Kabanata 22- Performance, part 1
This is it. This is really iz it iz it. I cannot contain my happiness right now that I can’t hold anything because my hand is shaking.
At nasa kotse na ako. Hinatid ako ni kuya kasi pupunta din siya sa work. Hindi ko namamalayan ang oras. Hindi ko napapakiramdaman ang paligid kasi nga sobrang kinakabahan ako.
At ubos na ang kuko sa kakakagat ko. =____=
“Stop biting your nails Venice. It’s disgusting.” Kuya said
“Shut up. Abot kabilang planet ang kaba ko. Bakit ba?”
Minaniobra naman ni Kuya ang manibela at pinark sa school. Nasa school na pala kami. Di ako nainform.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin ng deretcho sa akin.
“Hey, hey. Listen to me. Relax okay? You can do this. Hindi mo naman hahayaang matatapon lahat ng pinaghirapan niyo di ba? Kaya mo yan. Si Aienne ka eh diba? Ha? Kaya mo yan.”
He leaned forward and kissed my forehead.
“Goodluck, Bunso.”
Tumango ako at kinoconvince ang sarili ko na kaya ko to. Somehow, gumaan ang loob ko. Sabi sa inyo eh. Bipolar ang kuya ko.
Naglakad ako sa hallway ng nakayuko. Kinakabahan pa rin ako ng konti. Pero nabawasan na nga.
“Ate, ate. Di ba po ngayon yung play niyo?” tanong ng isang lower year sa akin.
“Uhh oo.” Sagot ko na lang
“Goodluck po Ate! Kaya niyo yan. Kayo po ang bet ko. Bagay po kayo ni Kuya Keith. Hihi.” Sabi niya at kinikilig kilig pa.
Gumaan lalo ang loob ko. Medyo nagagain ko na ang confidence ko. At pagdating ko ng classroom, as usual nagsigawan ang mga pugo.
“BAKLA! DAPAT NAG BEAUTY SLEEP KA!” sabi ni Trisha
“Oo nga! Tignan mo yung itsura mo. Mukha kang walking dead!” sabi ni Jasmine.
Naupo ako habang tinitignan ang mga kaklase kong busy. May kanya kanya silang dalang shirt at uling. At red paint. Dinudungisan nila yung mga damit. Yun ang isususot nila para mukha silang zombie. Medyo walking dead din ang peg nila.
Busy nga ang lahat at napansin kong tumabi si Keith sa akin. Tumigil ako sa pagkakagat ng kuko ko at umayos ng upo. Turn off, ew. Pero di ko parin siya pinansin.
“Wow. Tama ba tong nakikita ko? Kinakabahan ang isang Venice Vergara?” tuwang tuwang sabi niya
“Ano namang akala mo sa akin? Manhid?” pabalang na tanong ko
“Oh. And where did the brave you, go?” saka siya ngumisi.
Oo nga. Bakit ba ako kinakabahan? Bibitayin ba ako? Kabahan lang ako pag nalaman ni Keith na gusto ko siya diba? Nanumbalik na ang confidence ko. Tumayo at nagchin up.
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...