Kabanata 8- Text Message
“Tita K! Tito Kiel!” sigaw ko mula sa hagdanan.
Andito pala sila. Family Friend namin sila, tsaka kasamahan sila ni papa sa business. So medyo close din kami. Tuwang- tuwa kasi si Tita K sa akin kasi gusto niya ng anak na babae.
“Ayen! Hala ang laki laki mo na! Gandang bata oh.” Sabi ni Tita K.
“Siyempre, kanino pa ba yan magmamana?” pagmamalaki naman ni Mommy.
“Siyempre sa akin! Tinatanong pa ba yan? Tsk.” Singit naman ni Daddy.
“Nako. I agree Mare. Si Sage ang kamukha mo.” Sabi naman ni Tito Kiel.
“Pero ako ang kaugali no?” sabi ulit ni Daddy.
“Osiya, kain na nga tayo.” Pagyaya ni Mommy sa hapagkainan.
Naupo kami sa dining table. Magdadasal na sanan ako at uumpisahan ng lantakin ang pagkain ng pigilan ako at sinabing may hinihintay pa daw.
“Sino po hinihintay Ma?” tanong ko kay Mommy.
“Si Ren anak. ”
Ah si Ren. Yung anak nila Tita K. Childhood friend ko siya. As in sabay kami lumaki. Kaso nung mga five years old kami, di na kami nagkita kasi umalis papuntang America para magexpand ng business. Tapos pagbalik nila dito, hindi ko na nakakausap kasi parang awkward na kasi matatanda na kami. Basta ganon.
“Ano ba naman yung batang yon?! Sinabi ng pumunta ng maaga eh. Kung ano ano kasi inaatupag. Pinaghihintay pa tuloy tayo.” Sabi ni Tito Kiel.
“Calm down. He’s going to be here, okay? Baka natraffic lang yon.” Saka hinawakan ni Tita K yung kamay ni Tito. Yieee. Kileg kileeg. :””> yung kilay ni Tito Kiel unti unting naghiwalay.
*KRING KRING KRING*
“Oh baka si Ren na yan.” Sabi ni Mommy.
“Oo nga, si Ren nga. Excuse me.”
Nagusap si Daddy at Tito Kiel tungkol kay Kuya Sage. Magtratrabaho na si Kuya sa isa sa mga sikat na company dito sa Pilipinas at a very young age. Pero kuripot pa rin ang kurimaw na yon. Ultimo Janoski na hinihingi ko, ayaw ibigay dahil ang mahal daw.
“Hello Ren, anak. Where are you? Nagagalit na ang Daddy mo.”
“----------”
“Ganun ba? O sige. Ako na bahala sa Daddy mo. Take care anak. Be home early, okay? Love you.”
Saka bumalik si Tita K sa upuan niya. Buti naman at di makakarating si Ren. Ang awkward kasi talaga.
“Ren can’t make it. May training pa daw sila at may duty pa siya.”
“Naku. Sayang. The last time I saw him was like 10 years ago pa. Ang bata pa niya non!” sabi naman ni Mommy
“Ay nako. Mas matangkad na sa akin ngayon. Lahat kay Kiel nakuha. Xerox copy Mare!” saka sila nagtawanan.
“Wag mo naman isisi sa akin lahat. Binibintang mo sa akin lahat eh. May namana naman sayo.” Sabi ni Tito Kiel
“At ano naman yung abeer? -____-”
“Yan, yang mukha mo ngayon.” Saka ulit nagkatawanan.
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...