Kabanata 10

6 0 0
                                    

Kabanata 10- Sunog!

Natapos ang apat na araw na puro report ang inaatupag ko. Hindi ko naman gaanong nakakasama si Keith. Lagi ko pa rin siyang sinusungitan pero hindi nga kami masyadong nakakapagusap ngayon. Ewan ko, busy ata siya sa mga bagay bagay.

Ateng. Alam mo ba ang balita?

Umagang umaga, chismis to si Elle sa akin.

Oh anong chismis mo?

Si Keith mo, nakuhang vocalist ng La Eminente.

Natigil ako sa ginaagawa ko at tumingin sa kanya.

Hindi nga? Paano mo yan alam?

Nakita ko sa bulletin kanina. Kaya pala madalas puyat siya. Kasi nagprapractice sila para sa battle of the bands sa Friday.

Ahh.. Hindi ko siya nakakatext eh.

Busy ateng. Okay lang yan.” Sabay pat sa likod ko.

Baliw okay lang.

Maya maya lang, dumating ang teacher namin. Filipino. Hindi pa naman namin turn magreport ngayon kaya medyo hayahay pa ang buhay namin ni Keith.

Tuloy tuloy lang sa pagdidiscuss ang kaklase ko ng sumungit si Ma’am Gonzales.

Vergara. Pakigising nga yang katabi mo.

Tumingn ako kay Keith at tulog nga. Eh puyat siya sa practice. Bakit ko gigisingin? Siya na aba! May kamay siya eh. Mamaya magalit sa akin si Keith.

Po? Ma’am baka magalit sa akin.” Sagot ko sa teacher ko

Gigisingin mo, o ibabagsak kita?” saka niya tinaas ang eyegalsses niya. Nay. Terror si a’am ngayon.

Keith, gising.” Sabi ko sabay tapik sa braso niya. Grabe, hindi ko alam irereact ko. Naghuhuramentado ang puso ko. Gustong gusto ko siyang panuoding tulog pero nakatingin sa akin mga kaklase namin.

Patuloy ako sa pagyugyog sa kanya ng nagsalita siya.

Maaaa.. 5 minutes pa po.

Akala niya nasa bahay siya. Hala. Grabe. Ang cute niya talaga matulog. Para siyang bata. Gusto kong ngumiti. Putek. Magising ka na please. Mahahalata na ako ng mga kaklase natin. Namumula na ako ng bonggang bongga.

Eto na talaga. Pag di siya nagising dito ewan ko na lang.

SUNOG! SUNOG!

Effective yan. Tried and tested.

Pero bigla na lang siyang tumayo at pumalakpak. What the hell? O.o

Naghagalpakan ng tawa ang mga kaklase ko. Napaupo naman siya at nagkusot ng mata. Nagtatawanan pa rin sila, pero seryoso na ang mukha niya. Hala. Kasi naman Ma’am Gonzales eh! 

Hindi ko siya pinansin hanggang uwian. Actually usual to. Kaso.. basta. Feeling ko galit siya sa akin. Huhubelles. Ang sama ng tingin niya sa akin kanina. Wahh.

Nagyayang magmall ang mga bruha dahil bibili daw sila ng isusuot sa battle of the bands sa Friday. Required ang mga 4th year na umattend don bilang audience. Limited lang kasi ang seat na ibinibigay sa bawat school, kaya 4th year lang ang sinasama.

Huy. Di ka sasama?” tanong ni Trisha.

Ateng, uwi na ko. Masakit talaga ulo ko eh. Parang binibiak.”

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon