Kabanata 2- The friends and the Language class
Kanina pa ako nakarating sa school. Medyo hindi na ako palinga linga kasi naorient na kami kahapon. I can see the normal scenario school. Grupo grupo, may mga nakaupo sa damuhan. Naguusap. Tumaktakbo dahil late na sa 7am class nila. Palinga lingang mga estudyante. Mga naiisa sa sulok sulok, at naka earphones. Nagbabasa ng makapal na Biology na libro, nakaputing uniform. Lumingon ako sa isa pang gilid.. at nakita ang grupo ng mga babaeng wapoise kung tumawa. -____-
“VENICE ADRIENNE VERGARA!” tawag ng isa sa kanila.
Hayy. Nakakahiya mang aminin, pero sila ang mga kaibigan ko mula high school. Sila lang din ang kakilala ko sa school, unfortunately. Joke lang. Masaya kasama yang mga yan. Makikita niyo maya maya, isa na rin ako sa mga wapoise na tumatawa kasama nila.
“Ano na, Elle? Daig pa ng paging (peyjing) yang bunganga mo ah. Kailangan buong pangalan ko ang sinisigaw?” pabulyaw na sabi ko Kay Michelle.
Pero binatukan naman ako ng isa pa.
“Paano ba naman kasi.. Parang di ka dumalo sa orientation kahapon. Ang tagal tagal mo na dito eh! Tinext kita kanina na tignan mo kami sa Lane 107. May mga karatula naman na nagasasabi kung saan ang Lane 107. Aanga anga ka pa kanina.” Sabi ng magaling na si Trisha.
“Eneber day. Bawal bang ifeel ang senior air? Bawal ba? Hindi ka ba masaya na sa wakas reyna reynahan na ang batch natin. Naaamaze nga ako kanina eh. Nag iiwas yung mga lower year pag dumadaan ako.” kwento ko.
Sabi sa inyo, nababaliw ako pag kasama ko ‘tong mga to. Makamandag ang kanilang kabaliwan. Mind you. Kaya kung ako sa inyo, wag kayong lalapit sa mga ganitong tao. XD
“Haynako, ang dami talagang alam.” Pagtataray ni Jasmine.
“Agree, check, corrected by.” Pagsangayon ni Denise.
“Agree din ako jan sister.” Isa pa tong Elle na to.
“Oh ikaw? Baka gusto mo rin umagree? Wag ka ng mahiya.” Baling ko kay Trisha. “So ano po ang pinaglalaban natin dito?” tannong ko sa kanilang apat.
“Deh, tama na yung pambabatok ko. Solve na ako don.” Sagot naman ni Trisha.
See, ako yung kinakawawa sa grupong ito. Laslasbigti. Lima kami, all girls. At ang pangalan ng grupo namin, Hardcore chicks. JOOOKKKKEE! Ew lang please. Ang tawag sa amin dati nung high school, Lucy’s. Bakit ba Lucy’s? Ewan ko. Yun kasi yung pangalan ng tindahan sa tapat ng dati naming school kung saan kami nagkasundo. Simpleng kwentuhan, tapos sabi ni Jasmine ‘Ang sarap pala nilang kakwentuhan.’ Sila ni Elle ang magkasama non. Tapos kami ni Trisha. Si Denise, palaboy yan sa kalye. Kinuha lang namin. Joke lang. Si Denise, kaklase din namin. Tapos nung nagkwekwentuhan kami, bumili siya dun sa Lucy’s. Eh ayun, sumama na siya.
Hayy! Ipapakilala ko na nga isa isa. Para malinaw. Tskk.
Michelle Lyka Francisco, the snober. Elle ang tawag namin sa kanya. Dati Mich, eh naginarte. So Elle na lang daw. Sa totoo lang, siya ang pinakatahimik sa amin. Ewan ko, may mga times na tahimik siya, may mga times na madaldal pa siya sa akin. At! Grabe po ito mangbara kung minomood swings siya.
Denise Anne Almazan, the heartbreaker. Chix yan ihh. Lol. Hindi naman, lahat naman kami chix. Oo, lahat kami. Inaasar lang namin siya ng ganyan pag trip namin siyang inisin. Ewan ko ba, bwisit na bwisit siya sa linyang yan. Siguro kasi ang jejemon ng dating. Pero totoo, paiba iba siya ng boyfriend. As I’ve said chix yan ihh. Tanggap naman namin siya. Well, Denise is Denise.
Jasmine Clarisse Chu, the armalite. Bunganga niyan, armalite. Alien din siya pati. Kinakausap niya kasi sarili niya minsan, kaya ayan. Inaasar namin ng alien. May sariling mundo. Kinabog nito ang manok na putak ng putak sa umaga.
And lastly..
Trisha Karl Kayana, the makulit. Ang 10 years ko ng bestfriend. Sawang sawa na ako sa pagmumukha ng babaeng to. Mula Prep kasi bestfriends kami. Gulat kayo no? Ayun nga, magkakalse nga kami nung Prep. Eh nung high school, nilipat ako ng school at nakilala yung tatlo. Eh hindi niya kinaya. Ayun, lumipat din nung second year kami. Obviously, siya ang pinakaclose ko. At.. piiiiiiiiiiinakamakulit sa amin.
At ako? Ako si the gorgeous. Dejoke. Ako po yung pinakamaliit sa amin. The smurf. *cries*
Language ang klase namin tuwing T-TH. At.. kung sinuswerte nga naman eh magkakaklase kaming lima. Paano ba naman! Ang lakas makasuhol sa Principal nitong mga kumag na ‘to.
Isang hilera kami ng naupo kami sa classroom. Sa may gitna. Pag sa likod kasi, puro lalaki. Hindi na rin ako nagbother tumingin dahil nagsisipulan sila. Siyempre, sa mga ganitong sitwasyon nagtatalon sa tuwa ang loob looban ni Denise. Nasa dulo ako, at may isa pang upuang natira sa gilid ko. Anim na upuan kasi sa bawat row.
Maya maya pa at pumasok na ang teacher namin.
“Good Morning. Please bring out any paper, write your name, address and contact number of you--”
“Sorry Sir, I’m late.” Narinig kong sabi ng isang lalaking mukhang kakarating lang. O baka bakla. Ay ewan ko. Busy ako sa paghahanap ng papel kaya hindi ako nagabalang tumingin.
Nagulat ako ng sinipa ni Trisha ang paa ko.
“ARAY! BAKIT BA.” iskandalosang sigaw ko.
Ngumuso si Trisha sa harapan. Parang sinasabing tumingin ako. Tumunghay ako sa pagkakayuko at.. HEMEGURD. HEMEGURD. HEMEGURD.
THE KEITH MICO A. SALES IS HERE! Hemegurd. Kaklase ko siya. First time ito, dahil nung third year, kahit sabihin nating ka batch ko siya ni minsan nga hindi ko siya nakausap. As in! Ewan ko kung bakit, pero hindi talaga nagkrus yung landas niya. Hinayang na hinayang nga ako non nung hindi ko siya kaklase eh.
“Is there any problem Miss?” tanong ni SIr sa akin.
Whatthehell. Hindi ako makasagot men! Nasa harap ko si Keith men. Hemegurd. HEMEGUUURRRRDDD! Naiiyak ako, dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman? Anak ng destiny ba ‘to?
“A-ah. Anoo. Uhmm.. Hehe. Ano. W-wala po.”
Tangina this feeling. Where is your tongue Venice? STOP STAMMERING!
“Who’s sitting beside you?” tanong ulit ni Sir.
OH MY GOOOOODDDDD. KENNUT BE! BORROW 1 FROM ZERO. PATATABIHIN NIYA SI KEITH SA AKIN. HEMEGURD. NO. HINDI AKO MAKAKAKILOS NG MAAYOS. Isip ng alliby Venice. ISIP!
“Wala po Sir. Absent po ata?” sabi ko. Act normal you freak. Hindi ka dapat mahalata.
“Absent on first day?” taas kilay niyang tanong. Urgh.
“Nagpareserve po kasi ng upuan sa akin.” Sagot ko naman sa kanya.
“Do not mind that. Kasalanan niya yon at late siya. Sit beside her, Mr. Sales.” Sabi niya sa Keith ko.
IPAGLABAN VENICE! WAG TIGILAN. Nanatili akong nakatayo.
“Eh Sir. Paano po yung katabi ko?” tanong ko ulit.
Sasagot na sana ang teacher namin ng sumingit ang napakagaling kong kaibigan.
“Hey. Venice. Nagtext siya sa akin.” Nagkunwari pa siyang nagbabasa sa cellphone niya. “Sabi niya, he will be absent kasi nagkaemergency. And he was UNFORTUNATELY placed on the other section naman pala. So no worries.”
Naupo na ko. I can’t do anything. I gave her a deadly stare. Yung tipong ‘Looks can kill.’ And in return she gave her sweetest smile to me. I rolled my eyes upwards. Heaven forbid. URRGGGHHHH! TRISHA. I’m gonna kill you!
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...