Kabanata 9- Convo
Wait lang. Woo. Kasalukuyan akong gumugulong gulong sa kama ko, kagat kagat ang unan ko. Paikot ikot. Pinapaypayan ang sarili ko. Pag may nakakita sa akin, panigurado aakalaing takas na din ako sa mental.
Okay. Inhale exhale.
“WAAAAAAAHHHHHHHH! OH MY GOSH! AHHHH! BEST DAY EVAAAHHH! WAAAAH! *talon talon* AHHHHHH! GRABE! THANK YOU LORD! AHHH! ANG GANDA KO SHET! UWAAH! SHET! YES! UHUH! ALRIGHT! EEEEEHHHH!”
Sumisigaw sigaw ako habang nagtatalon sa kama. Nagkathniel dance pa ako. Alam niyo yun? Basta yun. Oh my gosh. Shet na malagkit na pinagdikit dikit.
“Sunog? Asan ang sunog? Anong nangyari anak?!” biglang sulpot ni Daddy habang may hawak na walis tambo. Sunog, tapos tambo? Seriously Dad?
“Wala po Dad. Sorry po.” Sabi ko sabay upo at kumalma.
“Nako anak. Patulog ka ng bingi. Matulog ka na at may pasok ka pa bukas. ”
“Yes Dad.” Sabi ko naman.
Tapos ayun. Ay wait lang. MagGM ako sa mga bruha.
TO: Jasmin Kurdi; Trishalalala; Dendedendenden; Michiepichie
MGA BRUHA! TINEXT AKO NI KEITH MY LOVES!
Nagsent na saka ko nireplyan ang loves ko. Pero siyempre, kunyare di ako natutuwang tinext niya ako.
TO: Keith Sales (eto muna baka mabasa ng iba. Mabuti ng safe.)
Saan mo nakuha number ko?
Siyempre. Para na rin mapahaba ang convo namin. Wahaha.
*brrt brrt* *brrt brrt*
FROM: Keith Sales
Kahit sa text ang sungit mo. Sa isa dun sa mga kaibigan mong takas sa mental. Ano na? Anong gagawin natin?
FROM: Trishalalala
Baka wrong sent lang yan ateng.
Hay nako Trisha. Pero wait lang. Kikilig ako. Katext ko na talaga loves ko. Yieee. Wait lang.. ano irereply ko? Mamaya na yan si Trisha.
TO: Keith Sales
Pwede naman sigurong ipagpabukas yan diba? Maaga naman akong napasok. Agahan mo na lang din. Inaantok na ko. Bye. Istorbo ka ng tulog.
Saka ako nagreply kay Trisha.
TO: Trishalalala
Bebang. I’ll make kwento tomorrow na lang. Goodnight. Love love.
*brrt brrt*
FROM: Keith Sales
Pwede mo namang hindi ako replyan diba? Ibig sabihin di mo ko matiis. ;)
OH MY GOSH! OO! IKAW BA NAMANG ITEXT NG CRUSH MO DIBA? TIGNAN NATIN KUNG DI KA MAGREPLY. Woo. Grabe. Naiiyak na ako sa sobrang kilig ko. Pinapahaba niya ang convo namin. Oh my gosh. Hemegurd.
TO: Keith Sales
Try mo kaya maging humble minsan no? Pwede ba, Keith. Wag kang makulit. Magpatulog ka please.
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...