Kabanata 17

5 0 0
                                    

Kabanata 17- Sleep Over

Uy, makikisleep over ako sa inyo ah.

Anong pumasok sa kokote niyo at gusto niyong mag sleep over?” tanong ko

Doon tayo mag edit. Tulungan niyo ako, ang dami din kaya nito.” Sabi ni Elle

Napaoo na lang ako kasi wala rin akong magagawa. Kawawa din naman si Elle. Ang dami nga ng picture. Umabot ng hundreds.

Uwi muna tayo. Kuha akong ng toiletries ko.” Sabi ni Trisha

Wag na Bakla. Mag grocery na lang tayo.

Pagdating namin sa grocery, pasara na. Mag e- eight na rin kasi. Nagmakaawa na lang kami kay Kuyang guard kasi wala talaga kaming magagamit. So nagmadali kami. At ang mga bruha hindi talaga nakalimutan ang pagkain.

Paglabas namin, nagtatawanan kami kasi yung guard yamot na yamot na sa amin. Hindi siya makauwi kasi hinihintay niya kaming makalabas.

Umuwi kami agad dahil may curfew sa subdivision namin. Bawal lumampas ng 9:00 ang mga minor. So pinalipad ni Trisha ang kotse.

Pagdating namin sa bahay, nadatnan namin si Kuya Sage.

Andito ba sila Mama?” tanong ko sa kanya

Wala, nasa Europe. Pasarap buhay.

Inggit ka? Edi punta ka din, yaman yaman mo eh.” Sabi ko sa kanya.

Walang magbabantay sayo dito.

Mm, okay. Ge akyat na kami.” Sabi ko.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

WAAAAAAHHHHHHHH! BAKIT MO KO HINALIKAN SA NOO?! Wala na, nabura na. Huhu.

Tumawa siya at umakyat na ng kwarto. Parang ang awkward ni Kuya ngayon.. pero, waaahhh. Hinalikan niya ko sa noo, ibig sabihin nabura na yung halik ni Keith sa noo ko. Urgh Kuya.  

Aw, ang sweet naman ng Kuya mo.” Sabi ni Denise

Hindi kaya. Nako.” sabi ko

Umakyat na kaming apat sa kwarto ko, nagshower saka nagbihis. Pagkabihis, lumundag sila sa kama ko.

Ang gwapo talaga ng Kuya mo, Aienne.” Sabi ni Denise

Uhaw ka talaga sa pogi no.” Sabi ko naman sa kanya

Sauce, alam mo naman yan. Gusto niya bawat taken na lalaking makita niya, gusto niya mapasakanya. Hindi mo alam, maya maya katext na niyan Kuya mo.” Sabi ni Trisha

Ay hindi. Mali ka jan. Sorry ka. May kilala akong mas dapat sa Kuya mo.” Sagot ni Denise

Napatingin ako sa kanya. Sinesenyasan ko siya kung sino yung sinasabi niya, pero sabi niya mamaya na lang daw.

Uy, movie marathon tayo. Mamaya na lang tayo mag edit.” Aya ni Trisha

Oh sige. AY! ALAM KO NA PAPANUORIN NATIN!” sabi ko.

Ano?” tanong nila

Yung Once Upon a Time na series. Alam niyo ba yun?” tanong ko

On going pa lang yun diba?” sabi ni Denise

Napirata na ni Kuya yun. At nasa sa akin na rin. Teka iseset up ko ang projector.” Sabi ko

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon