Kabanata 18- Display Picture
“Anong meron, anong meron?”pag uusisa ko habang tinatype ang password at email ko sa laptop.
Nagload ang page ng Facebook at bumaha sa newsfeed ko ang sagutan ni Hera at ng taga ibang section.
“Nagpaparinig ang ibang section.” Pahayag ni Trisha
“Seryoso?!” di makapaniwalang tanong ni Elle
“Ayan na. Nagload na Elle. Basahin mo dali.”
Tahimik naming binasa ang mga nakasulat. Luckily, may mga kaklase kaming bumack- up kay Hera. Lalo na si Chelsea. Wala na silang naisagot nung siya na yung sumingit.
Ang sabi pa doon:
Concept namin yun. Bakit niyo kailangang gayahin?! DO YOU EVEN KNOW THE WORD ‘ORIGINALITY’?! If not, come one. I’ll show you.
Sumagot naman si Hera at ang sabi:
DO YOU EVEN KNOW THE WORD ‘ASSUMING’?! If not, face the mirror. It’ll show you the meaning.
So ayun, pinaubaya na namin kay Hera. Tapang talaga ng babaeng yun kahit kailan. Tsaka wala naman kaming ginawang mali eh. Hayaan mo silang magparinig ng magparinig jan. Kahit magsawa sila.
Ina-upload na ni Denise ang pictures ng i-like ni Francine (yung nagparinig) ang album. Ni-like din ng lower years. Nagcomment pa nga yung iba ng “Ang ganda ni Ate Aienne.” Odiba.
“Ang daming tuwang tuwa sayo sa lower years oh. Ang daming tag sayo. Di kaya sabog notifications mo?” sabi ni Trisha
“Nako maganda yan. Nakukuha natin ang panlasa ng audience. Yung ibang section ba nagpost na ng pictures at teaser?” tanong ni Jasmine
“Oo. Ang Ulalume sa Archimedes si Arielle tapos sa Dalton naman si Archilye.” Sabi ni Elle
“Eh? Diba kambal yun?” tanong ko.
“Uhuh. Tapos walang positive feedback yung sa kanila. Di tulad nung atin, album pa lang ang dami na.” Pagyayabang ni Denise
“Guyths, wag muna tayong overconfident. Mamaya, mabawi nila sa choric diba?” sabi naman ni Trisha
“Ay oo nga. Dapat pagbutihin niyo, lalo na kayo Aienne.” Pagbilin ni Denise.
“Bakla, wag ganyan. Napressure ako.”
Scroll ng scroll yung apat, habang ako, gupit ng gupit. Napakalaking tulong nitong paper cutter kasi kung di dahil dito, baka inabot ako ng siyam siyam pagupit ng ticket. Baka hindi pa straight. Kaya thank you Kuya Sage. Naka 450 tickets na nga ako eh.
“GUYTHS CAN YOU SEE WHAT I SEE?” biglang tanong ni Trisha.
“HELL YES TRISHA.” Pagsangayon ni Denise.
Anong nangyari sa apat na to? Parang mga timang. Can someone please remind me kung bakit ko sila kaibigan?
“1, 2, 3..” pagbibilang pa ni Elle.
“OH MY GOSH BAKLA! MAGONLINE KA DALI! DALIAN MO! ITIGIL MO YANG PAG GUPIT GUPIT MO! WAG KA NG MAGPATUMPIK TUMPIK PA! BOOM KARAKARAKA. DALIAN MO. OH MY GOSH!” sabay sabay na sigaw nila.
“Shh, wag kayong maingay. Magigising si Kuya. Alas dos na ng madaling araw oh.” Sabi ko. Para talagang mga pasyente sa mental.
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...