Kabanata 4

9 0 0
                                    

Kabanata 4- Usapang jeepney love story

Ibibigay ko ang oras na ito para pag usapan ang inyong ulat.

HEMEGURD. HEMEGURD. HEMEGURD. What to do? Teka susubukan kong lumusot, baka sakaling pwede pa.

Uy Ateng..” sabi ko sabay kalabit kay Trisha. “Tayo ang pakners.

Ateng hindi eh. Yan si KEITH ang pakner mo. Sareeh. Byebye.

Aba’t!

Sister. Don’t make takwil me. Grabe ka naman.” Bulong ko kay Trisha

You can do that. Ano ka ba. Wag ka ngang aligaga. Lalo ka mahahalata eh.

Ah oo nga no. Okay. Inhale lang ng innhale Venice. Inhale.

Uhh ehem. May book ka ba?” tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin gamit ang kanyang mapupungay na mata. SEXY NG MATA! Shet. Nagiwas ako ng tingin at nagkunwareng may kukunin sa bag. Pagbukas ko ng bag ko..

*hampas sa noo* AY OO NGA PALA! Wala pala kaming book kasi nasa ipad na lahat. Ugh bobo much.

Eto pala.” Sabi ko. Nakalabas na rin pala yung ipad niya.

So saan natin sisimulan?” tanong niya.

Shet! Nagsalita siya. Puuuttt—kalma.

Ano.. H-hati na lang tayo.

Oh sige. Eh paano yung quiz?

Ako na bahala don.” Sabi ko habang busy busyhan ako sa pagpindot pindot sa ipad ko.

Tapos ako na lang sa powerpoint presentation?” tanong niya.

Napatunghay ako. Oo nga no. Dapat alam ko rin yung nasa presentation namin. Kaya nga group report eh, diba?

Dadalhin ko na lang laptop ko sa Wednesday. Tapos gawin na lang natin ng Filipino time.” Sabi ko. Ay grabe. I kenuut take this anymore. Nagpipigil akong mautal o kabahan.

Ioutline na lang muna natin ngayon yung parte nating dalawa ngayon. Para may magawa tayo.” Sabi niya ulit. Hindi ba niya alam na naiilang ako. Na kinakabahan ako pag kinakausap niya ako. Hindi ba niya alam?!

Hmm.” Sagot ko na lang.

When you’re over whelmed and you’ve lost your breath. And the space between the things you know is blurry nonetheless.

Napatunghay ako agad ng tingin sa kanya. Yan yung pinapatugtog ko kanina! Paano niya alam?

Bakit?” tanong niya sa akin.

Ah. Ano.. w-wala naman. Nagulat lang ako dun sa kinakanta mo.

Narinig ko sa earphones mo kanina. Ang ganda no.” Saka siya ngumiti. Yung ngiti niyang hindi makatarungan ang kagwapuhan at nakakapanghina. Sino ang maganda? Sa akin kasi siya nakatingin eh. Feeler.

Ah. Oo nga.” Pagsang- ayon ko na lang.

Anak ng meant to be nga naman oh.

LUMIPAS ang buong araw. Kinwento ko sa mga bruha yung tungkol sa kanta. Siyempre, big deal na yun no. Hindi pa nga ako makapaniwala eh. Imagine niyo? Sa tagal na ng pagkacrush ko sa kanya ngayon ko lang siya nakausap.

Nako te. Congrats.” Pagbati nila sa akin.

Osiya, sige. Mauna na kami ha. Magcocommute ako ngayon eh. Ingat mga ateng.” Sabi ni Trisha sa amin.

Nagpaalam na rin ako kasi dadaan pa ako sa bilihan ng cake. Bibilhan ko si Mommy at Daddy. Siyemore, kailangan may regalo din ako no. Tsaka nagbilin si Kuya sa akin. Pero may pagkukusa naman ako.

Habang nasa daan ako, nakareceive ako ng text galing kay Trisha.

FROM: Trishalalala

Grabii atii! Ang gwapo lang naman po ng katabi ko sa jeep. Nagholding hands kami ati! Hihi. Ang ganda ko. Ohmygosh.

Naalala ko ang jeepney love story namin ng Keith ko kahapon. So nagreply ako ng ‘I feel you brother.

Nakarating ako sa Greyla’s mga 5:00 na ng hapon. Mejj malayo layo din ang nilakad ko ha. Exercise.

Nakipila na ako at kasalukuyan ding pumipili ng flavor. Hindi ko namalayan na turn ko na pala.

Excuse me Ma’am. Pakibilisan po kasi marami pa pong nakapila.

Bat ka ganyan kuyang cashier? Customers are always right you know.

Black Forest na lang na large.” Sabi ko saka tumingin sa kanya.

Ay teka! Parang pamilyar si Kuya. Eto ata yung crush ni Denise noon na taga- Ulalume Academy. Wallpaper niya to nung third year ng mga 1 week. Tapos nagsawa din siya kasi ang sungit daw. Pero kung taga Kin Yang to, bakit niya pinagtitiisang magtrabaho sa Greyla’s? Diba? Pero bakit ko ba siya pinapakelaman?

Pakihintay na lang po sa table niyo.

Oo nga, ang sungit niya nga. Boset.

Nabored ako at nilabas ang ipad ko. Naalala ko, may wifi pala dito. Buti na lang. Lumapit ako dun sa kuyang nagserve sa akin at nagtanong.

Excuse me, pwede bang malaman password ng wifi niyo?

Aba’t di ako pinapansin. I have the right you know.

Excuse meeeee.” Sabi ko ulit.

Hindi niya talaga ako pinapansin. Hinintay pa niya na maubos yung customer na sineservan niya saka niya ako pinansin. Hindi nga ako inimikan eh. Tinaasan lang ako ng kilay.

Nakakairita talaga yung ugali niya. Kalalaking tao eh.

Pwede ko bang malaman password ng wifi niyo?

Nagdikit ang kilay niya. Seriously, what the hell is your problem? Para siyang iritang irita sa akin! Inano kita koya?

Pero mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinagot niya sa akin.

FOR CUSTOMERS ONLY.

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon