligin ngayon. Isipin mo muna kung paano ka bababa.
“Seryoso?” tanong ko
“Mukha ba akong nagbibiro?”
Ay ang sungit. =___=
“Mabigat ako.” nag aalangang sabi ko
“Wag ka ngang mafeeling. Paaytot ka nga eh.”
“Hoy hindi ah. Sexy to.”
See? Kumportable na ko kay Keith. Medyo lang pero. Kuntie lang.
“Aish oo na sige na. Talon na bilis. Ngawit na ako.”
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...