Kabanata 12- Ulalume
Pumasok na ako ng school the next day. Hindi ko kayang mabulok sa bahay at manuod ng TV buong araw. At isa pa hindi ko mahahayaang landiin lang ng landiin ni Monica ang Keith ko.
Yiieee. Kinikilig ako sa naaalala ko. Grabe. Ngayon naniniwala na ako sa pamahiin na yun. Pag nabibilaukan ako, dapat one parati. Para A agad sdiba? Ang keith ko. Hihi. Well, thanks to Elle! ^_^
Pagpasok ng teacher namin, inannounce na magkakaroon ng competition ang bawat section ng fourth year. Ang mananalo ang may 50% plus sa grade. Odiba. Ang laki nun, 50% kahit zero makuha mo sa lahat ng quiz, imba yun sa instant 50% ng grade mo.
“Okay class. I would simply be announcing your practicum for this grading. It would be a choric speech. The piece is entitled ‘Ulalume’ by Edgar Allan Poe. You should memorize the whole piece kasi 25% yun sa criteria.” Mahabang paliwanag ni Sir.
“Sir, how about the elements? Can we use props?” tanong ni Trisha. Pangarap ni Trisha maging director. Kaya ayan bibo kid sa mga gantong bagay.
“For the elements, you can add. As long as your performance won’t exceed beyond 20 minutes. I can’t help you with that para fair. Diskarte niyo na yun. Okay? Ang props naman, it is a must. You should have props. Kailangan magmukhang creepy ang stage. Maliit lang naman ang Annex building para idesign niyo. Kayang kaya niyo yun.”
Umalis si Sir para pagusapan ang nasabing project namin. Ang Ulalume kasi, ang kwento nun parang death anniversary ni Ulalume na asawa nung nagsasalita which is Edgar. Tapos that day, nanaginip siya na naglalakad siya sa woods kasama yung conscience niya na si Psyche. Tapos ayun, maalala niya kung paano namatay si Ulalume. Ganun. So ang genre, tragic na may konting Horror.
“Oh dito, kailangan natin ng mapayat na bida! Na mej maputi.” Sabi ni Trisha. Siya talaga ang inaasahan namin sa mga ganitong project. It’s her time to shine. Mehehe.
“Are you nuts? Diba Sir said na it’s a choric speech! Why are you choosing mapayat na bida and whatsoever? All of us must perform. So.. urgh.” Reklamo ni Monica. Aba’t.
“It’s the elements Monica. Don’t you know elements? Are you nuts too? Alangan naman magdadada lang tayo dun. Siyempre, kailangan malaman nung judge kung ano ang pinagsasabi natin. Hindi sapat ang props, environment, choric dun. Kailangan may maintindihan sila. Malay ba nila kung ano ang Ulalume diba? Elements to.” Pagpapapaliwanag ni Trisha ng mahinahon. And that shut her up.
“WOO! TRISHA FOR THE WIN!” sigaw ni Mishael. Isang admirer ni Trisha sa classroom pero di alam ni Trisha kasi manhid siya.
“Osiya tahimik na. As I was saying before I was rudely interrupted. May konting play tayong gagawin. Para may magets ang audience. Para malaman kung bakit tayo naghahagulgol sa choric. Ganun. Gets niyo ba?” tanong niya.
“OO!” sagot naman ng mga kaklase ko.
“Oh ngayon, kailangan natin ng dalawang babae, isang lalaking bida.” Sabi niya uli.
“Bakit dalawa?” tanong ko naman
“Kasi yung isa si Psyche, yung isa si Ulalume.” Sabi niya sa akin.
Grabe. Ang galing talaga. Daming alams niya. Ibilib!
“Si Aienne na lang ang Ulalume! Kasi maputi siya, medyo maputla. Eh diba ang sabi sa research sinulat ito ni Poe nung namatay ang asawa niyang si Virginia? Eh ang kinamatay ni Virginia, TB. Kaya kailagan payat at maputla kaya si Aienne na lang.” Sabi ni Hera.
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...