Kabanata 5

9 0 0
                                    

Kabanata 5- Stupid Reason

Napaigting ang bagang ko sa sinagot ng kurimaw na to. Seriously, Customers?

Pardon?” sabi ko na may halong sarcasm sa boses ko.

FOR.CUSTOMERS.ONLY.” sinabi niya, na parang sinasabi ito sa mga autistic o sa matanda na mahirap umintindi.

What? Customers? Didn’t you just get my order? Ikaw pa nga nagserve diba? Tapos customers? Alam mo, kanina pa ako nagtitimpi sa asal mo ha. You don’t treat your customers right! Seriously? Huh? Bat ka ganyan? Nakakairita ka, alam mo ba yon? Aware ka ba?” singhal ko.

Galit ako. Galit na galit. Wala siyang manners. Gahd. Paano ba to natanggap dito? Tumingin ako sa kanya. And guess what? Nakangisi siya sa akin. Ngiting nagmamayabang! Punyeta.

Ma’am, yun po yung password.

WHAT THE HELL?! Wh-what? Oh my God. Am I stupid? Hindi eh. Hindi. He should’ve said it in a nice way like ‘For customers only po yung password’ at eto pa ang matindi ha. Nagdugtong pa siya.

Walang space, capital letters lahat.

Nalaglag ang panga, at! Napahawak pa ako sa bibig ko. This is ridiculous.

NAKAKASHOCK.” Sagot ko. With maximum sarcasm.

Huh? Sinagot ko lang po yung tanong niyo, MA’AM.

Aba’t. URGH! Sakto dumating yung cake ko. Hinablot ko yan at nilapag ang isang libo. May sukli pa yon na 400!

For your GREAT service.” I said and walked away.

Umuwi akong nakabusangot. Inabot ko yung cake sa parents ko at binati ulit sila na parang Biyernes Santo. Nababadtrip talaga ako dun sa lalaki. Siya pa mamamahiya. Nakakainis. Bakit hindi siya naturuan ng magandang asal? Alam niyo yun?! Naiiyak ako sa sobrang frustration.

Pero talagang sinunod ni Daddy ang advice ko. And I am left alone.

HINDI ako masyadong nakatulog kinagabihan sa inis ko sa staff ng Greyla’s. Sobrang naiinis talaga ako, na sa sobrang inis ko nagagwa ko pang magpuyat. Mukha tuloy akong walking dead ng sumunod na araw. Pero medyo cool naman na ako, kasi tatlong araw na nakalipas. Pero tuwing naalala ko, naiinis pa rin ako.  

Naupo ako sa upuan ko na parang inaantok. Dumukmo ako sa desk ko at tinry matulog pero nagigising ako dahil ang lakas magdadalan ng mga bruha sa gilid ko. Sabi sa inyo eh. Sa barkada namin, may walking amplifier, microphone, speaker, megaphone, at lapell mic (Michelle).

Trish, Biyernes Santo ba today?”tanong ni Jasmin

Hindi naman. Bruha! Kakatapos lang. Bakit mo natanong? Random mo ha.” Sagot naman ni Trisha

“Aba, tignan mo naman yung katabi natin.” At sabay sabay silang lumingon sa direksyon ko.

Lumapit sila bitbit ang mga upuan nila at nagbilog. Parang may meeeting de avance. Ang babaliw talaga.

Ateng. Anyare? Lakas mo makaemo jan sa sulok ha.” Pagpuna ni Denise

Nako, baka nageemo yan kasi wala pa si Keith her loves.” Comment ni Michelle.

Tama. Alam mo, wag kang malungkot. Dadating din yun mayamaya. Chillax ka lang.” Sabi ni Trisha. With matching pagtapik sa balikat ko.

Araw araw naman kayo magkikita eh, diba? Okay lang yan, Venice.” Sabi din Jasmin.

Tumunghay ako at tinignan silang apat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakwekwento sa kanila dahil bihira ko silang makita nung mga nakaraang araw at may kanya kanya silang agenda.

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon