Kabanata 11- A?
"Hoy. Gising Aienne. Dali." Pag gising ni Kuya sa akin.
"Ano ba yuuunn?!"
"May mga babaeng nagakyat bahay. Nasa kusina sila. Nahampas pa nga ako ng bag nung isa."
"Seryoso?"
Bumangon ako agad at bumaba ng hagdan. At ayun nga, prenteng prenteng nakaupo ang mga bruha sa sofa namin at, nanonood pa ng TV.
"Uy, ateng! Di mo naman sinabing may bago kayong driver. Akala ko kanina magnanakaw. Nahampas ko tuloy ng bag ko." Sabi ni Elle habang kumakain ng popcorn.
Ah so siya ang nanghampas kay kuya.
"Kuya ko yun, baliw." Sabi ko saka tumabi sa kanila.
"Ehhh?! Di nga?" di makapaniwalang tanong ni Elle.
"Oo nga. Kakauwi niya lang kagabi." Sabi ko saka nanuod ng TV.
Nanahimik si Elle nung bumaba si Kuya. Nagtakip pa siya ng mukha.
"Aalis ako sandali ha. Balik ako agad." Paalam ni Kuya sa akin.
"WAG KANG MAMBABAE HA! " pahabol ko.
"SHET! NAKAKAHIYA! HEMEGURD." Sigaw ni Elle. Pumapadyak padyak pa. Naghagalpakan kami ng tawa.
"Oh, ano? Okay ka na?" tanong ni Denise sa akin.
"Oo naman. Uy, anong nangyari sa room? Nilalandi talaga ni Monica si Keith?"
"Oo, ganito oh." sabi naman ni Trisha tapos dinemo pa nila ni Jasmin.
Magkatabi sila tapos nakahawak sa braso si Trisha. Tapos nag pupuppy eyes pa. Ew ha. Harot masyado.
"Ganyan nga?" tanong ko.
"Oo nga Ateng. Eh akala ba namin, ikaw ang kasama niya sa akin report sa El Fili?"
"Eh exempted na nga daw ako, kasi naperfect ko yung long quiz natin."
"Bakit mo kasi pinerfect?"
"Aba malay ko naman diba?"
Nalungkot ako ng tuluyan. Di bale, marami pa namang pagkakataon na magkasama kami ng Keith ko. Hihi. Inaabo nila ang mga notes na namiss ko dahil nga may long quiz kami bukas. At may ibibigay daw na project si Sir DG. Choric speech daw kaya kailangan wag na daw ako umabsent bukas.
"Mga Ateng, tara na bago pa bumalik yung Kuya ni Venice. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya." sabi ni Elle.
Nagsitayuan nga sila, pero palabas pa lang sila ng gate eh nakasalubong na nila si Kuya, may dalang maraming plastic. Nag grocery ata?
"Oh, alis na kayo? Kain muna kayo ." pagiimbita ni Kuya sa kanila.
"Talaga Kuya Sage? Okay lang?" tanong naman ni Trisha habang nagniningning ang mga mata. Basta pagkain talaga. Tignan mo naman ang katawan hindi naman nataba.
"Hanggang ngayon Trisha, matakaw ka pa rin?" Sabi ni Kuya sabay tawa.
"Hindi naman Kuya Sage. Ginugutom lang ako. Ano na friends ano pa tinatayo tayo natin dito? Tara na't pumasok uli."pagiimbita niya.
Pumasok nga silang tatlo sa bahay ulit.
"Wow Trisha ha. Bahay mo? Bahay mo?" tanong ko sa kanya ng pasarkastiko.
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...