Kabanata 6

6 0 0
                                    

Kabanata 6- Pasion 16

Uwian na at agad naman akong nagkwento sa mga bruha. Siyempre, nagiiritan sila habang papunta kami ng parking lot. Pinagtitinginan na nga kami eh. ( -__-) nakakahiya talaga kahit kailan.

Level up na Aienne! Nababakla na siya!” sigaw ni Trisha.

Kanina pa ako nakaget over sa kilig ko, pero sila hanggang ngayon halos maglupasay sila sa gitna ng kalsada sa sobrang kilig. Naghahampasan pa silang apat. Grabe. At eto pa. Nagconclude sila na baka gusto din daw ako ni Keith. Siguro kung dakilang uto uto din ako, malamang pagdating ng panahon luhaan ako sa sugsog ng mga bakulaw na to.

Bastusan. Assuming ha. Nagusap lang, gusto agad? Wala ng friends friends?

Kunyari ka pa. Alam ko naman yun din iniisip mo.” Sabi niya sabay labas ng dila niya.

Very mature.” Komento ko.

Saka sila sabay sabay nagtawanan. Ang babaliw talaga.

Tara, nuod tayo ng first game ng varsity natin. Wala namang pasok bukas.” Sabi ni Denise.

Sus. Sabihin mo, gusto mong boy hunting.

Alam mo naman pala eh. Tara naaa!” pagyaya niya uli.

Habang naglalakad kami papuntang sasakyan ni Denise, palaisipan sa akin kung sino na naman ang pinupuntriya niyang varsity.

Paano mo pala alam na may game eh di naman inanannounce kanina?” tanong ko.

I have my sources.” And she winked. Sources? See. Alam na.

Sus. Sources.

Pwede ba, manuod ka na lang.” Singhal niya.

NAKARATING kami sa school na pag gaganapan ng first game. Eliminations na pala ‘to para sa championship. Ibig sabihin, pag may dalawa silang napanalong laro, pasok na sila para sa championship. Nako! Di naman ako interesado sa mga ganitong bagay. Pag sila Kuya at Daddy ganito ang usapan sa bahay lalo na sa hapagkainan, inaantok ako.

Matagal pa bago magumpisa ang game kaya napagpasyahan kong bumili ng mangangatngat. Tsaka gusto ko rin kasi ng sopas.

Bibili akong pagkain. May ipapabili kayo?” tanong ko.

Upo ka na kaya. Magsisimula na rin to maya maya.” Sabi ni Denise.

Te, di na kaya ng alaga ko sa tiyan eh. Me so hunger-y na.

Pakainin niyo na nga yan. Bago pa yan magwala dito.” Sabi naman ni Trisha.

Ay grabe. Hindi naman ako si Incredible Hulk.

Oh, anong gusto niyo? Dali at gutom na talaga ako.

Patay gutom talaga. Di naman nataba. Bili ka tatlong malaking Nova tsaka mga 6 o 7 chili con carne.” – Elle

Sa pinapabili mo, sino kayang patay gutom sa atin no?” sabi ko sabay lakad palayo.

ATENG! STYRO NA PLATITO HA!” aba’t nagpahabol pa.

Nagdirediretcho ako sa cafeteria ng school na to. Medyo kabisado ko pa to kasi dito kami nagpre school ni Kuya. Pagdating ko sa counter, medyo tinitigan ko pa yung nasa cashier. Natrauma ako eh.

Ma’am ano pong sa inyo?” tanong niya, sabay ngiti.

Ah, safe. Mabait.

Ate, tatlong Nova na malaki at saka 8 na chili con carne. Pabili na rin po ng styro na platito niyo. Pakiplastic po. Tsaka isang sopas.

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon